Liza's POV
Isang linggo na pero di pa rin mawala sa isip ko yung nangyari dun sa bahay ni Hapon. Isang linggo na rin akong walang maayos na tulog. Naguguluhan ako ngayon sa nararamdaman ko. Alam ko naman na pag papanggap lang ang lahat pero naguguluhan kasi ako sa pinapakita niya. Napagulong nalang ako sa kama ko kaya di ko na malayan na nasa dulo na pala ako ng kama kaya ayun naka nakaw ng halik sakin yung sahig. Tatayo na sana ako nang biglang nag ring yung cellphone ko, pagtingin ko sa caller I.D pangalan ni Clein yung lumabas jusko galing tumayming ng kuya mo. Tumikhim muna ako bago ko sagutin yung tawag niya.
'H-hello?'
Umayos ako ng upo habang kinakamot ko yung ilong ko.
'Hello Liza? Labas ka nandito ako'
Nung narinig ko yun ay na end call ko yung tawag at mabilis pa sa alas watro ako tumayo papunta sa maliit na salamin na nakasabit sa gilid ng pinto namin.
'Liza naman sa dami ng araw na pwede kang maging dugyot bat ngayon pa?'
Mariin na bulong ko sa sarili ko. Gusto Kong sabunutan sarili ko ngayon sa totoo lang, naamoy ko na rin yung sarili ko. Mabilis kong hinablot yung tuwalya na naka sabit sa likod ng pinto namin bago tumakbo sa labas.
'Wait lang dyan ka lang maliligo lang ako ha?'
Sigaw ko sa kanya habang kinukuha ko yung mapalit kong damit. Pag labas ko ng bahay ay di ko Muna siya nilapitan.
'Saglit lang talaga, maliligo lang ako ang baho ko na e.'
Sabi ko sa kanya ng makalagpas ako, bat kasi nasa labas yung C.R. dito nakakahiya. Bago pa ko makalagpas sa kanya ay hinigit niya yung braso ko, at niyakap niya ko mula sa likod. Jusko aaminin ko bet na bet ko yung yakap niya, pero agad kong kinalas yung pag kakayakap niya sakin pano kasi ang baho ko na talaga. Yakap na yun naging bato pa.
'Mamaya nalang yang yakap mo ha? Kahit ako pa mag back hug maliligo lang ako.'
Agad akong tumakbo pa punta sa c.r bago ko pa masara yung pinto ay narinig ko pa yung pag tawa niya. Jusko tawa palang na yun ulam na.
'Tagal mo namang maligo, halika nga dito payakap ako.'
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at mabilis na tumakbo palapit sakin. Eto nanaman siya ang sweet sweet nanaman niya.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.
'Saglit lang, magsusuklay muna ako.'
Bago ako makapasok ng bahay ay tinawag niya ako.
'Bakit?'
Nagtataka kong tanong sa kanya.
'Palit ka ng damit mo may pupuntahan tayo.'
Ngiting ngiti niyang sabi sakin.
'San tayo pupunta?'
Nagtataka kong tanong sa kanya, baka mamaya dalhin ako nento sa bangin tapos dun niya ko ihulog jusko wag naman sana, ang ganda ko pa naman.
Simple lang yung sinuot ko, di ko na binonggahan for the second thought wala nga pala akong bonga na damit. Ang feeling ko sa part na yun.
Paglabas ko ng bahay ay lumapit kaagad ako sa kanya.
'Asan kayap ko?'
Nakanguso niyang sabi habang nakadipa yung dalawa niyang braso.
'Mukha kang pato, itigil mo yan. Saan nga pala tayo pupunta?'
Di niya ko pinansin at lalo niya pang pinahaba yung nguso niya.
' Yakap ko muna.'
Sino ba naman ako para tumanggi diba? Sempre niyakap ko na, yakap na ko oh.palalampasin ko pa ba?
Tinawagan ko Muna si Papang para mag paalam, bago kami umalis.
'Hello Papang?'
'Oh? Anak napatawag ka? May problema ba?'
'Wala naman po Papang, magpapaalam ho sana ako. Nagyaya po kasi si Clein ngayon, may pupuntahan po kame.'
'Saan ba kayo pupunta?'
Bago ko sagutin si Papang ay tumingin Muna ako Kay Clein.
'Saan daw tayo pupunta?'
Nginitian niya lang ako at sumagot ng tumataginting na 'SECRET'. Nice napaka ganda lugar di na ko makapaghintay na makapunta dun ~insert sarcastic tone~
Sinamaan ko lang siya ng tingin bago ko ulit sagutin si Papang.
' Pang ayaw sabihin e, secret daw.'
Narinig ko na tumawa si Papang sa kabilang linya.
'Baka sa langit anak.'
Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Papang. What the fish lang diba?
'Pang!!!'
Naririnig ko yung tawa ni Papang , haping hapi ang saya niya.
'Joke lang anak, pakausap nga ako Kay Clein'
Inabot ko naman Kay Clein yung cellphone ko.
'Oh. Kausapin ka daw.'
'Hello Pa? Bakit po?'
Napakunot yung noo ko yung biglang namula yung tenga niya.
'H-ho?'
'Ha.ha.ha. sige po'
Hanggang ngayon ay namumula pa rin yung tenga niya. Ano ba yung sinabi ni Papang?
'Na pano ka? Anong sinabi ni Papang? Namumula yung tenga mo.'
Bigla niyang iniwas tingin niya, at lalong na mula tenga niya ang cute.
'W-wala Tara na sa kotse.'
Nauna siyang naglakad sakin patungo sa kotse niya, ano ba kasi yung sinabi ni Papang?
Pag pasok ko ng kotse ay tinanong ko siya kung saan kami pupunta.
'Saan ba kasi tayo pupunta?'
Ngumiti lang siya. Wow nasagot niya yung tanong ko. Great.
'Basta, magugustuhan mo dun.'
-------*---------
BINABASA MO ANG
"Forevermore" lizquen
Roman d'amourNaniniwala ka ba sa forever?? naniniwala ka bang may forever?? sabi kasi ng teacher ko "there are no permanent in this world except Changes".. pero ang mas pinaniniwalaan ko ang sabi ng english teacher ko.adviser ko ei. 'hanggang bata pa kayo ipag d...
