Chapter 18.

2.4K 77 1
                                    

Gabria's POV.

I slowly open my eyes when I felt pain all over my body. I immediately close my eyes again when the light reflects into my eyes. After a minute I slowly open my eyes again. Then, I realize that I'm lying on a bed. Dahan-dahan akong umupo mula sa pagkakahiga at masinsinang inilibot ang paningin sa paligid.

Napakunot-noo ako nang makitang nasa loob ako ng clinic. Paano ko nalaman? Nakita kong may dextrose sa aking kamay. Medyo napadaing ako dahil ang hapdi roon at pati na rin ang katawan ko.

Paano ako napunta rito? Bakit masakit ang katawan ko? Bakit may dextrose ako? Anong nangyari sa'kin? Sunod-sunod kong tanong sa akong isipan.

Napatulala ako sandali dahil inaalala ko pa kung anong nangyari sa'kin. Then after a minute, I immediately cover my mouth when I remember what happened to me. Gulat ako dahil hindi mag-sink in sa utak ko kung paano ko nagawang labanan ang lalaki. Hindi ko rin alam kung saan nanggaling ‘yong gunting na ‘yon, eh wala naman akong daling gunting paglabas ng dorm.

Napailing ako at napahawak sa tyan nang maramdamang kumalam iyon. I let out a heavy sigh. Saan naman ako kukuha ng pagkain nito? Wala pa naman akong kasama.

Tatayo na sana ako nang mapunta ang paningin ko sa tao o bampirang natutulog sa gilid ng kama. Nakapatong ang ulong niya sa kaniyang braso na nasa kama. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakaharang ang kaniyang braso. Nagdadalawang isip ma'y dahan-dahan kong hinawakan ang ulo niya pero bago ko pa ‘yon mahawakan ng tuluyan ay agad niyang nahawakan ang pulsuhan ko dahilan para mapahinto ako at nagulat.

He slowly looked at me. Lalong lumaki ang mata ko nang makitang Xenon pala iyon. Gulat din siyang nakatingin sa akin na parang hindi niya ini-expect na nagising na ako. Napatingin ako sa kamay niya na dahan-dahan lumakbay iyon galing sa pulsuhan ko papunta sa aking palad at in-intertwined iyon. I looked back at his eyes.

“G-Good morning,” I feel anxious at his stares.

“Good morning, baby,” bati niya pabalik sa akin, nakatitig pa rin sa akin.

“W-What? Why are you staring at me like that?” medyo kinakabahan kong tanong at hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

Nakita kong napalitan ang hindi ko alam na titig niya sa pag-alala. “Are you okay? Do you feel pain right now? Do you want me to call the nurse? Wait, I'll just ca—”

Tatayo na sana siya nang pigilan ko siya kaya napaupo siya sa kaniyang upuan ulit. “I’m okay, don't worry,” I smiled at him.

Nag-alala pa rin ang kaniyang titig sa kaniya. “Are you sure?” ngumiti ako ng pilit dahil naramdaman ko pa rin ang hapdi sa aking mga sugat. Tumayo siya at umupo sa kama. “Let me look at your wounds,” mahina akong tumango saka pinakawalan ang kamay niya.

Dahan-dahan niyang tinaas ang braso ko tiningnan ang sugat ko. Nagkasalubong ang kilay ko nang marinig ang sunod-sunod na mura niya habang nakatingin sa mga sugat ko sa aking magkabilang braso. Hindi ako nagsalita kasi nakaramdam ako ng hapdi sa paghawak niya. Sunod niyang tiningnan ang likod ko.

Her Blood.(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon