Chapter 2: Sir Hendrix

99 85 20
                                    


Don't forget to leave a vote and comment.

******

Limang taon na ang nakalipas matapos ang nangyari, natakot na akong humarap sa mga tao, natakot na akong humarap sa salamin, natakot na akong alisin ang takip ko sa mukha. Hindi lang dahil takot akong makita nila ang itsura ko kundi dahil meron pang isang dahilan.

That incident happened 5 years ago that keeps on hunting me even in my dreams. Dreams that will always turn into a nightmare. Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa akin ang nangyari noon. Iyon ang alaalang ayoko ng maalala pa kahit kelan. Dahil sa mga alaalang yun ay hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang aking sarili kung bakit nangyari ang bagay na yun.

Pero kahit anong pilit kong kalimutan ang nakaraan ay pilit pa rin ako nitong binabalikan.

Mabilis na nagsipasok ang mga studyante sa kanya-kanya nilang room. Nang tumunog ang bell ay saka lamang ako lumabas ng restroom. Nakayuko ako habang naglalakad papunta sa aking pwesto. Mabuti na lang ay wala na silang ginawa pagpasok ko pasimple na lang nila akong pinagtatawanan.

Gaya ng dati ay mag-isa ulit akong nakaupo sa isang gilid sa may bandang likuran. Inabala ko na lang ang aking sarili sa pagbabasa ng mga notes ko habang hinihintay ang subject teacher namin sa Biology na si Mrs. Lopez. Hindi ko pa magagamit yung libro ko dahil basa pa ito hanggang ngayon. Baka mapunit lang kaya ipinatong ko na muna sa may bintana para medyo maarawan.

Ilang saglit lang ay dumating na si Mrs. Lopez kung kaya't nagsi-ayos na ng upo ang aking mga kaklase. Nag-discussed lang siya ng konti at nagbigay ng seatworks. Bago matapos ang class hour para sa unang subject namin ay may in-announce muna si Mrs. Lopez.

"Kahapon ay nagpaalam na si Ms. Gwenn na magre-resign na sa kaniyang pagtuturo." Pag-uumpisa niya.

Si Miss Gwenn ay ang teacher namin sa Physical Education. Bali-balita na magpapakasal na daw ito doon sa foreigner niyang boyfriend na nakilala niya sa omegle tatlong taon na raw ang nakararaan. Bakit alam ko yun? Syempre lagi ba naman niya sa amin ikinukwento kung paano sila nagkakilala ng 'my one and only' raw niya. Next month nga ay magma-migrate na 'ata ito sa Canada. Siguro iyon ang dahilan kung bakit magre-resign na siya sa pagtuturo.

"Siguro ay alam na ninyo na engaged na si Miss Gwenn doon sa nobyo niyang foreigner at magpapakasal na sila next month. Sa Canada gaganapin ang kanilang kasal at doon na rin sila titira. Iyon ang dahilan kung bakit magre-resign na sa pagtuturo si Ms. Gwenn. Sinabi din niya na nagkaroon siya ng Job opportunity doon sa Canada kung kaya't doon na rin siya magtuturo." Mahabang paliwanag ni Mrs. Lopez. Sabi na eh! Tama nga ako! "Kung sabagay, mas malaki nga naman ang sahod ng mga guro sa ibang bansa. Kung ako nga rin sana nakapangasawa ng Foreigner malamang doon na din ako titira at doon na din ako magtuturo. Ngunit sa kamalasan, kapitbahay ko lang ang napangasawa ko hays!" Dagdag pa niya.

Hinayaan na lang namin siya magsalita sa unahan, ganyan naman kasi talaga yan. Kapag nagkukwento siya, pati buhay niya ikinukwento niya na din haha pero okay lang, iyon ang kasiyahan niya eh, masaya siyang ibinabahagi ang kwento ng kanyang buhay sa amin.

"Ma'am?" Lahat kami ay napalingon sa nagtaas ng kamay.

"Yes Ms. Falcon?"

"Kung gano'n...sino na ang papalit sa kanya? Wala ba kaming teacher mamaya?" tanong ni Mica.

"Yes! Yown oh!"

150 Days With My Guardian Angel (Ongoing) Where stories live. Discover now