Chapter 17

7 1 0
                                    

Sheen's POV

"Sheen? Gising." Umupo ako at sumandal tapos tinignan yung gumising sakin.

"Oh, Kevin. Ang aga mo ata dito." Napatawa siya at napailing.

"10:30 a.m na po my princess." Nanlaki ang mga mata ko at tinignan ang orasan. Bumangon ako at nagmumog tsaka hilamos. Ang ew kaya kapag kaharap ko siya tas oily face ko.

"Tara sa baba. Let's eat." Bumaba na kami. Hinanda ni Manang Fely yung mga niluto niya sa table. Umupo kami at nag pray.

"Ah, Sheen. Ano nga pala yung sasabihin mo?" Napatingin ako sa kanya.

"Sabihin mo muna yung emergency mo kahapon."

"Na-fracture yung paa ni mommy eh kaya sinamahan ko sa hospital." Napa 'aahh' lang ako.

"Uhm, ano kasi...diba nililigawan mo ako? Uh, kahit di mo pa tinatanong yung 'will you be my girlfriend?' Oo na yung sagot ko." Tinignan niya ako.

"Tayo na? Tayo na talaga?" Tumango ako. Napatayo siya at tumalon talon at sumisigaw. Napatawa lang ako.

"I love you so much Sheen." Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko.

"I love you too." Napangiti kaming dalawa.

**

"We're official!" Sigaw ko at tinaas ang kamay naming dalawa.

Napanganga sila pagkatapos ay dahan-dahang napangiti.

"Congrats sa inyo guys! Road to forever na itey!" Napatawa lang kami sa sinabi ni Alice.

"Masaya ako para sa inyo." Nakangiting sabi ni Naomi.

Tinignan ko si Xavier na parang binagsakan ng langit at lupa.

"Uy, Xavier! Okay ka lang ba? May problema ba?" Nilapitan ko siya at inakbayan.

"Ha? Okay lang ako. Wala akong problema. Masaya ako para sa inyo." Napangiti ako sa sinabi niya at ginulo ang buhok niya.

"Did I miss something?" Napatingin kaming lahat sa pumasok sa bahay ko. Si Sulli lang pala.

"Sila na ni Sheen at Kevin!" Sigaw ni Alice. Napatakip si Sulli sa kanyang bibig at tumakbo papalapit sakin.

"Omg Sheen! Forever na dis. May paiyak iyak ka pang bruha ka!" Napatawa ako sa sinabi niya.

"Umiyak din naman yang si Kevin ah! Ang aarte nga nila eh!" Sabi ni Alice. Ayun binatukan naming dalawa.

"Saan tayo kakain? Celebration para sa inyo." Tanong ni Naomi.

"Wag na tayong kumain sa labas. Magluto na lang tayo dito sa bahay." Sagot ko.

"Taghirap ka ba ngayon Sheen? Kawawa ka naman." Sabi ni Sulli. Ayun, binatukan ko. Natawa naman sila.

"Nakakatamad lumabas eh! Bakit ba? Kayong tatlong babae! Tulungan niyo ako mga bruha kayo!" Sinundan naman nila ako sa kusina.

"Ano ba lulutuin natin?" tanong ni Naomi.

"Leche flan, spaghetti tsaka lasagna." Sagot ko.

"Magluluto ako ng caldereta." Sabi ni Sulli.

***

"Tangina ang sarap!" -Xavier. Napatawa kami sa sinabi niya.

"Sino ba nagluto netong lasagna?" Tinuro nila ako.

"Si Alice sa leche flan tapos ako sa spaghetti. Si Sulli naman sa Caldereta. Ang sarap no?" Nag thumbs up sila.

Pagkatapos naming kumain, nagsiuwian na sila except ni Xavier. Oh diba mga putangina nakikain lang sila. Hindi ako ang taghirap, sila.

"Ayan ka na naman Xavier, para ka na namang binagsakan ng langit at lupa." Tinignan niya ako at ngumiti.

"Kasi naman yung babaeng gusto ko, taken na." Inakbayan ko siya.

"Okay lang yan Vier! Makaka move-on ka rin sa kanya." Napangiti lang siya sa sinabi ko.

"Sana. Sana maka move-on ako. Masakit kasi eh. Sobra." Hinug ko na lang siya.

"Ang manhid mo." Ano daw?

"Ha? Di ko marinig." Sabi ko.

"Wala. Sabi ko ang gwapo ko." Ayun, binatukan ko.

"Yuck! Kadiri ka! Hahaha!" Natawa na rin siya.

Alam ko naman kung sino yung tinutukoy niya eh. Di ako manhid. Alam kong ako ang tinutukoy niya. Ayokong malaman niya na alam kong ako yung tinutukoy niya dahil alam kong lalayo siya sakin at ayokong mangyari yun. He's my bestfriend. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin.

Tutulungan ko siyang mag move-on. Tutulungan ko siyang mainlove kay Alice.

PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon