Chan's POV
" Ms. Sing" tawag sakin ni Mr. Mariano siya ang may hawak ng klase namin, kasalukuyan kaming nagme-meeting tungkol sa gagawing intramurals sa Campus.
" pwede bang ikaw ang maging representative sa Isahang tinig?"
" Yes sir" as simple as that nadagdagan nanaman yung mga sasalihan ko bale basketball, volleyball, badminton,table tennis, relay,track and field at ang panghuli kong tatanggapin ay yun nga singing contest. No choice na rin ako dahil gusto kong makakuha ng mataas na grade para maging valedictorian ako.
"okay, then you're in" inayos na niya ang mga gamit niya " okay class, that's for today and good luck!" at umalis na.
"uy!" hindi ko pinansin
"uy!" hindi pa rin
"uy! Chri---" nilingon ko na siya at parang wrong move ata dahil ilang inches na lang yung layo ng mukha namin sa isa't-isa, naramdaman ko yung pagbilis ng tibok ng puso ko kaya bago pa lumala yung nararamdaman ko bigla ko na lang siya tinulak kaya yun dirediretso sa sa mga taong nasa likod niya.
" hindi 'uy' ang pangalan ko, uy!" sigaw ko sakanya. Inayos niya yung sarili niya bago siya magsalita.
"napapansin ko kasi bakit parang hindi ka umiimik nitong mga nakaraang araw" tanong niya , aba't nagtanong pa siya.
"'bakit , concern ka?"
" syempre, paano na lang kung wala ka , edi wala na akong best friend na tutulong sakin" sabay akbay pa ang loko
Aray ha , aray.. BESTFRIEND
"kalian pa kita nagging bestfriend ?, si micha at alexis lang ang bestfriend ko at wala ng iba!" sigaw ko sa kanya
" bakit ka nakasigaw?, " kalmadong sagot niya " may lagnat ka nanaman ba?" heto nanaman tayo, nakikita ko nanaman at naririnig yung pag-aalala sa boses niya , inalis ko yung kamay niya sa noo ko dahil tinignan niya kung mainit ako .
"wala, wala akong lagnat"
"hay, buti na lang " ngiting sabi pa niya bumalik siya sa pwesto niya at may biglang iniabot sakin
Letter para kay ate
"heto pa " may iniabot siyang chocolate at sa kasamaang palad favorite ko pa dairy milk
"nakakainis ka" bulong ko habang nakatingin sa ibinigay niya sakin na alam niyo naman na para kay ate.
" may sinasabi ka?" tanong niya
"ang sabi ko , makakarating "
" ayun, thank you ha." Paalis na siya ng bigla niya akong lingunin " ay siya nga pala, sayo yung chocolate, thank you gift ko" natulala ako sa sinabi niya at ang nasabi ko na lang "thank you"
" walang anuman " wika niya habang nakangiti. Habang ako napatango na lang bilang pagsang-ayon.
***
Dumating na ang Intrams at lahat kami nandito ngayon sa gym ng school for the acoustic battle at sa kasamaang palad ako ang magiging lead vocalist dahil yung representative para sa portion na ito ay ni-lagnat... oo nilagnat! At dahil ako ang unang nakita ng organizer na kakilala ni ate rei na nandito rin sa ceremony ay ako na ang isinalang. Nakita ko rin si alexis at micha na katabi ni ate rei at nagchi-cheer sakin lalo na si micha. Kaya napa-ngiti ako
" chan!, ikaw na ang susunod " sabi sakin ni francis
Isang tango na lang ang ibinigay ko. Pero muli niya akong tinawag
BINABASA MO ANG
Your unusual Girl
Teen FictionI’m Christiana VIctorina Sing Slightly boyish , mabait, maganda,may besfriend na laging on the go, may pagka-rule breaker, ma-pantrip din ako lalo na kay Ethan. Ethan na hindi ko alam kung saan lupalop galing basta para sakin isa siyang kabute na...