chapter ten

478 17 12
                                        

Liza's POV
Natutuwa ako na nagustuhan ni Clein yung cake na ibinigay ko sa kanya.Sulit yung pagod ko nung nakita kong nasarapan siya sa cake na dala ko.
'Oy!Clein pahiram nito ha?balik ko rin bukas.'
Hinila ako ni Hiro palabas ng classroom.Sira talaga to para akong gamit nung ipinaalam ako kay Clein.
'HOY!!HAPON SAN MO DADALHIN YAN??TEKA LANG.'
Rinig kong sigaw ni Clein habang nagkanda ugaga siyang ayusin yung mga gamit niya,hahaha yung mukha niya laptrip.
'Ibabalik ko rin tong syota mo wag mag alala BYE!!!!'
Lalo pa kong hinila ni Hiro nung nakita yang tumatakbo na si Clein:
Bilisan mo.'
sabay higit sakin ni Hiro badtrip na hapon na to di niya ba alam na naka heels ako?naku mamaya ipupokpok ko sa bunbunan niya to
.'easyhan mo lang naman ang sakit na ng paa ko bat ba kasi kailangan tumakbo ei.'
Binigyan niya lang ako ng 'alam-mo-na-yun-look'.
'HOY HAPON PAG TALAGA KITA NA ABUTAN MAPAPATAY KITA!!'
Yan ang huli kong narinig bago niya batakbuhin yung big bike na dala niya,ngayon palang nag papasalamat na ko kay G na nabuhay ako.packinging tape lang akala ko huling buhay ko na kanina.
'Liza ayos kalang?bat na mumutla ka?'
Kunwari pa tong walang alam kung di lang dahil sa kanya di kami mag babati ni Clein sinapatos ko na to.

'Tinanong mo pa talaga ah.walang hiya halos lumipad na sapatos ko dahil sayo, naku kung di lang malapit ang graduation pinatay na kita '

Tumawa lang siya habang tinatangal sa ulo ko yung helmet.

'Ikaw ang cute cute mo talaga.'

Sabay pisil niya sa ilong ko na may halong pang gigigil.tinapik ko nga yung kamay niya baka mamaya madumi pa kamay nun mag ka pimples pa ko.

'Umayos ka nga para kang bata.'

Nauna na akong mag lakad pa pasok sa bahay nila,baka pag tumagal pa kami sa labas baka ma patay ko na yun ng tuluyan.

'Aba bahay mo kung maka una ka dyan parang iyo.'

Naramdaman ko siyang lumapit sa likod ko,Bat ba kasi ako na pa oo kanina ei.edi dapat kasama ko si Clein ay este edi dapat nasa trabaho na ako ngayon.

Flashback

Maaga palang ay umalis na ako ng bahay hindi kasi ako makatulog buong magdamag nung hindi ako pinansin ni Clein yung taong yun talaga lakas magpa-miss kaya naman maaga palang binulabog ko na si Hiro sa bahay nila naka punta na kasi ako rito nung time na nag practice kame para sa play.

'Ano ba Liane aga aga nambubulabog ka.'
Yan agad ang bungad sakin ni Hiro sweet niya no?sa sobra niyang sweet gusto ko siyang ibitin patiwarik.
'Wow ha?Good Morning too'
Sakratiko kong sagot kay Hiro papungas pungas pa siya ng lumapit sakin para buksan yung gate nila.
'Ano ba kasi yung kailangan mo?'
Pinaliwanag ko sa kanya kung bakit ako pumunta at pinapasok niya na ko sa bahay nila.
'Pero sa isang kundisyon pupunta ka mamaya dito sa bahay para ipag luto ako at turuan mo rin akong mag bake'
Tumango nalang ako may angal pa ba ko?

End of flashback

Kaya ayan nandito ako ngayon sa kanila para ipag bake siya at turuang mag bake.
Teka lang Hiro bat nga pala gusto mong mag pa turo mag bake??'
Tanong ko sa kanya habang isinusuot ko sa kanya yung apron,paano kasi apron nalang di pa kayang isuot.

'Wala lang,ikaw talaga ang dami mong tanong.'
Sabi niya habang pinipisil yung ilong ko,agad ko namang tinampal yung kamay niya dahilan nun kaya ginulo niya yung buhok ko.
'Naman ei.kakaayos ko lang ng buhok ko ei.mag hair net ka na nga lang baka pati yan di mo pa kaya.'

pupunta na sana ako sa lamesa para kunin yung hairnet at apron nagagamitin ko ay biglang tumunog yung cellphone ko.

'Clein Calling~~~
Napa tingin ako sa gawi ni Hiro bago sagutin yung tawag.
'He-
Hindi ko pa nabibigkas ang salitang hello ay narinig ko agad sa kabilang linya ang boses ni Clein.

"Forevermore" lizquenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon