Gabria's POV.
No. I didn't expect this to see. No. No.
Malalaking mata akong nakatingin kay Tita habang nakatakip sa aking bibig, hindi makapaniwala. Napaatras ako. Nakabulagta siya at halos puno ng dugo ang kaniyang katawan. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
Dahan-dahan lumukob ng kaba ang dibdib ko. Ang lakas ng pintig ng aking puso na tila'y kagagaling ako sa mabilis na takbo. Ramdam kong tutulo na ang luha ko ano mang oras pero pilit kong pinipigilan.
No. Hindi. Hindi pa patay si Tita. Hindi.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. At halos lumuwa na ang mata ko nang makitang may mga Dervey na nakatalikod sa akin na tila'y may hinahanap. Umatras ako nang kaunti pero napahinto rin nang may mabangga ako muli sa aking likuran.
“Hey. Bakit ka umaatras?” malalaking mata akong tumingin kay Knox. Kasama niya ang iba naming kasama.
“Xedian.”
Mabilis akong napalingon sa aming harapan nang may magsalita. Lalong lumaki ang mata ko nang makitang nakatingin na ang mga Dervey sa amin habang nakangisi. Narinig ko ang pagmura nang aking mga kasama. Alam kong nakita na nila si Titang nakahandusay at puno ng dugo.
I settle my eyes again at my Tita. Nakita kong gumagalaw ang kamay niya. Hindi ako nagdadawang isip na mabilis na lumapit sa kaniya at niyakap siya. Nilagay ko ang ulo niya sa hita ko.
“Don’t come near her!” rinig kong banta ni Xenon. Alam kong akmang lalapitan akong ng pisteng nilalang na puro naka-black, akala mo nama'y galing sa burol.
“Ano? Did you threatened us?” rinig kong tanong ng isa sa Dervey.
Nanatili akong nakahawak kay Tita. Dahan-dahan tumulo ang luha ko. Nanikip ang aking dibdib nang makitang umubo siya at dahan-dahang dinilat ang kaniyang mata.
“T-Tita.” humihikbing tawag ko sa kaniya.
“Why? Are you threatened?” rinig kong sagot ni Xenon sa Dervey.
Napaangat ang ulo ko at napatingin sa kanila nang may maramdaman akong enerhiya malapit sa akin. Lumaki ang mata ko nang makitang nasa tabi ko ang isa sa mga Dervey habang nakataas ang isang kamay niya na may black magic sa ibabaw roon. Napalunok ako at humigpit ang hawak ko kay Tita dahil kinakabahan ako para sa kaniya, hindi para sa akin.
BINABASA MO ANG
Her Blood.(Completed)
Vampiro(Vampire Active Series #1) A blood that is powerful among all. A powerful blood that can make everyone stronger above all the creatures in the universe. A dangerous blood that can kill thousands of people. And only one person who possesses that kind...