Chapter 3

118 3 1
                                    

THREE

Huminto ako sa pagbabasa at sumandal sa upuan. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi na mahaba ang vacant ko. It's only ten o'clock. Ang next ko ay one o'clock pa.

Inilibot ko ang tingin buong library. Nung una ay hindi pa ako na library nga to kung hindi ko pa nakita ang mga libro sa mataas na book shelves at ang nakalagay sa taas nv pinto na 'LIBRARY' . Malawak kasi ang loob, pupwede kang maglaro ng soccer dito.

Sa magkabilang dulo ng library ay may hagdaan na pa-spiral at gawa sa marble. Sa second floor ay may mga tables at book shelves.

Tumingin ako kay Nathalie na nasa tumitingin ng mga libro sa book shelves. Kahit ilang araw na ang lumipas mula nung pasukan, pakiramdam ko medyo ilang pa sa amin si Nathalie, Bihira din ito magkuwento.

Inilipat ko ang tingin kay Natasha na nasa harap ko, naka earphone ito habang nagbabasa. Magkaiba talaga sila ni Nathalie. Napabuntong hininga ako. Tahimik pa din kaya ito kapag silang dalawa lang ng kambal nito?

Napalingon ako kay Steph ng marinig ko ang mabilis na paglipat nito ng pages ng libro. Magkasalubong ang kilay nito. Anong problema nito?

Binalik ko ang tingin ko sa librong binabasa ko. Kaya lang ilang minuto lang ay nawala agad ako sa focus. Hindi ako makakapag aral ng ganito. Itinukod ko ang siko ko sa mesa at nilagay ko ang baba ko sa aking palad.

Bigla kong naalala yung nakita kong picture sa facebook ni William. Kahit pagurin ko pa ang utak ko sa kakaisip hindi ko malalaman ang kuwento behind that picture, unless, I ask William or Lucas. because there's no way I'll ask Zander anout that.

Siguro ay hindi lang ako sanay makita na nakangiti si Zander. Hindi ko pa siya nakikita na ngumiti ng ganoon. Yung ngiti na totoo... totoong masaya.

Napatingin ako sa may pinto ng library ng may pumasok.

Nakita ko si Lucas kasama 'yong lalaki na katabi namin ang class sa P. E.

Umupo sila bakanteng table hindi kalayuan sa amin. Pagkabalik ni Nathalie ay naibagsak niya sa table ang librong dala niya. Dalawa kasi ito at medyo makapal ang isa.

Tumingin ang ibang tao sa table namin pati yung librarian. Yumuko at nag sorry si Nathalie saka ito umupo.

Napatingin ako sa lamesa nila Lucas. Nakatingin ito sa amin. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o kakaway? O parehas na lang kaya?

Tipid akong ngumiti at tumango. Baka isipin nito ay classmates kami pero di ako namamansin.

Wala itong naging reaksyon at binalik lang ang tingin sa notebook.

Kaharap ko ang upuan ni Nathalie katabi nito ang kakambal, sa tabi ko ay si Stephanie kaya nakaharap kaming dalawa kila Lucas. Siya kasi ang nakaharap sa amin . Dahil nakaupo sa harap na upuan ni Lucas yung lalaki kaya likod lang ang nakikita namin.

Napatingin ako sa lalaking kasama nito, nakaharap na ito sa amin. Inilibot ng lalaki ang tingin at parang nagtataka kung anong tinitignan ni Lucas.

Tumingin yung lalaking kasama ni Lucas sa likod nito at nakita kami. Sakto naman na napatingin si Steph sa pwesto ng mga 'to.

Nanlaki ang mga mata ni Steph at kumunot ang noo nung lalaki at tipid na nakangiti pero halata sa mukha na medyo hindi pa din nito naiintindihan kung anong nangyayari.

" Sandra! " Napatingin si Nathalie at Natasha kay Steph.

" Steph! Nasa library tayo " saway ko diyo baka mapagalitan na naman kami.

" Oh! Si Lucas 'yon diba?" Sabi naman ni Nathalie

Ngumiti ito at bahagyang kumaway.

Narinig ko naman sa tabi ko si Steph na kinikilig.

Taming The Rebel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon