Part 3 (What!? )

240 6 1
                                    

"bessy sigurado ka ba diyan sa gagawin mo as in..... gagawin mo talaga?" tanong sa kin ni micha habang nasa kwarto niya kami.


"Oo naman micha, wala nang urungan to,kung ayaw mo wag ka na lang sumali sakin"


"s-samahan naman kita eh, ayaw ko namang mapahamak ka, masama lang talagang magalit si Ethan  pero game naman ako lagi eh." sabi niya sakin with matching smiley face.


"o, ano game na?" tanong ko kay micha tumango naman siya." Sige..... kunin mo yung nilagay kong garapon na may lamang daga sa ilalim nang kama mo" sinunod naman niya at inabot sakin yung garapon.  "So Chan heto na talaga to". Sabi ko sa isip ko habang nakatingin sa dagang nasa garapon. *smirk*  "Ethan Samaniego"


"tara na bessy " udyok sakin ni micha na mukhang exited pa sakin.


"oo na , tignan mo muna sa labas kung merong tao, bago tayo pumunta sa kwarto ni ethan."  Nang matapos tignan ni micha yung paligid nag thumbs-up siya sakin.


"okay tara bessy!"sabi niya  at unti-unti na kaming lumabas.


****

Nandito na kami sa harap nang kwarto ni ethan at mukhang busy siya sa paliligo dahil naririnig naming ang lagaslas nang tubig sa banyo nang kwarto niya. Binuksan ko na ang garapon at kinuha ang buntot ng daga.


"ingat ka bessy .... baka makagat ka niyan"


"oo naman hawak ko naman yung buntot eh, basta ikaw yung magiging guard diyan ."


" oo naman , dito lang ako" sabi ni micha, nginitian ko lang siya at binuksan na ang kwarto ni ethan. Nasamyo ko ang panlalaking amoy na nasa kwarto niya pero "infairness mabango siya. Pero parang pamilyar yung am——-heh! Chan tigil ! " sabi ko sa isip ko at nagtip-toe ako at itinuloy ang pagpunta sa kama ng tahimik .para ilabas yung daga.


"how nice to see you here Ms.chansing" na-estatwa ako sa ginagawa ko at napatingin sakanya . (0_0) oh! Heav—— heto nanaman tayo chan eh! Kung ano pang naiisip mo , lagot ka niyan. Pero sino ba naman ang hindi mae-estatwa sa makikita niyo.


Nakatapis lang siya! Kita yung magandang hubog nang katawan niya lalo na yung muskels at Abs niya ! samahan mo pa nang gwapong mukha with wet look  pa galing sa paligo.  *lunok* *dug dug* no!  hindi pwedeng mangyari to!. Ngumiti siya sakin!.pero hindi ko pinahalatang ninenerbiyos ako. Inayos ko yung tayo ko at tinago ang daga sa likod ko.



"m-may hinahanap lang" hah?! What a lame excuse! Christiana!.


"total nandito ka naman na" he smirk at me "gusto mo ba may ipakita ako sayo?" 


"P-pakita? " *lunok*


"Oo papakita" sabi niya sakin in a seductive tone of voice habang lumalapit

Your unusual GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon