Sheen's POV
napag-isipan kong sagutin na si Kevin ngayon. hindi ko nalang muna sasabihin sa mga punyeta kong mga kaibigan para surprise :)
tatawagan ko si Kevin para sabihin sa kanya kung saan kami magkikita.
*kring kring*
(hello Sheen?)
"hello Kev. pwedeng magkita tayo ngayon?"
(sure! saan?)
"dun sa school natin dati. sa garden."
(ok bye.)
in-off to ko na ito. nagbihis ako ng shorts, crop top at converse. nag cotton candy bun din ako.
nagmaneho ako papunta sa school at nagsoundtrip sa kotse.
bumaba ako sa kotse ko at naglakad papasok. binati ko din yung mga professors ko nung college pa lang ako.
umupo ako dito sa bench at nag hintay na dumating siya.
-1 hour later-
Hala?! ba't ang tagal niya?! isang oras na akong naghihintay dito!
kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya.
"Hello?"
(Sheen, sorry pero hindi ako makakapunta ngayon. bagkaroon ng emergency eh)
"a-ah, g-ganun ba? sige bye" binaba ko ang tawag at naglakad palabas ng school. sumakay ako sa kotse ko at nagmaneho papuntang starbucks.
nag-order ako at naghanap ng mauupuan. umupo ako sa pinakasulok at sinaksak ko yung earphones sa tenga ko. naramdaman kong may umupo kabilang upuan kaya napatingin ako sa kanya. tsk.
tinanggal ko ang isang earphones ko at nagtaas ng kilay sa kanya.
"sa dinami-dami ng upuan dito, ba't dito ka pa umupo?" mataray kong tanong pero nakangiti lang tong bwisit na 'to.
"mag-isa ka lang?" tanong niya.
"hindi ba halata? tss." tinignan ko siya ng mabuti. gwapo naman siya. HEHEHEHE
"I'm Anthony Kim. anong pangalan mo?"
"ba't ko naman sasabihin?"
"dahil.....wala lang...?" napa-irap na lang ako. ang rude din kung iiwan ko lang siya dun.
"Stephanie Sheen Kim." nagshake hands kami.
"nasan girlfriend mo?" diretsahan kong tanong. lumaki naman bigla yung mga mata niya.
"girlfriend? haha! wala akong girlfriend." napataas ako ng kilay.
"sure ka?" tumango naman siya.
"bakit mo natanong? gusto mo akong maging boyfr---"
"hoy kapal mo ah! magkaka boyfriend na ako." proud kong sabi.
"magkakaroon pa? ibig sabihin....nanliligaw pa?" tumango ako.
"kawawa ka naman ba't hindi mo kasama ngayon? baka may iba na yun sige ka." tinignan ko siya ng masama. KINGINA NIYA.
"UNANG UNA, NAGING MAG DYOWA KAMI NUNG COLLEGE PA KAMI AT ALAM KONG MAHAL NA MAHAL NIYA AKO." buti nang sinabi ko yan, hindi ako nakasigaw. Nakakabwisit kasi siya eh.
"woah! chillax. Hindi ko alam, okay?" napairap na lang ako.
"aalis na ako." kinuha ko ang bag ko at naglakad paalis pero hinila niya ang kamay ko para makaharap sa kanya.