Chapter 4

18 1 0
                                    

Yhel's POV

Food- check. Towel- check. Swimsuit- check. Sunblock?? Check.

"Huy ate ba't ka ba gagamit ng sunblock sa gabi? Baliw ka na ba?" Baliw na ata to ehh. Over naman siguro yun pag pati ang moon magkakaroon ng UV rays.

"Ohh shut up my dear little sister, better to be safe than sorry, diba?"

I rolled my eyes. "Psshhh riiiight."

"Yep, that's right. Oh, and akin na yan."

Kinuha na nya ying bag niya na inaayos ko. Ayos to. Ginawa kasi akong PA nun, as in Personal Alalay.

"Ciao little sistaah na napaka-KJ kahit kailan. Hahahaha!" At umalis na silang dalawa ni mama sa bahay.

"Kung maka-KJ ka sa akin 'kala mo di ka din ganon hmph!" Tinalikuran ko na rin sila. Wala man lang 'thank you'? Bahala siya.

Friday na rin kasi ngayon, at tinuloy nila ang party. Nagdadalawang-isip nga akong pumunta doon ehh. Sigurado akong maraming gwapo doon sayang naman! Hahaha. Babae rin naman ako noh. Wag kayong mag-isip ng kung anu-ano.

Hmm... pupunta nalang kaya ako?

Pagka-alis nang pagka-alis nilang dalawa sa bahay, dali-dali akong umakyat sa kwarto namin at nagpalit ng damit.

Hanap... hanap... ahh gotcha.

Kinuha ko yung shorts at sleeveless na shirt. Pool party naman diba?

Nang tapos na akong magpalit, agad akong bumaba at nilingon ang labas. Okay, nowhere in sight na yung mga yun. Kanina pa. So lumabas na ako, ni-lock ang pinto, at tumakbo. Alam ko ang address dahil sinilip ko ang card na bigay ni tita Seth kay mama. At chamba, dahil di alng malayo dito, at alam ko ang daan.

Okay...so turn left...go straight...turn left again...turn right...at straight.

Madilim na ang paligid. Mag si-six-thirty na rin kasi. Waaah nakakatakot naman. Buti nalang at marami ng ilaw 'tong daan na 'to.

Ilang sandali, may naririnig akong malakas na music.

*tugs tugs tugs tugs tugs*

Para namang disco.

Ilang hakbang pa at ayun! May nakita akong bahay na ang daming ilaw kulang nalang isang puno para Christmas tree! Tapos marami pang tao nakapaligid.

Agad kong nilapitan. Hmm, parang ito na yung lugar.

Papasok na sana ako nang nagdadalawang-isip ulit ako.

Ayy ano ba naman 'to? Pupunta dito tapos hindi papasok? Sira na siguro ako. Baka di pa ito ang lugar ehh na lagot! Huhuhu!

Bago ako magmukhang tanga sa kinatatayuan ko, may nakita akong isang malaking bush at naisipang magtago lang muna. You know, observe first.

Sakto 'tong tinataguan ko ahh. Makikita ang loob ng bahay.

Wooooaaaaahhh. Ang gondooooo! Ang laki ng pool nila! Plus hot guys all around waaaaaahh! Makalabas na nga-

"Huuyy anong ginagawa mo dyan?!"

"Aaaahhh!!!" Agad akong napahawak sa dibdib ko. Nang makita ko kung sinong walangyang 'to-oh sht.

"IKAW?!"

"OO, AKO, BAKIT?!" Aba't sabay-sabay pa ahh!

"Ehhh ba't ka ba nandyan?? Para kang ewan dyan!" Sabi niya habang hindi ma-explain yung mukha niya.

"Eh paki mo ba?"

Pero habang tinitignan ko siya, I can't help but stare at his...his...his FREAKISHLY HOT BODYYYYY!

Stuck in this Stupid, Sticky SituationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon