CHAPTER 4

153 7 0
                                    

[CHAPTER 4]

HINDI nga talaga umuwi si Aling Marites ngayon sa biyernes pa ang uwi nya. Kinakabahan na tuloy ako dahil tanging kami lang dalawa ni Senorito ang nasa mansion. Wala rin si manong dahil madalas lang ito magpunta dito. Umiling nalamang ako at nagsimula magpunas ng mga binti na. Naikagat ko ang pang-ibabang labi ko marinig ang mga yapak nya papalapit sa akin. Inabala ko ng sarili ko sa paglilinis kahit makintab na iyon.

Ayoko ko syang makita!

Natatakot ako sa pwedeng mangyari pag nakaharap ko sya. Baka magwala na naman itong lintik kung puso.

"Hey!"hindi ako lumingon. Ayoko ko lumingon sa inyo Senorito.

"Bingi ka ba ha!"sigaw nito. Pilit akong ngumiti sa kanya. Busangot na naman ang mukha nito at salubong ang dalawang kilay.

"Kanina pa kita tinatawag nagbibingi-bingihan ka!"

"Hindi po"napanguso kung sabi napatingin sya doon pero agad ding umiwas.

"Bakit po ba?"

"Nagrereklamo ka ba?"ito na naman masingit na naman sya.

"Hindi po!"

"Hindi"panggagaya nya.

"Hindi nga po"pag-uulit ko, bumuntong ito.

"Aalis tayo"dahan-dahan akong bumaba sa upuan at nagtatakang tumingin sa kanya.

"Aalis tayo!"inis nya akong tinignan.

"Palagi mo nalang ba uulitin ang sasabihin ko!"napakamot ako.

"Baka kasi wala kayo sa sarili nyo!"

"Anong wala sa sarili shit-"hinagod nya ang buhok nya tulad ng palagi nyang ginagawa pag nauubos na ang pasensiya nya.

"Pwede pa kahit sandali lang itikom mo ang bibig mo"agad kung tinikom ang bibig ko pagkasabi nya.

"Saan po ba-"hindi nya ako pinatapos.

"Ano bang sinabi ko?"hindi na ako umimik at tanging himig nalang ang ginawa ko.

Sumenyas ito na lalabas na kami. Mabilis ang mg hakbang nya kaya naman hindi ako makasabay sa kanya. Binilisan ko ang paglalakad ko na dapat ay hindi ko ginawa dahil nauntog ko sa dibdib nya. Hindi ko makahinga ng maamoy ko ang mamahalin nyang pabango. Para akong maduduling habang pinagmamasdan ang malapad nyang dibdib. Dahan-dahan kung inangat ang ulo ko. Nakakunot ang noo nito, salubong ang dalawang kilay nito. Nataranta ako baka magalit na namn sya. Hinawakan ko ang dibdib nya at pinagpagan iyon.

"What the fuck!"

"Ano?"hinawakan nya ang kamay ko at padarag iyon na binitiwan, namumula ang buong mukha nito, pinagpapawisan din sya.

"Sen-"tinalikuran na ako nito at pumasok na sa kotse. Ang tanga tanga mo talaga Nathalia palagi kanalang palpak. Tinampal ko ang noo ko wala talagang oras na hindi ako nakakagawa ng kahihiyan. Napalundag ako ng bumisina ito dali-dali akong pumasok sa kotse nya. Hindi ko na sinubukan na tinignan sya.

Buong magdamag kaming tahimik. Hindi ako sanay na sobrang tahimik. Parang mapapanisan ako ng laway dito. Kinapalan ko na ang mukha ko na kausapin sya.

"Senorito pwede bang buksan yung radio?"

"Gawin mo na ang gusto mo wag kalang mag-iingay baka palabasin kita sa kotse ko"tumango ako sa kanya.

Napangiti ako ng marinig ang kanta. Hindi ko man naiintindihan ang mensahe ng kanta ay naging paboritong ko ito.

How was I supposed to know
That something wasn't right here?
Oh, baby, baby
I shouldn't have let you go
And now you're out of sight, yeah

Hindi ko napigilang gumawa ng ingay sa mga daliri ko ganun din ang paggalaw ng bibig ko.

Show me how you want it to be
Tell me, baby
'Cause I need to know now, oh, because

Naipikit ko ang dalawang mata ko sobrang nae-enjoy ako. Mabuti narin ito kaysa naman na buong byahe ay walang ingay dito sa loob ng kotse nya.

My loneliness
Is killing me and I
I must confess
I still believe, still believe
When I'm not with you I lose my mind
Give me a sign

"Hit me, baby, one more time"natakpan ko ang bibig ko ng malakas ko iyon nasabi. Akala ko sa isipan ko lamang iyon. Huminto ang kotse dahilan upang dahan-dahan akong mapalingon sa kanya, nakayuko sya sa manibela hindi rin sya nagtagal doon. Namumula ang buong mukha nya at hindi na maipinta ang mukha. Kinakabahan na ako baka iwan nya ako dito sa gitna ng kalsada kung saan napapalibutan ng mga naglalakihang puno.

"Ano bang sinabi ko?"napalunok ako.

"Wag akong maingay!"

"That's it-"sigaw nya"hindi mo ba talaga kayang tumahimik"umiling ako hindi talaga ako sanay na hindi nag-iingay.

"Okey sana kung mag iingay ka pero yang bibig mo masyadong pasmado"napahawak ako sa bibig ko.

Pasmado?

"Senorito hindi naman po pasmado ang bibig ko pero minsan itong kamay ko-"malakas na hampas ang ginawa nya sa manibela dahilan para maitikom ko ang bibig ko.

"That's it ubos na ang pasensya ko sayo"nagulat ako ng hinapit nya ang braso ko papalapit sa kanya. Muli kung naamoy ang mamahalin nyang pabango. Para na akong maduduling dahil sa lapit naming dalawa. Nagsitaasan ang mga balahibo ko ng sumagi sa tainga ko ang mainit nyang hininga.

"Sa susunod na magsalita ka na hindi maganda sa pandinig ko ay hahalikan na kita"naitikom ang bibig ko dahil sa sinabi nya. Gulat ang mga mata ko, buong byahe ay ngayon lang ako nagtagal na hindi nagsasalita dahil sa mga sinabi nya.

"Ano pang tinutunganga mo jan?"napalingon ako sa kanya sumilip ako. Mukhang nandito na kami sa lugar na sinabi nya. Natataranta akong bumaba. Nakasunod lamang ko sa kanya hindi pamilya sa akin ang lugar mukhang hindi ito parte ng bayan. Napaatras ako ng lumingon sya sa akin.

"Sumunod kalang sa akin!"tumango ko sa kanya. Binilisan ko ang paglalakad ko para makasabay sa kanya. Namangha ako sa nakikita ko, maraming taong nagkakalat mukhang ito ang tinatawag nilang mall. Pagkapasok namin sa mga damitan ay  agad bumati ang dalawang babae. Kita ko sa mga mata nila ang paghanga kulang nalang ay kuminang ang mga mata nila. Pero itong Senorito ay walang pakialaman.

"Gwapo"

"Oo nga"

"Yummy"

"Mukhang daks!"

Hindi ko naintindihan ang huling pinaguusapan nila.

"Rosales"nagulat ako ng tinawag nya ang apelyido ko, taranta akong lumapit sa kanya. Ito ng kauna-unahang tinawag nya ako sa apelyido ko. Hindi maipinta ang mukha ng mga babae na nakatingin sa akin. Linibot ni Senorito ang paningin nya mukhang may hinahanap sya.

MoonLoverPrincess2

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT

TAMING SENORITO [MAID SERIES 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon