Prologue
Naglagay ako ng kaunting peach lipstick sa labi ko. Sinuklay ko buhok ko gamit ang kamay ko. Tinignan ko ang sarili ko salamin.
I have a porcelain skin. Heart shaped face. Deep set of dark brown eyes, thin lips. Light brown Wavy hair na hanggang bewang.
I'm tall kaya akala ng iba ay nasa college na ako.
Huminga ako ng malalim bago lumabas ng Comfort room.
Kanya kanyang grupo na ang nakikita ko. May nagtatawanan, nagiiyakan may mga kumukuha ng mga picture. Naglakad ako pabalik sa upuan ko kanina.
"Sandra! Congrats!" Nilingon ko ang tumawag sa akin. Nakita ko ang isang grupo na may tatlong babae dalawang lalaki na nakangiti sa akin.
"Thank you!" Ngumiti ako. Naging busy na din sila sa pag papa-picture kaya tumalikod na ako at nagpatuloy sa paglalakad.
I graduated as Valedictorian. I'm happy because I made my parents proud. Hanggang ngayon pakiramdam ko nanaginip pa ako lalo na noong nasa stage ako kanina at nagsasalita. Pakiramdam ko sulit ang naging paghihirap ko nung nag aaral pa ako.
Nakita ko si mommy at daddy kasama ang bunso kong kapatid na lalaki na si Aldrin may kausap ang mga ito.
Napatingin sa akin si mommy. Ngumiti ito saka sumenyas na lumapit ako.
" Anak, This is your tita Liza were friends since we were in college and her husband George" tumingin ako sa mag asawa na nasa harap ko.
Ngumiti ako. "Hello po! "
Ngumiti ito bago tumingin kay mommy.
"Dalaga na ang anak mo Viviane. Sigurado akong madaming pipila na manliligaw dito kay Sandra katulad mo noong college pa tayo. Sigurado akong mahihirapan si Gilbert na takutin ang mga manliligaw Sandra" Napangiti si daddy habang si mommy ay nakatingin kay daddy at napangiti saka napailing na lang.
Tumingin sa akin si tita liza " Kamukha mo ang nanay mo noong dalaga pa siya" ngumiti ako.
Yumakap naman sa bewang ni tita liza ang braso ni tito George. Napatingin si tita Liza kay tito George na ngayon ay titig na titig kay tita. Natatawang pinalo ni tita ang dibdib nito.
Pinagmasdan ko silang dalawa. Parang silang mga model. Matangkad at maputi ito si tita liza soft din ang features ng mukha nito. Si tito George naman masculine pa din ang dating at unang mapapansin ang gray na mata nito.
"Ate! picture tayo nila mommy at daddy" Tumingin ako sa kapatid ko na may hawak na camera.
Naghanap si Daddy na pwedeng magpicture sa amin. "Ako na" ani ni Tito George iniabot naman sa kanya ni Aldrin yung camera.
Unang kuha ay nasa gitna Kaming dalawa ng kapatid ko at nasa magkabilang gilid namin si mommy at daddy. Ang pangalawang kuha naman ay nasa gitna ako ni mommy at daddy.
Nakailang kuha pa kami ng picture ng makita ko si Stephanie. Nagpaalam ako saglit saka lumapit kay Steph.
"Steph! " Lumingon ito saka kumaway sa akin. Nang makalapit ako sa kanya nakita kong nandoon din ang ibang classmates namin. Nagpicture kaming dalawa bago sumama na din ang iba pa naming classmates pati ang ilang teachers namin.
Pagdating sa bahay ay agad akong nagpalit ng damit. Pagbaba ko ay nakita ko sa lamesa ang kapatid ko at tinitignan ang mga pictures sa camera.
Kalalabas lang ni mommy sa kusina may dala itong pagkain at nilapag sa mesa.
"Si Dad?"
"Nasa labas may kausap sa phone" sabi ni mommy. Tumango ako saka umupo sa upuan sa tabi ng kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Taming The Rebel
Teen FictionAlessandra Emilie Gomez knew from the start that she don't want to get involved in any trouble. Kaya habang maaga pa lang ay umiiwas na siya. Simula elementary hanggang highschool ay nagtapos siyang valedictorian. Palagi din siyang nanalo sa iba't...