ONE
Inayos ko ang strap ng bag sa balikat ko at huminga ng malalim. Tiningnan ko ang mataas na gate ng university kung saan ako mag aaral.
Mataas at kulay itim at gold ang kulay nito. Sa gitna ng gate ay may mga kulay gold na letra. Sapphire Hawkins University.
Sa gilid ay may maliit pang gate at may nakabantay na guard. Sa loob ay tanaw ko ang mga puno, agaw pansin ang flame tree na nakalihera sa magkabilang gilid ng daanan.
" Goodluck on your first day sweetie!" nilingon ko si mommy na nasa likod ko.
Ngumiti ako. " Thanks! Mom. " I kissed her cheek at tumingin kay daddy.
" Just ... Don't be friends with boys, sweetheart. " mahinahon na sabi ni daddy. Halata sa mukha nito ang pag aalala.
Napangiti na lang ako.
Dad's always like that. He doesn't want to see me with a group of boys. Dapat kilala niya ang mga sasamahan ko.
Lumapit ako sa kanya . "Dad... Don't worry, I'll be okay!" Napabuntong hininga ito.
"Gilbert, It's okay! College na ang anak mo! She can handle herself and it's okay to have guy friends basta makikilala namin. Right sweetie?"
Ngumiti ako at tumango. Ginulo ni daddy ng bahagya ang buhok ko.
Kumaway ang mga ito habang papalayo ako. Nang nasa loob na ako nilingon ko sila mommy at daddy at nandoon pa sila at nakangiti sa akin. Nagthumbs up pa si dad.
Habang papalapit ako ay mas lalo akong namamahanga sa itsura ng buong school.
Sa harap ko ay isang building na kamukha ng parthenon. Ang building ay nakaayos ng U shaped at kulay puti ang pintura. Sa gitna ay may fountain na. Nakapalibot sa fountain ay mga daisies.
Hindi kalayuan sa building ay may mga puno. Sa ilalim nito ay mga estudyanteng nakaupo sa mga kahoy na bench. May mga nagkukwentuhan at may iba na nag aaral.
Pagpasok sa building ay agad sasalubong sa 'yo ang mataas na hagdan. Sa magkabilang gilid ng hagdan ay may ionic columns. The stairs looks... old. Maliliit ang steps na meron ito. Kaya unang tingin pa lang ay aayaw kanang umakyat.
Napapagitnaan ang hagdan ng mataas na pader. Sa taas ay may terrace at may tatlong corinthian columns.
Inilabas ko ang schedule ko. 9:00 Room 205, Trigonometry.
Panay ang tingin ko sa kabuuan ng building habang paakyat ako ng second floor. Hindi ko maiwasan mamangha sa bawat makita ko. Para talaga akong dinala sa sinaunang panahon.
Huminga ako ng malalim at tumigil ng makaakyat ako sa huling baytang. Pinunasan ko ang pawis ko sa noo. Mukhang kailangan ko mag exercise hindi na ako sanay sa ganito. Nagbakasyon lang!
Napasimangot ako ng makita ko ang hagdan na aakyatin ko. Kung gaano kataas yung una ay ganun din ulit kataas ang aakyatin ko ngayon!
Nang makarating ako sa second floor ay halos bumigay na ang mga binti ko. Hindi ba uso dito ang elevator? Ang laki ng school walang elevator!?
Inilibot ko ang tingin sa buong second floor.
Sa harap ko isang mahabang hallway kulay cream ang pintura mula sa ceiling, pader at pinto. Sa itaas ay merong dalawang malaking chandelier at sa magkabilang gilid ng hallway ay mga pintuan. Sa tingin ko ay classrooms.
Sa pinakadulo ay may pintuan na kulay dark brown sa itaas ng pinto ay may nakalagay na library. Sa magkabilang gilid ng pintuan ay may malaking portrait size na abstract painting.
BINABASA MO ANG
Taming The Rebel
Teen FictionAlessandra Emilie Gomez knew from the start that she don't want to get involved in any trouble. Kaya habang maaga pa lang ay umiiwas na siya. Simula elementary hanggang highschool ay nagtapos siyang valedictorian. Palagi din siyang nanalo sa iba't...