Sheen's POV
Nandito ako sa kwarto ko ngayon, nag-iisip ng paraan kung paano maiinlove si Xavier kay Alice. Manghingi kaya ako ng tulong kay Naomi? Wag na pala, kaya ko naman siguro to. Iwan ko kaya sila sa isang coffee shop? Para silang dalawa na magde-date. Di na ako third wheel diba? Or kaya, ikulong ko sila sa isang kwarto? Hmm.
Tinawagan ko si Alice at Xavier para makipagkita sa coffee shop.
(Oh? Napatawag ka?)
"Alice, magkita tayo sa coffee shop. Yung pinakamalapit dito sa subdivision."
Binaba niya na ang tawag. Tinext ko na lang si Xavier.
**
"Oh? Ba't mo ako pinapunta dito?" Tanong agad ni Alice.
"Wow. Wala man lang hi? Tangina mo rin eh no." Natatawa kong sabi.
"Oh edi hi." Natawa lang ako.
"Xavier, ang tahimik mo ata?" Tanong ko.
"H-ha? Tahimik ba ako? Hehehe sorry." Ngumiti lang ako.
"Wait lang guys ah cr lang ako." Palusot ko. Buti na lang yung cr nila malapit lang sa exit. Humanap ako ng timing na lumabas at buti na lang di ako nahuli.
Sumakay ako sa kotse ko at naisipang pumunta ng mall. Pagpasok ko ng mall, dumiretso agad ako sa bookstore para bumili ng bagong libro. Habang naghahanap ako ng libro, may bumunggo sakin kaya nahulog yung mga dala niya.
"Sorry." Tinulungan ko siyang kunin yung mga nalaglag na dala niya.
"Thank yo--Sheen?!" Namatingin agad ako sa kanya.
"A-anthony? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Malamang bumibili ng libro alangan namang magsi-swimming diba?"
"Pilosopo ka rin eh no? Diyan ka na nga!" Kinuha ko na yung napili kong libro at pumunta sa cashier para magbayad pero sinundan niya ako.
"Ba't mo ako sinusundan? Stalker ka ba?" Tanong ko.
"Alam mo, feeling ka rin no? Malamang magbabayad ako." Inirapan ko na lang siya at nagbayad na. Pumunta ako sa Jollibee para mag order ng fries pero sumunod parin siya.
"Sinusundan mo talaga ako eh." Sabi ko.
"Luh. Bibili lang ako ng pagkain."
"Pwede namang sa KFC or sa Mang Inasal. Ba't dito pa?" Tanong ko.
"Oh, bawal na pala akong bumili dito. Bakit? Ikaw ba may-ari ng mall na to?" Natawa ako.
"Hahaha! Patawa ka talaga! Oo ako ang may-ari ng mall na to." Natahimik siya. Yan kasi.
"Ikaw ba may-ari ng Jollibee?" Umiling ako.
"Hindi naman pala eh." Di ko na siya pinansin at nag-order na. Umalis na ako sa mall at pumunta na sa parking lot. Tinignan ko yung phone ko dahil may tumawag.
(GAGA NASAN KA NA?!)
Beastmode na si Alice HAHAHA.
"Pauwi na. Why?"
(BA'T MO KAMI INIWAN?!)
"Ayaw mo nun? Para na kayong nagdate."
(Pinagplanuhan mo ba to? Kung oo, thanks. Hihihi.)
Binaba niya na ang tawag. Natawa na lang ako.
Pinaandar ko na ang kotse at umuwi na sa bahay.
**
Eto na naman, nabo-bored na naman ang lola niyo. Tinawagan ko si Kevin para papuntahin dito sa bahay. Wala pang 15 minutes, nakarating na siya dito sa bahay.
"Baby, namiss kita." Tumayo ako sa sofa at hinug siya."
"Baby?"
"Bakit? Ayaw mo?" Tanong ko.
"Gustong gusto ko. Kinikilig ako shet." Natawa ako sa sagot niya.
"Baby, ipagluto mo naman ako. Please?" Nagpacute pa ako para effective. Ginulo niya ang buhok ko at naglakad papunta sa kusina. Nanuod lang ako ng tv dito sa sala.
Nabored ako kaya naisipan kong pumunta sa kusina.
"Baby, anong niluluto mo?" Tanong ko tapos binack hug siya. Nakita kong pumula yung tenga niya. Cute.
"Adobo baby. Favorite mo yun diba?" Tumango ako na parang bata.
Bumitaw ako sa yakap at tinignan lang siya sa gilid.
"I love you so much Kevin." Napahinto siya sa ginagawa niya at hinarap ako na nakangiti.
"Halika ka nga." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"I love you too Sheen." Hinalikan niya ang noo ko, tapos ilong, tapos sa labi. He kissed me passionately.
Bumitiw siya sa halik at ngumiti.
I really love him. Sobra. Sana naman kami talaga ang tinadhana.