FairyTale #1

14 3 0
                                    

Epic Day!

Nandito ako ngayon sa gilid ng highway nag lalakad mag isa! Tanga kasi ng sinakyan kong motor nawalan ng gasolina.

So heto na nga nirarampa ko ang kahabaan ng daan sa gitna ng kainitan. At ang masakit pa sa puso't isipan ng bigla biglang uulan.

Bwisit talagang pag asa nayan paasa! Sabi maganda daw panahon ngayon. Ganda nga grabe lakas ng ulan.

At dahilan sasabog na yata lahat ng sasabog sakin dahil bwisit na ito wala akong masilungan!

At swerte naman yata kasi may dadaan na mahahaling sasakyan na tama nga ako. Dadaan lang hindi man lang naawa sa aking kalagayan.

Inisnobb niya ang tulad kong reyna ng kagandahan! Humanda kang driver ka kung sino ka man!

Wala pang tatlong hakbang ng maramdaman kong may kakaiba sa aking paanan.

Shemay na buhay na ito. Sira ang sandals ko.

Hindi ko alam kung tadhana ba ito o malas lang talaga ako ngayong araw na ito. Sakit sa bangs.

Iniisip niyo ba kung bakit nag papaka superhero ako sa daan.

Simple lang. . .

Kukuha ako ng trabaho. At ayaw yata ako ng kumpanya dahil kanina pa ako minamalas dito. -__-

At salamat naman dahil pa ambon ambon nalang ng matanaw ko na ang kumpanyang aking pag aaplyan! At wala akong pakialam kung ako man ay pinag titignan dahil sa aking kadungisan.

Nang makarating ako sa aking pupuntahan.

Ganda ng rampa, pang beauty queen ang entrance. Tapos biglang hinarang ka ng gwardiya.

"Ma'am papasok po kayo?" Ay hindi lalabas shutana tanga- tangahan lang. Sabi ko sa aking isipin.

"Bawal pong mang limos sa loob." Sabay tawa ng gwardiya.

"FYI kuya! For your Infoblast! Nandito ako para mag apply ng trabaho hindi para tawanan niyo."

Tumawa nanaman siya ng malakas!

"hahahaha!hahhaha! Ikaw?" Hindi siya tawa pa more. -_- "Eh mas muka ka pa ngang pulubi sa pulubi diyan sa kanto eh hahaha! Mag paka desente ka muna."

April ba ngayon. Lokohan? Tss Sapakin ko kaya ito.

"Kuya i'm deadly serious" Seryoso kong sabi dito.

"I'm serious din! Umalis ka na dito miss."

"I want to...-"

"Anong nangyayari dito." Slow Mo akong napatingin sa .. Shss gwapong nag salita! Pag Ibig na kaya ito bakit hindi ako ininform ni kuya na nandito yung Forever ko.

"Ms Can you stop staring at me." Bumalik ang diwa ko ng nag salita siya ulit!

"Sir nag pupumilit pong pumasok." Ngumiti siya. WaAAHhH may dimple. Ang gwapo :v

Nagulat ako at pati ang buong isipan at puso ko. Nang biglang tumawa ang gwapo.

"Hahaha! Miss ikaw? Muka kang Takas sa Mental sa tingin mo makakapasok ka dito! Never miss. Sige na guard paalisin mo na siya!"

Parang nang lumo ako at hindi makagalaw dahil sa sinabi niya. Oo gwapo siya pero ANG PANGET NG UGALI NIYA.

"Alis ka na!" Tumalikod ako. Yung tipong nag paka bayani ka para makapunta dito. Pero pag dating mo pinaalis ka! Sakit ah tagos to the bone!

Nakayuko lang akong nag lalakad habang iniisip. Hindi naman ako malas ah! Pero bakit ngayon pa!

BLAAAAGGGG...

Napaupo ako sa sobrang lakas ng pag kaka banga niya!

"Sorry Miss, Sorry talaga!." Itinayo ako ng gwapong lalaking nasa harap ko.

"Ok lang!" Pag katayo ko tumalikod ako agad!

Oo tinulungan niya ako. Eh siya naman dahilan ng pag ka buwal ko.

"Wait lang miss." Nagulat ako kasi nasa harap ko na siya!

Mas nakakagulat pa ng hilain niya ako papuntang Mini dress and shoes shop.

Pag pasok namin. Sinalubong siya ng isang magandang babae at hinalikan niya ito sa pisnge.

Di siya na may Lovelife.

"Ahmp! Paki tulungan siyang mamili ng damit at sandals" Sabi ng lalaki dito.

"Come here be!" Tumango lang ako dito.

After a minutes nakapili na ako.

"May CR don be pwede kang mag shower! Puntahan nalang kita ah" Turo niya sa akin sa isang kwarto!

Ngumiti lang ako dito at nag lakad papunta sa kwarto. At manghang mangha ako sa ganda ng kwarto. Hinanap ko agad ang banyo para maligo. Ang nice hindi pala ako Malas ngayon.

Naligo ako at nag bihis!. Pag ka labas ko ng banyo. Sinalubong ako nung magandang babae!

"What's your name iha?"

IHA? ? ?

"I'm Princess Cluster Aquino po! G.f po ba kayo ni..--"

Napalingon kami sa nag salita.

"No she's my mother!" Napanganga ako! MOM Niya. Ang bata bata ng itsura.

"Tama si Steven." Ah siya pala si steve.

"Halika iha! Aayusan kita!" Sumunod lang ako pero hindi parin nag sisink in sa utak ko lahat!

Pag katapos niya akong ayusan napamangha ako sa babae sa aking harapan? Ako ba ito! Ang ganda ko.

"SALAMAT PO!" Ngumiti lang siya.

At nagulat ako ng umupo si steve at isinuot ang sandals sakin. Cinderella!

"Diba you're going at the Erosinz Company" Tumango ako at ngumiti sakaniya.

"Sabay na tayo Princess." Parang nag spark spark yung puso ko ng binanggit niya ang pangalan ko.

"Mom, alis na po kami."

"Sige anak."

Nag lalakad na kami papunta sa company ngayon.

"Bakit mo nga pala ako tinulungan!"

Pag tatanong ko dito.

"Nakita kasi kita kanina sa daan! Kung paano mo sagupain ang ulan. Pero ang kapatid kong si Ice ayaw ihinto ang sasakyan."

Nakakahiya naman!. Sino kayang ice yon sama ng ugali.

Nandito na kami sa harap ng company ngayon.

"Good Morning Sir, GoodMorning ma'am!" Parang ang bait kung maka bati ah. Parang di nila ako tinaboy kanina.

Bawat taong nasasalubong namin yumuko kay Steve. Sino ba kasi ito.

"Ah steven! Sino ba si mr. Prince Archel Erosinz sakaniya daw ako mag aaply bilang secretary eh!"

"Ah si Ice, halika ihahatid kita sa Office niya!"

Sumunod lang ako dito. Sumakay kami ng Elevator..

"Bago kayang gf ni sir yang girl! Infairness kay sir Steve. May taste." Ge tsismis pa nakakatuwa naman sila.

Lumabas kami sa 5thfloor. Pumasok siya sa isang office.

"Kanina pa kita hinahanap ah!" Sabi ng pamilyar na lalaki kay Steven.

"Cluster Pumasok ka na!" Dahan dahan akong pumasok dahil tama ako. Yung bwisit nga kanina yung boss ko.

"She's Princess Cluster Aquino your new secretary!" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Sige na kuya. Makakaalis ka na!" Sabi nito kay Steve.

"Wag ka nang mag apply tanggap ka na!"

Napa nganga ako sa sinabi niya.

Itutuloy...

Hindi totoo ang FairyTaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon