Chapter 2

137 3 2
                                    

TWO

Inilagay ko sa loob ng bag ang ilang gamit ko. Napahinto ako ng makita ko ang schedule ni Zander na nasa akin. Siguro naman ay maibibigay ko na 'to sa kanya ngayon. Inilagay ko 'to sa loob ng bag saka sinabit ang isang strap ng bag sa balikat ko.

Humarap ako sa salamin at  inayos ang buhok ko na naka french braid saka tinignan ang uniform na suot ko.

I'm wearing a three button navy blue coat. Sa kanan ang logo ng school.  Under the coat, I'm wearing white long sleeves paired with checkered navy blue ribbon and chekered white and navy blue pleated skirt na above the knee and black shoes na one inches.

It feels like I was going to a cosplay event.

Pagkababa ko nakita ko si daddy na nakaupo sa mesa habang nagbabasa ng dyaryo.

"Good morning Dad" humalik ako sa pisngi nito saka umupo sa katapat nitong upuan.

Lumabas naman si mommy sa kusina na may dalang kape at inilapag sa table.

"Thanks, Hon!" Nakangiting sabi ni dad kay mommy.

Umupo si mommy sa katabing upuan ni daddy.

" How's your first day sweetie?" Tanong ni mommy.

" It's fine mom. Classmates po pala kami ni Steph"

" Stephanie? Yung friend mo nung highschool?"

"Yes mom"

Tumusok ako ng bacon at nilagay sa plato ko.

"I miss that girl, sabihin mo sa kanya dumalaw naman dito sa bahay minsan"

Tumango ako " I will mom"

Pagkatapos kumain ay inihatid ako ni Dad sa school bago ito pumasok sa trabaho. 

Naglalakad ako sa papunta sa room ng may umakbay sa akin. Nagulat ako at huminto para tignan kung sino 'yon.

Si William.

Inalis ko ang pag kaka akbay niya at tinaasan siya ng kilay. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Bagay sa kanya ang school uniform ng mga boys.

White long sleeves, checkered white and navy blue necktie, two button navy blue coat sa kanan ay ang logo ng school. Dark gray pants and black shoes.

Kumunot ang noo ko. " Nakakagulat ka! Aatakihin ako sa puso sayo!  Bakit ka ba nang aakbay ? "

" Aww! Ang sweet mo naman. Hindi ko alam na bumibilis pala ang heartbeat mo ng dahil sa akin" kumindat ito saka ngumisi.

Tumaas ang isang kilay ko. Ano bang sinasabi nito?

Pinagkrus ko ang braso ko at tinitigan siyang mabuti " William, ano bang problema mo?"

" I'm touched, you still remember my name. Well, I just want to be your friend?"

Tinitigan ko siya ng matagal at hinintay kung ano pang sasabihin nito.

Pero nanatili lang itong nakangiti at nag puppy eyes pa ito. Nagdadalawang isip ako kung papayag ba ako o hindi. Naiisip ko pa lang na magiging kaibigan ko ang isang 'to sumasakit na ang ulo ko.

" William, bakit mo naman ako gustong maging kaibigan? " 

" I just want you to be my friend, Sandra,  Is there something wrong with that?" Malungkot na sabi nito.

Kumunot ang noo ko sa itsura nito. Ang kaninang masayahin na itsura nito ay nawala. Ngayon ay para itong batang napagalitan at nakayukong nakatingin lang sa kamay nito.

Napabuntong hininga ako. " Fine!"

Bigla itong tumuwid ng tayo at ngumiti sa akin.

" Great! Now, do you have a boyfriend?" Nakangiting tanong nito.

Taming The Rebel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon