CHAPTER 2

184 8 3
                                    

[CHAPTER 2]

NANGINGINIG ang mga kamay ko habang linilipag ang mga pagkain sa lamesa. Hiyang-hiya ako sa sarili ko para gawin ang mg iyon sa kanya. Hindi ko naman talaga sinasadya na mahila yung tuwalya dahilan para makita yung ano nya! Kung nakakamatay lang ang tingin ay kanina pa ako pinaglalamayan dito.

Tinapik nya ang kamay ko ng akmang lalagyan ko ng tubig ang baso nya.

"Wag na baka matapunan mo pa ako at ano naman ang gawin mo"tumayo ito at pinunasan ang bibig. Napatingin ako sa kanya pero agad din akong umiwas ng masama nya akong tinignan.

"Wag kang masyadong lumapit sa akin dahil nadidisgrasya ako!"napakamot ako sa ulo ko ng marinig ang sinabi nya.

"Pero wala naman akong balat sa pwet!"

"What?"mukhang hindi nya naintindihan ang sinabi ko.

"Senorito kung sinasabi nyo po sa akin na malas ako pag malapit ako sa inyo ay hindi ko naman sinasadya iyon at isa pa wala akong balat sa pwet gusto nyo tignan nyo pa!"sinuklay nya ang buhok nya at napahawak sa batok nya sabay tingin ng masama sa akin.

"Yang bibig mo walang preno!"sigaw nya at padabog na umalis sa harapan ko. Napatingin ako sa likod nyang papalayo sa akin. Ano na naman ba ng maling ginawa ko? Kahit kailan talaga ang daling uminit ng ulo nya.

"Ano na naman ba ang ginawa mo kay sir at galit na naman?"saad ni Aling Marites. Kakatapos lamang namin maghugas.

"Palagi naman syang galit"tumawa ang matanda.

"Alam mo iha nang dumating ka dito parang hindi na maipinta ang mukha ni sir"

Ngumuso nalamang ako at hindi na sumagot sa kanya.

"Oo nga pala anong araw ngayon?"

"April 9"nagulat ang matanda sa sinabi ko.

"Hala sya!"

"Bakit po! Anong meron?"

"Naku birthday pala ni sir sa April 11"humarap ako sa matanda at interesado sasabihin nya.

"Dapat sorpresahin natin si sir"

"Palagi nyo po bang ginawa iyon ni tiya?"

"Ngayon lang iha kasi noon nang nandito si senyora ang mama ni Sebastian ay palaging bongga ang kaarawan nya pero lumipas ang ilang taon ng mamatay ang mama nya ay palaging kumukulong si Sebastian sa kwarto nya"

"Nakakalungkot naman po, anong dahilan nagpakamatay ni Senyora?"

"Tumor, nakakalungkot nga! ang bait pa namn ni Senyora sa amin! kaya naman dahil nandito kana ay tutulungan mo akong maging espesyal ang kaarawan ni Sebastian"napangiti naman ako. Baka ito na ang paraan para makabawi sa mga kahihiyan na nagawa ko.

"Ikaw na ang bahala sa mga disenyo at ako naman sa pagluluto"

"Pero wala naman po akong alam sa mga disenyo"

"Bumili kanalang ng lobo"

"Sige po"

Nakangiti ang mga labi ko. Excited na ako bumili bukas. Baka sa gagawin ko ay hindi nya na ako sungitan pa. Kailan ko kaya maririnig ang pagtawa nya at hindi nya na ako susungitan. Maganda ang naging gising ko ngayong umaga dahil sa sorpresa na gagawin namin.

Tinikom ko ang bibig ko ng maabutan ko sya sa sala, hawak nya ang isang diyaryo at sa kabila naman ay isang tasa. Napatikhim ako dahilan para mapatingin sya sa akin, salubong ang dalawang kilay nito.

"Senorito magpapaalam po sana ako para bumili ng mga gulay wala na po-"

"You may go! I don't care"

"Po?"binaba nya ang dyaryo.

"Kung aalis ka, umalis kana bago pa magbago ang isip ko!"kalmadong sabi nya.

"Opo"dali-dali akong lumabas. Muntik pa akong matapilok dahil sa pagmamadali ko. Hinatid ako ni Manong Jose sa bayan. Mahaba din ang naging byahe. Napakamot ako sa ulo ko ng maalala na gulay pala ang sinabi ko kay Senorito. Napatingin ako sa perang hawak ko.

Singkwenta pesos?

Napatingin ako sa petchay bente pesos ang isang supot. Sigurado akong magtataka si Senorito bakit wala akong dalang gulay kung hindi ako bibili. Linapitan ko ang nagtitinda at bumili ng isang supot na petchay.

Naghihintay si manong sa may kanto. Saan kaya ako makakabali ng lobo. Napatingin ako sa isang maliit na tindahan, pumasok ako doon at naghanap ng lobo pero wala akong mahanap. Hindi ako pwedeng magtagal dito. Napalingon ako sa matandang nag aayos ng mga de-lata lumapit ako at nagtanong.

"Manang alam nyo po ba kung nasaan dito yung mga-"hindi ko natapos ang sasabihin ko ng sinuri ako nito. Hanggang sa makita ko ang pagngisi nito.

"Kayo talagang mga kabataan!"natatawang sabi nya.

Anong nakakatawa?

"Alam ko na iha ang hinahanap mo!"napangiti ako, mabuti nalang alam nya.

"Hay naku marami din ang naghahanap nyan dito! ako na ang kukuha ilan ba ang kailangan mo?"napangiti ako at pinakita ang sampung daliri ko.

"Sampu, mukhang mapapasabak ka iha!"natatawang sabi nya tumango nalamang ako kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi nya.

"Payo ko lang iha dapat ihipan mo ng mabuti"

"Opo iihipin ko talagang mabuti"tawang-tawa ang matanda habang kinukuha ang kailangan ko.

Hindi lang pala si Senorito ang kakaiba ganun din pala ang mga tao dito sa bayan. Akalain mo yun hindi ko pa nga sinasabi ang kailangan ko nahulaan na agad. Tinapik ni manang ang balikat ko at binigyan ako ng isang kahon.

"Mukhang kulang ang sampu!"

"Naku manang 30 pesos nalang ang pera ko dito"

"Pwede na yan tutal maganda at mabait ka naman, sana makayanan mo iha"nagpasalamat ako. Ngiting ngiti akong pumasok sa loob ng sasakyan. Bente piraso ang laman ng lobo. Baka mamaga ang bibig ko nito kakaihip.

Agad akong sinalubong ni manang pagkababa ko sa sasakyan.

"Manang nakabili na ako"

"Mabuti naman, umalis si Sir baka lunes pa iyon bumalik pinuntahan ng mga kaibigan nya dito kanina! yung mga lobo ilagay mo nalang sa kwarto nya!"

"Hindi po ba sya magagalit kung papasok ako sa kwarto nya?"

"Hindi! sosorpresahin naman natin sya baka magpasalamat pa sya, sige na pumunta kana doon"

"Sige po"

"Sandali!"

"Bakit po?"

"Naalala ko nga pala na pupunta ako sa lamay ng kaibigan ko sa lunes baka doon muna ako hanggang biyernes dahil wala syang katulong sa pagbabantay sa lola nyang namatay, ikaw nalang ang mag sorpresa kay sir"bigla akong kinabahan sa sinabi nya.

"Ano?"

"Wag kang mag-alala bago ako umalis ay naluto ko na ang mga pagkain sige na maiwan na kita"

Hindi ko napigilang kabahan. Paano kung hindi magustuhan ni Senorito ang sorpresa baka suntukin nya na ako sa mukha. Hindi dapat ako nag-iisip ng mga ganito. Sigurado akong magugustuhan ni Senorito ang sorpresa na gagawin ko.

MoonLoverPrincess2

DON'T FORGET TO VOTE

TAMING SENORITO [MAID SERIES 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon