PROLOGUE

170 99 33
                                    


- Summer Gaile -

"Summer! Bilisan mo na d'yan aba tanghali na tulog ka pa rin! Mali-late kana sa klase!" rinig kong sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto ko. Hays! Aga-aga mambulabog inaantok pa ako eh!

"Ayan na po!" sigaw ko pabalik habang nagkakamot ng ulo.

Bumangon na ako at dinampot ang isang basong tubig mula sa side table ko saka ito diretsahang nilagok. Uhaw yarn! Pagkatapos ay tumayo na ako at dumiretso sa banyo upang maligo. Pagkatapos maligo, nagbihis na din ako. Hindi na ako nagsuot ng uniform friday naman na ngayon eh.

"MA!" bungad ko kay mama ng makababa ako. Hinalikan ko siya sa pisngi bago ako naupo sa bakanteng upuan sa harapan ng mesa.

"Bilisan mo na kumain d'yan at baka malate kana."

"Ma, kahit naman late ako, ayos lang!" sagot ko.

"At bakit naman?"

"Eh, late din kasi dumating teacher ko eh hahaha—aray naman! 'ma! Ba't mo 'ko binatukan!" nakanguso kong saad habang hinihimas ang aking ulo na binatukan ni mama. Hays! Napaka-sadista talaga!

"Napaka-ano mo talagang bata ka. Kumain kana nga lang d'yan!" ani mama, halatang pikon na ngunit tinawanan ko lang siya.

"Totoo naman kasi 'ma!" nakanguso kong saad.

Nang matapos kumain ay nagpaalam na ako kay mama na pupunta na sa school.

School? School yung madalas gustong puntahan ng mga studyante upang kahit papaano ay matakasan nila saglit yung mga problema na naiwan nila sa kanilang mga bahay. Syempre, nakakasama nila mga friends nila, nakakaasaran, nakakabonding. Kahit papaano na-di-divert yung isipan nila sa ibang bagay kung kaya't hindi nila masyadong naiisip yung mga burdens nila sa buhay na meron sila. Pero ako? Parang mas delubyo pa nga eh.

Napangiti ako ng mapait bago ko kinuha ang mask mula sa backpack ko. Muli akong napatingin sa bahay, nakita ko si mama na nagdidilig ng mga halaman kaya naman tumakbo ako ulit pabalik sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit.

"Oh, akala ko ba nakaalis kana?" nagtatakang tanong sa akin ni mama.

"I love you 'ma!"

"Etong batang ito talaga, oo haha. Mahal din kita, anak." Napangiti ako sa sinabing iyon ni mama. Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Siya yung lakas ko, siya din ang inspiration ko. Siya din yung rason kung bakit sa dami ng problema na meron ako ngayon, hindi ako sumusuko. Kahit na dumating sa point na napagod na ako sa sarili ko, si mama yung iniisip ko para hindi ko sukuan ang sarili ko.

"Alis na ako 'ma!" paalam kong muli sa kanya.

"Ingat."

"Opo, I love you!"

"I love you too, 'nak." saka niya ako hinalikan sa noo. Binigyan ko din siya ng mahigpit na yakap bago ako pumara ng tricycle.

Napahinga ako ng malalim nang makasakay na ako. Nakita kong kumaway pa sa akin si mama kung kaya't kumaway din ako sa kanya pabalik. Kita ang magaganda nitong ngiti habang sinusundan niya ako ng tingin.

Ang swerte-swerte ko na siya ang naging mama ko. Kahit pa siguro magkaroon man ako ng pangalawang buhay, siya pa rin ang pipiliin kong maging ina.

But mom doesn't know my situation. Ayoko na din naman ipaalam sa kanya kasi ayoko rin naman na mag-alala pa siya.

Hindi ko namalayan na huminto na pala yung sinasakyan kong tricycle sa tapat ng school. Pagkatapos ko magbayad ay bumaba na ako. Sakto namang pagbaba ko ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nakalimutan ko pa naman magdala ng payong. Hindi naman kasi makulimlim ang kalangitan kanina. Hays! Ang malas naman.

150 Days With My Guardian Angel (Ongoing) Where stories live. Discover now