Chapter 3: Zion

50 32 10
                                    

𝘋𝘰𝘯'𝘵 𝘧𝘰𝘳𝘨𝘦𝘵 𝘵𝘰 𝘭𝘦𝘢𝘷𝘦 𝘢 𝘷𝘰𝘵𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘦𝘯𝘵

*****




"Hey! akin na yan! "

Napalingon ako sa isang grupo ng mga studyanteng nagtatawanan, hindi kalayuan mula sa pwesto ko.  I am now sitting under a big acasia tree here in Echo park. This is where the students usually go, especially during freetime. Magkalapit lang naman yung school namin mula dito sa park.

Hindi madalas nagagawi dito ang mga studyante sa pwesto ko kasi nasa may pinakadulo na ito ng park kung kaya't dito ako nagpapalipas ng oras kapag freetime. Dito din ako kumakain ng snack at lunch at dito rin ako tumatambay kapag maraming tao sa library.

This is what I consider a peaceful place. Dito kasi, mag-isa lang ako, walang nambubully sa akin, walang mga matang nakatingin sa akin ng may panlalait at panghuhusga. Tanging ako lang talaga mag-isa. I can also think more quietly here. Seeing these nature infront of me makes me calm. Kahit papaano ay nakakahinga ako ng maluwag at medyo gumagaan ang pakiramdam ko.

"Siraulo mo kuya, bahala ka nga diyan!"

Muling naagaw ang atensyon ko ng mga studyanteng nagtatawanan. Hanggang dito ay rinig na rinig ko ang halakhakan nila.

Napangiti ako dahil sa dalawang magkapatid. The guy was obviously teasing his sister. Aliw na aliw naman ang mga kaibigan nila habang pinapanood sila. Ang sweet nila haha. Bigla ko tuloy naalala si kuya. Nakikita ko kasi ang mga sarili namin noon doon sa magkapatid.

If my brother was here, maybe we would also be like that.

"Target spotted." I was surprised when someone suddenly appeared in front of me and blocked what I was looking at.

"Hey ugly-nerdy!" A guy infront of me greeted. I didn't know if it was sarcastic or not. Oh, well siya na 'yon eh malamang sarcastic talaga 'yon. "Anong tinitingnan mo?" He asked and looked back. "Ah, yung mga yun pala ang tinitingnan mo? 'wag mo ng tingnan, maiinggit ka lang. Hindi ka kasi magkakaroon ng ganyan." saka siya tumawa ng malakas.

Yeah right! How I wish I can also have a circle of friends like that. But I know it's imposible.

"Back off men." I looked at the guy who tap his shoulder and also went infront of me. "Ano na naman ba'ng ginagawa mo kay ugly-nerdy. Bullying yan! Oh, ano itong kinakain mo, masarap ba?" He was about to grab the box that I was holding but I slightly moved it away from him habang nakayuko. "Damot mo naman titingnan lang eh."

Yung totoo, hindi pa talaga ako kumakain. Hinihintay ko kasing makaalis yung mga studyante kaso bigla namang dumating itong dalawang ito. Mukhang hindi na yata ako makakakain hays!

"Ah, p-pasensya na aalis na ako." I immediately slung my bag over my shoulder and took the books from the seat.

I turned my back on them, ready to leave when someone blocked my way.

I'm doomed!

"Aish! Aalis ka kasi agad hindi pa nga tayo nakakapagkwentuhan." Jasper Yue, a guy who sarcastically greeted me earlier said. "Pahiram nito ah." Wala akong nagawa nang bigla niyang hablutin ang mga librong hawak ko saka binigay ang dalawa kay Nathan.

Nagulat ako nang bigla nila itong punitin. Libro pa naman ng library iyon. Paano ko ipapaliwanag sa librarian na punit-punit na yung librong hiniram ko? Napakasungit pa naman no'n tsaka paniguradong pagbabayarin ako, apat pa naman na libro yun.

"Ay sorry napunit." Natatawang ani Nathan. "Ikaw kasi ang gulo mo, napunit tuloy."

"Anong ako? Ikaw magulo diyan eh."

150 Days With My Guardian Angel (Ongoing) Where stories live. Discover now