Sheen's POV
nagising ako ng maaga dahil magre-ready pa ako tapos tatawagan ko pa sila.
una kong tinawagan si Naomi.
kring kring...
(tangina mo Sheen. natutulog pa yung tao.)
"susunduin natin si Xavier ngayon.sa airport tayo magkita. maligo ka na. bye." binaba ko na ang tawag at sunod na tinawagan si Alice.
(bwisit ka Sheen. ano ba?)
"susunduin natin yung crush mo! sa airport lang tayo magkita. bye" susunod kong tatawagan si Kevin.
(hello Sheen?) mabuti pa siya hindi ako minura.
"Susunduin natin si Xavier ngayon. sa airport lang tayo magkita-kita. isama mo na rin si Stacey.bye." binaba ko na ang tawag at tinext sila kung anong oras pupunta. naligo na ako.
****
"huy! tumahimik nga kayo! ang ingay-ingay niyo!" suway ko kina Naomi at Alice. ang ingay-ingay kasi!
tinignan ko ang oras. 7:45 a.m na
tumingin-tingin lang kami sa arrival area. AYUN!
"Xavier! dito!" napatingin siya samin at ngumiti tapos naglakad papalapit. waah! namiss ko siya!
papalapit siya sa amin kaya tumakbo ako at niyakap siya ng mahigpit.
ANG BANGO NIYA. ANG TANGKAD PA.
"Steph? waah! Steph!" binitawan niya ang bag niya at niyakap din ako. bumitaw ako sa kanya at ngumiti.
"waah! Xavier, na miss kita!" sabi ko.
"Na miss din kita! nasaan sila?" tapos tinuro ko kung saan sila nakatayo. lumapit sila samin at nag group hug.
"Hoy Xavier Oh, kilala mo pa ba ako?" tanong ni Naomi.
"Syempre naman Naomi! blonde ka na ngayon ah?" nag chuckle lang si Naomi.
"Alice? waah! ikaw nga!" lumapit sa kanya si Xavier at niyakap. nakita naming namula siya kaya nag chuckle kami ni Naomi. bumitiw sa yakap si Xavier at nilapitan sila Stacey at Kevin.
"hey bro!" nag brofist sila.
"Stacey! kamusta ka dito?" tapos niyakap niya si Stacey.
"okay lang naman!"
"ano, tara?" aya ni Xavier. um-oo naman kami.
"Xavier, kanino ka sasakay?" tanong ko.
"syempre sayo. sunod lang kayo ah? magkatapat lang naman kami ng bahay eh!" lumabas na kami sa airport at kanya-kanya ng sakay sa kotse.tinulungan ko siyang ilagay ang mga bagahe niya sa kotse ko tapos pumasok na.
"Steph, tutal nandito na ako....kaano-ano mo si Kevin?" napa-gulp naman ako.
"a-ano am.....Ex ko." napatingin agad siya sakin.
"EX?! AS IN EX-BOYFRIEND?!" lakas makasigaw ah -_-
"hindi. ex friend. duh?" sabay irap.
"okay na kayo ngayon? FRIENDS na lang kayo?" diniin niya talaga ang salitang friends. tumango lang ako.
"kwento mo naman kung anong nangyari..." tumango lang ako.
"5 years ago, when I was 17 nanligaw siya sakin for 6 months. sinagot ko naman at nag tagal kami ng 10 months. grabe nga eh kasi nung gabing yun 10th monthsary namin. hindi ko ine-expect na aalis siya pagka bukas. ang sabi niya bakasyon lang daw pero titira na daw sila dun."