Gabria's POV.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Hindi ko ma-explain.
Napahawak ako sa balikat niya nang hawakan niya ang beywang ko para mas lalong idiin ang kaniyang labi sa akin. Then, he move his lips slowly. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ako marunong humalik. Jusko lord!
Napaawang ang aking labi nang kagatin niya ang ibabang labi ko. Mabilis niyang ipinasok ang kaniyang dila sa loob ng bibig ko. He explored inside my mouth like he is finding something. Hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko. Nanatili akong nakapikit. Putcha!
Napamulat ako nang putulin niya ang kaniyang halik. Did we just kissed? No way! Binigyan ko siya nang pagtatakang tingin. Hindi niya ba nagusto ang hindi pagtugon ko? Tila nasaktan ako sa aking iniisip. Tumingin ako sa mga mata niya. Pulang-pula iyon at nakatingin siya sa akin habang habol hininga. Napa-igtad ako nang yakapin niya ako.
“X-Xenon,” utal kong tawag sa kaniya.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. “I’m jealous, okay? I'm f*cking jealous to all of the guys that's getting your attention, especially Knox,” mahinahon niyang sabi pero kita ko sa mga mata niya na gusto niyang magwala.
“Bakit ka naman nagseselos?” taka kong tanong.
“You’re so slow, huh?” Sarcastic niyang sabi.
“Huh?” hindi ko gets.
Bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin at tumalikod habang hawak ang kaniyang noo. Humarap siya ulit sa akin. Binigyan ko siya ng pagtatakang tingin. Bumuga siya ng hangin bago lumapit at hawakan muli ang magkabilang pisngi ko.
“I love you.” napako ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam kung tama ba ang aking narinig.
“Did you just—”
“I love you. Did you hear me? I love you, Gabria,” ulit niya sa kaniyang sinabi.
Hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa kaniya. Feeling ko ang laki-laki nang mata ko dahil sa gulat. Nanatili siyang nakatingin sa akin na tila ba'y hinihintay niya ang sagot ko.
“Y-You… y-you l-love me?” utal kong tanong sa kaniya.
“I won't kiss you if I don't,” diretsong sagot niya. Tumili ako dahilan para maalarma siya. Gulat niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko. “What? What? What's the matter, baby?” halos masamid ako kahit wala naman akong iniinom na tubig dahil sa tawag niya sa akin. Ngayon ko lang nahalata ang tawag niya sa akin palagi. Binalewala ko lang kasi ‘yon dahil akala ko pinagtri-tripan niya lang ako pero… waaaahhhh!
BINABASA MO ANG
Her Blood.(Completed)
Vampire(Vampire Active Series #1) A blood that is powerful among all. A powerful blood that can make everyone stronger above all the creatures in the universe. A dangerous blood that can kill thousands of people. And only one person who possesses that kind...