Squishy 4

173 11 8
                                    

Medyo nakakapanibago na magising na wala si Jani sa bahay. Napalapit na din ako sa kanya eh. At ayun nga kasama naman siya si Kyungsoo sa condo niya dahil isasama nga siya sa resto.

XOXO XOXO XOXO yeah ~

"Hello?"

"Miss Hyun, may I remind you of your meeting at 9 am today for the processing of telecom from Xhin Group of Companies and the signing of contract at 3 pm this afternoon."

"Yes, Shia thank you."

Secretary ko yon at ang mga sinabi nya ay ang appointments ko para sa araw na ito. Pagka baba ko nung phone, tumayo na ako sa kama at kumain na ng almusal bago naligo at pumunta sa office.

~~~~~~~~~~~~~~

Kyungsoo's P.O.V

"Appa! Appa!"

"5 more minutes.."

"Hmp. Appa~ wake up!"

Weird. Bakit appa ang tawag sa'kin nung alarm clock?

Pero hindi ko pinakinggan yun at pinagpatuloy ang pag tulog ko. Then I turned to my right and hugged a pillow then I heard a shriek.

"Appa! Wag mo kong ipitin!"

Ha? O____O

Napamulat na lang ang mga mata ko at may nakita akong bata sa ilalim ng braso ko na nakangisi sa'kin. "Appa wake up! Naiiipit ako~"

Bago ko pa matanong ang sarili ko kung kaninong anak ito, naalala ko na si Jani nga pala ito. Yung batang inampon namin ng kaibigan ko.

Yung anak namin.

"Bakit ang agap mo magising?"

"Appa you're like eomma," sabi nito at umupo sa tabi ko. I stretched my arms and sat like her. "Late ka din siguro magising." Bumungisngis pa ito. I smiled at her and got up. To be honest, it wasn't hard not to like Jani. She's a sweet and kind girl.

"Breakfast?" Tanong ko sa kanya at ngumisi siya sa'kin.

"Appa gusto ko ulit pancakes!" She wrapped her arms around my neck and rest her head on my chest. Kung makikita ako ng mga kaibigan ko ngayon, aakalain talaga nilang may anak na ako.

And they were going to see her later.

~~~~~~~~~~~~~~~

"Ito na yung bata?"

"Ang cute naman niya!"

"Hyung, halos pareho lang kayo ng mata."

"Hi there, sweetie."

"Bakit ang liit?"

"Jongdae ako ba pinagloloko mo? Syempre bata yan." Kinuha ko si Jani sa kanya at nahihiya siyang nag tago sa'kin. Nagtawanan naman ang mga kaibigan ko.

"Yan! Maghilamos ka kasi! Natakot tuloy yung bata sayo!" Sabi ni Baekhyun at nagsitawa na naman sila.

"Wag niyo ipapakita si Chanyeol, baka umiyak si Jani." Panunukso naman ni Sehun.

"Ang sama ng ugali mo!"

"Creepy ka kasi!"


"Appa.." Bulong sa'kin ni Jani. Such a shy girl. Pero hindi ko alam kung nahihiya ba siya o natatakot sa mga lokong kaibigan ko.

"Hyung, naasikaso niyo na yung mga papeles para sa adoption?" Tanong sa'kin ni Jongin at umiling ako. Nung isang araw nakumbinsi ko na si Princess na mag aasikaso kami ng adoption papers ni Jani, pero dahil pareho kaming busy, wala pa kaming na-seset na date para gawin yon.

"Hindi pa nga eh. Busy pa kami pareho." Sagot ko naman at pinaupo ko si Jani sa isang upuan. Buti na lang at kakaunti ang mga tao dito sa resto ngayon. Kung hindi, kawawa sila sa ingay at gulo ng mga kaibigan ko at kawawa ang business ko.

"What's your name little girl?" Lumuhod si Lay hyung sa harap ni Jani and for the first time, Jani didn't turn away. Kanina kasi, kapag kakausapin siya nila Jongdae o kaya nila Baekhyun, tungo at iling lang ang sagot niya o kaya naman tatalikuran sila. "Jani.." Mahinang sagot nito. Tapos si Xiumin hyung naman lumuhod din sa harap niya.

"You can call me Xiumin oppa, Jani. And his name is Lay oppa," sabi naman nito. Tumango si Jani habang pa lipat lipat ang tingin sa kanilang dalwa. Tapos ngumiti si Xiumin hyung. "Gusto mo ng cupcake?"

Jani's eyes sparkled at the sound of cupcakes at nakikita ko na gustong gusto niya. She seemed to be attached to those sweet stuff. Tapos tumango siya kay Xiumin hyung and he smiled. "Lika sama ka sa amin ni Lay. Bibili tayo ng cupcake dun oh." Tinuro ni Xiumin hyung yung counter.

Jani seemed to be ready to accept Xiumin hyung's invitation then she looked up at me. "Appa.." She made this cute puppy eyes at me. "Can I buy cupcake?"

"Marunong mag paalam." Tatango tangong sabi ni Xiumin hyung at napangiti ako. "Sure Jani."

"Really appa?"

"Yes you can. Balik ka lang dito and don't let go of Xiumin hyung's hand okay?"

"Yes appa!" Lumundag siya mula dun sa upuan niya at kumapit sa kamay ni Xiumin at Lay hyung tapos nag punta sila dun sa counter. Mukhang masayang masaya si Jani.

Hmm. Ano kayang ginagawa ni Princess ngayon?

My Dad Is SquishyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon