Chapter 7

116 6 0
                                    

( A/n: salamat po sa patuloy na nagbabasa nito. :) )


Micha's Pov

"uyyy, nabalitaan niyo na ba?"' sabi nang seatmate ko sa kadaldalan pa niyang isang girl. Syempre hindi naman ako papahuli sa balita no. si Sabrina Michaela Ochowa ata to!.

"teka!" sabat ko sa kanila. Tapos kinuha yung upuan ko at nilapit sa kanila " ano yun?, sabihin niyo na." bulong ko tapos sila parang nabigla kasi lumapit ako. Minsan lang kasi ako makipag-usap sa kanila pag nagogopya sa test namin eh. hihi. Tama na ang sat-sat balik sa topic.

" alam mo na ba?" sabi ni seatmate

"hindi pa ano yun?" sabi ko naman syempre hindi ko pa naman talaga alam eh.

"may bagong lipat daw na studyante sa kabilang section."

" gwapo ba o maganda?" sabi ko naman syem curios ako kung anong itsura.

" ang sabi nila , gwapo daw eh atsaka matalino "

"alam mo ganyan din yung sinabi mo nung may lumipat dito sa klase natin eh, sabi mo gwapo pero , anong mukha?, diba parang di mawari?, tapos ngayon sasabihin mong gwapo." Singit naman ni seatmate number 2 sa usapan.

" ehh.. basta yun ung narinig ko" sabi na lang ni number 1 " ayy!, may test nga pala tayo sa geometry!" may test!? Hindi ako nag-review.

" hahahaha. Buti na lang ako nag-aral." Proud na sabi ni number 2 tapos sinitsitan ko.

" alam na ha, teamwork tayo." Tapos nag-apir kami ni seatmate number 1 at napa-oo na lang si number two. Hahahahah . siya nagreview eh. pero sino kaya yung bagong dating?, masabi nga kay bessy iyon. bwahahahahaha..

Micha's POV

Kakatapos lang ng klase namin para sa araw na ito, at kadadating lang ni chan after two weeks na pagkawala niya sa pilipinas.kaya sasalubungin ko siya ng power hug!. Pero sa dami ng students na nakakalat, eh mahihirapan akong hanapin siya. Hindi pa naman masyadong nagdadala ng cellphone yon.

Pero habang lumilinga-linga ako sa paligid tila napansin ng akong magagandang mata ang isang taong nagsa-stand out sa dami ng tao. Gwapo , matangkad, at ang ganda ng ngiti niya. At tila ba hinihila ako papalapit sa kanya hanggang sa di ko namanlayan nabungo ko na pala siya. Ay! Tanga! Sabi ng isip ko. Pero sa paglingon niya sakin, nagslowmotion yung mundo ko at naramdaman ko na lang na parang may nag royal rumble na nagaganap sa puso ko. Pero syempre hindi ako nag pahalata.

" sorry" I said

" micha?" he knows my name!.ahhhhh.....Heaven!

"y- yes, I'm Michaela ochowa, h-how did you know?" habang iniipit ang buhok ko sa likod ng tenga ko at nakatingin sa baba kung saaan nakikita ko ang kanyang mamahaling sapatos. Teka?! He knows my name?, he k-knows my name? but h-how?.

" hoy micha!" bigla siyang napatingin sa nagsalita.

" Uyy. Bessy kaw pala" wika na lang niya na pilit tintago ang pagkadismaya. Akala ko pa naman kilala ako si chan lang pala.

" oh?, bakit parang nadismaya ka ?"

"h-ha?, ako? Nadismaya?, patawa ka talaga bessy. Ha-ha, bakit naman ako madidismaya?"  sayang kala ko pa naman.

"Micha, si Alexis nga pala" ahhh... nice name, bagay sakin.

"hi, ikaw pala si micha, maraming nai-kwento si chan sayo" ang ganda ng boses niya! at marami daw nakwento si chan sa kanya!, naku mahahalikan ko talaga si bessy nito eh. hulog siya ng langit.ahhhh. we're compatible!!!!!.

" h-hi, alexis ... can I be your girlfriend?" ha? .ano daw?, ano ba yang sinasabi mo micha!. Nagulat tuloy siya hayst!. Umpisa palang wala na akong appeal.! :3 sabi ko na lang sa sarili ko. " joke!, hahahahha, uyy ,alexis biro lang. natuliglig ka dyan." Bawi kong sabi sakanya. Hindi nakaimik eh.at saka napaatras bigla at napakapit kay bessy , Nagulat siguro dahil sa charms ko. Iba talaga pag Ochowa. Hi-hi.

" e-eh micha, " sabi ni bessy

"why? Whyliwayway?" nagtatanong na sabi ko.

" teka, chan ako na magsasabi sa kanya" singit ni papa alexis, heto na ba to?. Yung sasabihin niya ang mga katagang " uyy. Bruha ! gusto mo sabunutan kita ?!,di tayo talo!, kadiri ka!, yuck. Ewwww" pabulong na sabi niya. Hayyyy.. sasabunutan niya daw ako.... Di daw kami talo. Hindi kami talo?. Ano?! Bigla akong napatingin sa kanya at kay bessy at pabalik na tingin kay papa alexis kaso napansin kong umiikot yung mga mata niya at pumapalintik ang mga kamay. Hindiii!!!!! NO!! it can't be!.

" hindi!!!!. No! it can't be!." Sigaw ko at talagang sabay pa sila ni bessy na takpan ang bibig ko at hinila ako paalis sa maraming tao sa hallway.

****

"Hoy bruha ! maghunus dili ka nga," sabi niya habang hindi mapakali " Naku! Christiana , akala ko ba matino tong bestfriend mo, mukhang naka-drugs eh. "

" micha , nakainom ka ba ng gamot ngayon?" tinanong pa talaga. I'm so broken today.

"bessy" sabi ko with paawa effect at puppy eyes." How can you do this to me?" singhot ko pa kahit wala naming lumalabas na sipon at luha

"pssss" pigil pa na tawa nilang dalawa. Nakakapangigil.

" treat ka na lang namin ng ice cream" sabi ni bessy , alam niya talaga kung ano ang makakaoagpagaan sa loob ko. Dahil doon niyakap ko siya at inismiran si alexis. Wala nang "papa" kasi hindi kami talo at baka balak niya pang agawin ang bessy ko. Tumingin ako sa kanya at dinilaan siya. At naglakad papunta sa icecream parlor who0oohoooo.! Ice cream icecream kanta ko pa habang naglalakad.


Your unusual GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon