Chapter 14

39 3 0
                                    

Sheen's POV

waaah! ang ganda ng araw ko ngayon kahit kagigising ko lang! ganito ba talaga pag inlove ka?

ginawa ko ang daily routine ko. after nun, bumaba na ako para kumain.

"mam, may bisita po kayo." tumayo ako at pumunta sa sala.

"Stacey?" naglakad ako dahan-dahan papunta sa kanya. ang sama ng tingin niya sakin.

"Nag break kami dahil sayo! Bitch!" sinampal niya ako. napahawak ako sa pisngi ko dahil sa sakit.

"pero mas nauna ako sa kanya. second ka lang Stacey, first ako."

"PAST ka lang di ba? PRESENT ako. pero bakit naging PRESENT ka at naging PAST ako? dahil sayo! masaya kami noon. NOON. pero nung dumating ka ulit sa buhay niya, nagbago!" hinila niya ang buhok ko at sinabunutan.

Kevin, sana nandito ka sa bahay...

"bakit? kayo lang ba naging masaya? nung kami pa, sobrang saya namin. walang makapaghiwalay samin. sobrang mahal namin ang isa't-isa! Ang kapal naman ng mukha mo! May pasugod sugod ka pa dito sa bahay ko!" sabi ko habang sinasabunutan ko din siya.

"BITCH! PUNYETA KA! SANA MAMATAY KA NA!" na-untog ang ulo ko sa wall. everything went black.

Author's POV

pagkatapos mangyari nun, agad na nilapitan ni Stacey si Sheen. hinawakan niya ang ulo nito. nagdudugo. umiyak siya dahil hindi niya sinasadyang gawin yun. nadala siya sa emosyon.

"Sorry Sheen. Hindi ko sinasadya." sabi niya habang umiiyak siya. lumapit sa kanila si Manang Fely.

"JUSKO! ANONG GINAWA MO SA AMO KO??!!" nilapitan niya si Sheen.

"Hindi ko sinasadya manang. dalhin na natin siya sa hospital. marami nang dugo ang nawala sa kanya!" binuhat nilang dalawa si Sheen papunta sa kotse ni Stacey. pinaharurot niya ito papuntang hospital.

"manang tawagan mo po sa cellphone ni Sheen yung mga kaibigan niya." kinapa ni manang ang shorts ni Sheen. wala siyang makitang cellphone.

"naiwan sa bahay ang cellphone niya!" sabi ng matanda.

Kevin's POV

nag drive ako papunta sa bahay ni Sheen. balak ko kasing mag date kami. sinabayan ko yung kanta sa radyo na ang kanta ay 'Shine A Light' by Banners.

pinark ko yung kotse sa harap nila. nag doorbell ako pero walang lumabas.naisipan kong pumasok na lang.

"Tangina." nagulat ako nung may dugo sa sala niya. umakyat ako sa kwarto niya.

"Sheen!" sigaw ko. walang sumagot. dun na ako kinabahan.

"Manang Fely!" sigaw ko din pero walang sumagot.

"SHIT." kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Sheen.

*kring kring*

nakarinig ako ng ring mula sa kwarto niya. Shit. naiwan niya yung cellphone niya. tinawagan ko sina Alice at Naomi pinapunta ko sila dito. tinawag ko din si Xavier sa bahay niya.

"Anong wala?! Bakit may dugo dito?!" nag-aalalang tanong ni Xavier.

"Ewan ko rin, bro. pero may kutob ako na may nangyaring masama sa kanya." hinilamos ni Xavier ang kamay niya sa mukha niya. nakarinig kami ng sasakyan sa labas at pumasok sina Naomi at Alice.

"Oh My God..." sabay nilang sabi sabay takip sa mga bibig nila.

"Nasan si Sheen?! Ba-bakit may dugo sa sala niya?!" sigaw na patanong ni Naomi. nag kibit balikat kaming dalawa ni Xavier.

PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon