𝘋𝘰𝘯'𝘵 𝘧𝘰𝘳𝘨𝘦𝘵 𝘵𝘰 𝘷𝘰𝘵𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘦𝘯𝘵
*****
Maagang natapos ang klase namin. After class class hour ay mabilis kong kinuha ang bag ko at pumunta sa lagi kong pinagtatambayan sa echo park, sa ilalim ng punong akasya.
Hiyang-hiya ako kanina, bawat studyanteng madaanan ko ay pinagtitinginan ako at pinagtatawanan, para bang hinuhusgahan nila ang buong pagkatao ko. Gusto ko na lang tuloy maglaho na parang bula.
Muli ko na namang naalala yung mga sinabi sakin ni Margaux kanina.
"𝘙𝘦𝘮𝘦𝘮𝘣𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘚𝘶𝘮𝘮𝘦𝘳...𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘬𝘦𝘭𝘢𝘯 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘨𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘴𝘢𝘺𝘰! 𝘋𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘪𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘰 𝘥𝘦𝘴𝘦𝘳𝘷𝘦 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘴𝘪𝘯𝘰. 𝘠𝘰𝘶 𝘢𝘳𝘦 𝘴𝘶𝘤𝘩 𝘢 𝘤𝘩𝘦𝘢𝘱 𝘨𝘪𝘳𝘭, 𝘴𝘵𝘶𝘱𝘪𝘥 𝘢𝘯𝘥 𝘱𝘢𝘵𝘩𝘦𝘵𝘪𝘤."
"𝘠𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘺𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘺𝘢𝘯 𝘴𝘢𝘺𝘰...𝘬𝘢𝘳𝘮𝘢 𝘮𝘰 𝘯𝘢 𝘺𝘢𝘯!"
"𝘠𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘺𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘺𝘢𝘯 𝘴𝘢𝘺𝘰...𝘬𝘢𝘳𝘮𝘢 𝘮𝘰 𝘯𝘢 𝘺𝘢𝘯!"
"𝘠𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘺𝘢𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘺𝘢𝘯 𝘴𝘢𝘺𝘰...𝘬𝘢𝘳𝘮𝘢 𝘮𝘰 𝘯𝘢 𝘺𝘢𝘯!"
Ilang beses nagpaulit-ulit sa tenga ko yung sinabing iyon ni Margaux. Hindi ko namalayan na tumulo na naman ang mga luha sa mata ko.
Marahil ay tama siya. Hindi ko deserve mahalin ng kahit sino. Kaya ba kahit sarili kong mga magulang ay iniwan ako at parang basurang itinapon sa basurahan? Kaya ba ayaw nila sakin dahil totoong pangit ako at hindi nila ako matanggap?
Mas lalo akong napaiyak dahil sa naisip kong yun...siguro nga yun ang dahilan.
Yung kaisa-isang taong tumanggap sakin at nagmahal sakin iniwan din ako. Bakit lagi na lang ako naiiwan? Bakit kailangan kong maranasan lahat ng ito?
Napatingala ako sa maaliwalas na kalangitan habang patuloy pa rin sa pagtulo ang luha sa mga mata ko.
"Kuya...sana nandito ka, alam kong hindi mo hahayaang gawin nila sa akin ito." tuluyan na nga akong napahagulgol ng iyak. "Kuya balik kana please, miss na miss na kita."
Wala akong ibang ginawa kundi ang humagulgol ng iyak, ako lang naman ang mag-isa dito kaya walang ibang makakakita at makakarinig sa akin kahit maglabas pa ako ng sama ng loob at hinanakit. Hindi ko madalas ipakita sa mga nambu-bully sa akin na umiiyak ako kaya siguro iniisip nila na ayos lang lahat para sa akin. Ayoko kasing umiyak sa harapan nila, mahina na nga ang tingin nila sa akin dahil hindi ako marunong lumaban, mas bababa pa ang tingin nila sakin pag nakita nila akong umiyak sa harap nila.
Wala akong ibang magawa kundi ang magtago sa dilim at doon umiiyak mag-isa, ni minsan ay hindi ko sinabi kay mama kung ano'ng nangyayari sakin dito sa school. At wala din naman akong planong sabihin kay mama dahil ayoko siyang mag-alala. Ang alam lang niya ay maayos at tahimik akong nag-aaral ng mabuti, pero ang hindi niya alam na lahat ng paghihirap, pananakit at pambu-bully ng mga studyante dito sa akin ay tinitiis ko makapagtapos lang ng pag-aaral, matupad ko lang ang pangako ko kay kuya na kahit anong mangyari ay dito ako magtatapos sa dream school namin. Ayoko siyang biguin upang kahit yun man lang sana ay makabawi ako kay kuya. Saka, parusa ko na din ito sa sarili ko bilang kabayaran sa nangyari noon. Deserve kong mahirapan ng ganito.
YOU ARE READING
150 Days With My Guardian Angel (Ongoing)
RomantikNightshade is an angel who sent to Earth to guide and protect Summer who carries emotional scars from a traumatic incident. Ever since that incident happened, she was no longer able to show her face to people, which also caused her to be bullied by...