Chapter 6: Her Angelic Voice

45 15 2
                                    

𝘋𝘰𝘯'𝘵 𝘧𝘰𝘳𝘨𝘦𝘵 𝘵𝘰 𝘷𝘰𝘵𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘦𝘯𝘵

*****



Kinabukasan, pagkatapos ng klase namin sa History class ay napagdesisyunan kong pumunta sa library upang kausapin yung librarian tungkol do'n sa librong hiniram ko na pinunit nina Jasper nung nakaraan. Ang tagal na no'n ngunit hindi ko pa din naisasauli sa library, nag-iipon pa kasi ako ng lakas ng loob para sabihin yun sa librarian dahil paniguradong pagagalitan talaga ako no'n.

Ngunit habang naglalakad ako sa hallway ay bigla na lang may humarang sa dinaraanan ko.

"Woi oh! Kapag sinuswerte ka nga naman." nagulat ako sa biglang pagharang ng apat na lalaki sa daanan.

Nasa harapan ko ngayon sina Zion at Kaizer samantalang nasa likuran naman nila sina Jasper at Nathan.

Akmang lalampasan ko na sila nang biglang higitin ni Zion ang braso ko at hinila papunta ulit sa harapan niya.

"Z-zion please lang tigilan niyo na ako. Ayoko ng gulo inaway na ako ni Margaux." nakayuko kong pagmamakaawa.

"Wala akong pakealam." mariin niyang sinabi yun.

"Dahil ba do'n sa stolen pictures?" tanong ni Jasper

Tumango naman ako bilang sagot. Nagtawanan naman si Nathan at Jasper saka nag-apir pa ang mga ito.

"Sino kaya ang may lakas ng loob kumuha ng picture na yun? Infierness ang galing niya ah, nagawa niyang galitin at pagselosin si Margaux." natatawang wika ni Nathan.

Napaangat ang tingin ko kay Zion.

"P-pwede bang mag-explain ka kay Margaux, sabihin mo sa kanya na hindi naman totoo yun. Na wala namang ibig sabihin yun. Na nagkataon lang na gano'n."

Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo saka niya binitawan ang braso ko.

"Why would I do that?"

"P-para tigilan niya na ako."

"Tss! Tingin mo ba titigilan kana niya once nag-explain ako sa kanya?"

Muli akong napayuko dahil sa sinabing iyon ni Zion.

𝘖𝘰 𝘯𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯.

"She knows it already...alam niyang hindi kita papatulan. I know her, gumawa lang siya ng reason para ipahiya ka. And I don't care about the humors spreading about us. Hindi naman ako yung mapapahiya kundi ikaw. And you deserve it actually! Margaux is right you don't belong here. You're such a trash. Hindi ko alam kung bakit kumukulo ang dugo ko kapag nakikita kita...I hate seeing you here." matigas niyang saad. Ngayon ko lang narinig na ang haba ng sinabi niya tapos ang sakit pa.

Sa kauna-unahang pagkakataon na kaharap ko siya, tumulo ang mga luha sa mata ko. He hurt me physically before, he even ruined my things but did not say anything pero ngayon, mas okay pa palang tapunan niya ako ng pagkain, patidin habang naglalakad, itulak sa pader, pero yung saktan niya ako through words ibang klaseng pain na yun eh. Sanay naman na ako makarinig ng masasakit na salita galing sa schoolmates ko pero iba pagdating sa kanya, iba din pagdating kay Margaux. Ibang klaseng pain yung hatid sa akin ng mga masasakit na salitang binibitawan nila sakin.

Unti-unti kong inangat ang tingin ko sakanya kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata ko. Kita ko naman sa gilid ng mata kong nakatitig lang sa akin si Kaizer, hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya.

"Ano bang ginawa kong kasalanan sa inyo?" tila ba may bumara sa lalamunan ko ng tanungin ko iyon sa kanya. Sandali siyang nagulat ngunit agad rin bumalik ang blankong ekspresyon ng kanyang mukha.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

150 Days With My Guardian Angel (Ongoing) Where stories live. Discover now