_Micah's_
Kanina ko pa pinapalobo ang pisngi ko dahil sa tagal nila Sophia. inexcuse kasi niya ni Christian para daw doon sa Club nila. Wala tuloy pumapansin saakin bukod kayla Dhan at Daniela.
"Alright, that's your permanent seat till the quarter end. And- Oh! Leave a space between Ms. Micah and Jazmaine for Sophia. That's all class you may now take your recess"
Tinignan ko ang bakanteng upuan sa tabi ko, sabay tingin naman sa upuan sa tabi nito. Jazmaine.
Tinaasan niya ako ng kilay saka kinuha ang tatlong libro niya na sa tingin ko ay dadalhin niya sa Locker niya.
Tumayo nadin ako. Bitbit ko ang Limang librong sobra ang kapal. Wala din sila Dhan kasi lagi silang nasa Office. Kailangan kasi nilang tulungan ang registrar. Sila na nga lang ang nakakausap ko eh. Wala pa.
(T^T)Sinabi nadin saakin nila Tita na talagang bago palang magpasukan at magiging busy na talaga ang kambal. Sila kasi talaga yung tipo ng taong hindi nakakatanggi kapag may humihingi ng tulong sa kanila.
Kahit mabigat ay pinagsabay-sabay ko na ang mga libro ko. Palabas ako nang may maramdaman ako sa paa ko at-
"Ahhhhhhh!!!"
Isang kamay ang pumulupot sa bewang ko at hinila ako para hindi tuluyang matumba. Pero- ng sakit ng tuhod ko kaya napakagat ako sa gilid ng ibabang labi ko bago tumingin sa taong nakasalo saakin at-
siya?
Bakit siya pa?
Bakit siya pa yung taong yun?
yung kailangan sumalo?
dapat hinayaan niya nalang akong bumagsak. Atleast mas maiksing sakit lang. Hindi ito! Ayoko pang mawala sa mundo!
''A-A-Angelo..." Nanlumo ako sa nakita ko. Malaking gulo 'to
"A-Ah a-ano...s-salamat a-alis na ko" Patuloy kong sabi habang kinukuha ang mga libro ko. Bakit parang ang malas ko sa pangalawang araw.
"Tsk. We should go to the clinic." Bakit kapag mayaman ka ang sarap pakinggan ng English.
Kinuha niya ang mga libro ko saka ako napatingin sa tuhod ko. Hala! (T_T) nagdudugo! hindi ko yata namalayan na tumama yung tuhod ko pagikot niya saakin para hindi bumagsak.
Inalalayan niya akong pumunta sa Locker ko. Iniwan ko doon ang mga libro saka kami pumunta sa Clinic. Buti nalang talaga isang oras ang break namin kung hindi- nagka loko-loko na! Malamang absent pa ako sa Klase ko.
Nang nakarating kami sa Clinic ay nakita ko si- si- si- DAVID???!!!
"Oh ija anong kailangan mo?"
Naku! maayos ba itsura ko? hindi ba ako mukhang losyang? gurang? Maayos ba ang damit ko at walang gusot?
"Ija"
Lalapit ba siya? Bakit parang masama ang tingin niya kay Angelo? nagseselos ba siya? Jusko! may gusto ba siya saakin? anong sasabhin ko?
"Micah Right? Hey!"
Bakit Ba kasi bagay na bagay sa kanya yu-
"MISSSSS!!!!"
"Ay! mukha kang tipaklong!!!" nagulat ako nang may sumigaw sa tabi ko. Si Angelo pala at nasa Clinic pa din ako. "Bakit?" tanong ko sa kanya. Nag-frown siya at maa sinabi sa Nurse.
"Ay naku ija! hindi ka kasi nagiingat" sabi ni Ateng Nurse at kumuha ng Povidone Iodine para sa sugat ko. Kasama nito ang bulak at Gauze saka Tape. At dahil may isa pang pasyeteng iche-check up ay si Angelo na ang naglagay saakin.
BINABASA MO ANG
Dear Mr. Manhid, (On-going)
Teen FictionThe Sticky note is the only way for me to show him how i feel. Sticky note na kinaiinisan niya dahil sa mga salitang nakalagay dito. One day i saw him throw it. Sa Malayong lugar. And the message on the sticky note is... I Love you David. That is t...