I suddenly wanted to slap myself. Eh ano naman ngayon? O___O bakit kailangan kong isipin yon? Geez ano bang nangyayari sa'kin. Bakit lagi kong naiisip--
"Appa look!"
Nakita kong may hawak na dalawang cupcake si Jani habang naglalakad papunta sa'kin. Her grin was indescribable. Natatawa akong binuhat siya at pinaupo sa lap ko. Yung mga kaibigan ko naman umupo sa paligid nung table. Si Sehun nasa tabi ko.
"Did you say thank you to Xiumin and Lay hyung?"
"Yes appa~" sagot ni Jani tapos kinagat niya yung cupcake niya.
"No Jani. The paper!" Biglang sabi ni Sehun at napatingin sa kanya si Jani, her nose and lips smothered in frosting. Kinuha sa kanya ni Sehun yung cupcake, binalatan tapos binigay ulit sa kanya. Then Xiumin hyung wiped her nose and lips with a tissue.
"Thank you oppa~" Jani smiled at Xiumin and Sehun then he pat her head. Nagreklamo na naman ang maiingay.
"Kung alam ko lang na cupcake at pagaalis lang ng papel ng cupcake ang paraan para makuha atensiyon ni Jani." Baekhyun rolled his eyes.
"Mas cute naman ako kay Sehun ah." Sabi naman ni Chen.
"Hyung medyo hindi." Sabi naman ni Sehun at nagtawanan ulit sila. "Appa!" Tawag sa'kin ni Jani at binuhat ko siya. She gave me her cupcake. "Oh ayaw mo na?"
"No appa. Gusto mo?" Tanong nito sa akin and I couldn't help smiling. I sat her back on the chair and bit on the cupcake. Kanina pa kasi niya in-ooffer sa'kin eh. "Thank you."
"Sir, kailangan po kayo sa kusina?" May lumapit sa'kin na staff ko and I nodded to her. "Dito ka muna Jani ha."
"Appa.." Parang naiiyak yung tono ng boses niya and she looked at me with puppy eyes while pouting. I pat her head.
"Dito ka muna, Jani. May kailangan lang asikasuhin si appa."
Ganito ba ang pakiramdam ng may anak?
"Eh... Appa..." Jani whined again.
"Jani, I'll be really quick okay? May gagawin lang ako then uuwi na tayo," sabi ko. Feeling ko naiinip na din dito si Jani. She shook her head and I sighed and knelt down in front of her. "Ganito na lang. Stay here first okay? Then after ko, we'll eat together?"
"Hmm.." She still pouted at me.
"Please? Then uuwi na tayo. And we'll stay all day at home tomorrow and play all day. We'll eat sweets. Okay?" I smiled as I saw Jani's lips twitch into a smile.
"Hmm.." Kunware nagiisip pa siya.
"Dito ka muna samin Jani." Sabi ni Xiumin hyung.
"Tawagan natin eomma mo tapos manunuod tayo ng movies mamaya." Ngumiti ako tapos nag nod si jani.
"Hm okay appa. But we eat ice cream tomorrow?" She asked and I smiled as I pat her head. "Ice cream tomorrow," I smiled back and Jani clapped her hands. "Hyung, pabantayan na lang muna si Jani ha."
"Kami na bahala, hyung." Sabi ni Sehun at pumunta na ko sa kusina. Before closing the door, I saw Jani take a hold of Sehun's hand and the others complained again.
"Sir, may nag papareserve po ng restaurant, for valentines day." Sabi sa'kin nung secretary ko.
"Sino daw? And for what reason?"
"Sir Do, Miss Choi is on hold on line one. Inaantay po niya yung response for the said reservation."
Time to do my job.
"Okay thank you."
~~~~~~~~~~~
"Ah finally we're home." Binaba ko si Jani sa couch at sinara ang pinto then I took of her shoes.
"Appa pupunta dito si eomma?"
"Yes I texted her. Magpahinga ka na lang muna dyan ha." I smiled and pat her head tapos pumunta na ako sa kusina para maghanda ng meryenda. Nagtimpla muna ako ng juice at nag slice ng banana bread. "Jani? Will you come here?"
"Yes appa." Biglang sumulpot sa kusina si Jani and I lifted her to the chair. "Here kumain ka muna nito."
Inabot niya yung isang slice at dahan dahan kumain. Nasaan na ba kasi si Princess?
Hindi makapaghintay. Gusto mo na siya makita ano?
Nakakaasar talaga yung maliit na boses sa isip mo -__-
Napalingon ako ng may marinig na bumagsak at nakita ko yung baso ni Jani sa floor, the orange juice spilling around. Jani looked at me with pleading eyes. "Sorry appa."
"It's okay, it's okay. Hindi mo naman sinasadya." Pinat ko ulit yung ulo niya tapos kukuha na sana ako ng basahan para sana punasan yung juice nang tumunog yung doorbell.
"Eomma!"
She's here.
~~~~~~~~~~~
Princess' P.O.V
Come over later. Jani's waiting for you
Fr: Kyungsoo Owl :)
Kakatapos lang ng trabaho ko nang maka receive ako ng text galing kay kyung. Pinapapunta niya ako sa bahay niya. Well okay, dadaan din naman talaga ako dun dahil bibilhan ko ng cupcakes si Jani.
"May meeting tayo bukas ah, agahan mo." Sabi nung isa kong office mate at tumango ako. "Okay." I smiled then I fixed my things and went to the parking lot.
Dumaan muna ako sa bake shop para bilhan ng box of cupcakes si Jani tapos dumeretso na ako sa bahay ni kyung.
DING DONG.
"Eomma!"
"Teka lang."
Narinig ko yung boses ni kyung and seconds later, bumukas na yung pinto. Saglit pa akong napatigil. Kyungsoo oddly looks good today.
"Princess pasok na. Malamig sa labas." Hinila niya yung kamay ko at para akong nakuryente nung nagdikit yung balat namin. Bakit ba ang weird weird na nang pakiramdam ko kapag malapit tong kwago na to sa'kin?!
"Eomma!" Tumakbo papunta sa akin si Jani and I smiled then I hugged her. Tapos umupo kami sa couch.
"Did you enjoy today? Look oh binilhan kita ng cupcakes!" Pinakita ko sa kanya yung box and her eyes sparkled. Mahilig talaga siya sa cupcakes.
"Yay! Thank you!" Niyakap niya ako at kiniss ako sa pisngi at napatawa kami ni kyung. "Kanina ka pa niya hinihintay. At kanina kumain din yan ng cupcake dun sa resto." Nakangiting sabi niya ay ngumiti din ako.
"You're welcome. So how was your day?"
"It was good eomma. Nakita ko mga friends ni appa!" Ngumiti si Jani tapos bumaba siya sa lap ko at sinilip yung box na hawak ko.
"Dinner muna Jani. Mamaya na yan." Paalala ni kyung at tumango si Jani. "Okay appa." She smiled.
"Osige ilalagay ko na muna ito sa ref." tumayo ako at dinala yung box tapos pumunta na ako sa kusina. "Kyung may space pa sa ref mo?"
"Oo me -- hoy magingat ka may basa diyan!!" Tumakbo siya papunta sa akin.
"Anong basa? May natapon b-- !"
I haven't had the chance to continue my sentence when my foot slipped on who knows what spilled on the floor and I knew I was gonna hit the wood.
Until someone caught my fall, arms closed around me.
Nasalo ako ni Kyungsoo.
But why...... Was his lips on mine?