Chapter 4

85 3 0
                                    

FOUR

Inilagay ko sa loob ng locker ang school uniform at bag ko.  Umupo ako sa may mahabang bench at inayos ang sintas ng sapatos ko.

"Sandra, pahiram ako notes sa Architectural Design. Hindi kasi ako nakinig. " sabi ni Steph habang nilalagay nito ang gamit sa locker.

Tinapos ko ang pag sintas ng sapatos saka tumuwid ng upo. Napabuntong hininga ako.

Ano pa nga ba ang magagawa ko. Kahit noong highschool kami ganito na si Steph, siguro ay inaantok ito sa klase kanina.

Medyo mahina at mahinhin kasi ang boses ng prof kanina. Kahit nga ang ibang classmates namin ay pinipigilan humikab. Nakadagdag pa na first class namin iyon.

Ngumiti ako at Tumango kay Steph.

"Guys, let's go nandyan na si Ma'am" sabi ni Nathalie na nakasilip sa pinto.

Pagkalabas namin ng locker room ay nakaupo na ang mga classmates namin. Si Ma'am ay may kausap pa na prof. Prof yata 'yon ng kabilang section.

Nilingon ko ang kabilang section. Tahimik ang mga 'to na nakaupo.

Sa ikalawang row ay nakita ko si Nigel na tinutupi ang dulo ng jogging pants.  May kumalabit dito at nilingon nito iyon. Doon ko lang napansin na si Zander ang nasa likod nito.

Parang may kakaiba sa itsura nito. Ang buhok nito ay medyo maayos tignan. Medyo messy pa din ang buhok nito pero medyo maayos at hindi na umaabot sa mata. Siguro ay naka gel ito.

Pero maliban doon ay wala ng iba. Nandoon pa din sa mukha nito ang bored at parang nag hahamon ng away.

Napansin ko na parang may binubulong si  Zander kay Nigel na ikinailing at ikinatawa nito.

Umayos ng upo si Nigel ng lumapit na sa table ang prof nila na kausap ng prof namin kanina.

Nakatukod ang dalawang kamay ni Zander sa likod nito na  parang hihiga na at nakatitig lang ito sa prof na nasa harapan. 

Tinignan ko si Natasha na nakaupo sa may unahan. Nakatingin ito sa taong nakaupo sa likuran nito. Hindi ko makita dahil sa pwesto ko ay natatakpan ito ni Natasha.

Nang ibinalik ni Natasha ang tingin sa harap ay nakakunot ang noo nito. Halata sa mukha nito ang pagkainis sa kung sino man ang taong nasa likuran nito.

Tinignan ko kung sino ang nakaupo sa likod nito. Si Liam. Nakangisi ito habang nakikipag usap sa katabi nitong si Zander. Umismid si Zander at napailing. Ano bang pinag uusapan ng mga 'to? Nagawa pa nilang magkuwentuhan na parang walang professor sa harapan.

Inilipat ko ang tingin ko kay Liam na ngayon ay kinalabit ang babaeng nakaupo sa may unahan ni Zander. Agad naman umayos ng upo si Liam at kunyari ay nakikinig sa prof.

Nang tumingin iyong babae sa likod ay naiinis na tumingin ito kay Zander.  Pero untu-unti din nagbaba ng tingin iyong babae ng makita niyong si Zander ang nakaupo sa likod.

Pero si Zander ay parang wala lang dahil ganoon pa din ang ayos nito na nakatukod ang magkabilang kamay sa may likuran nito. Seryoso lang itong nakatingin sa babae. Umiwas ng tingin iyong babae at umismid lang si Zander. Siniko nito si Liam at tumatawa itong tumingin kay Zander.

Napailing ako at ibinalik ang tingin sa harap kung saan nag ccheck ng attendance ang prof namin.

" Gomez" tawag ng prof namin. Nagtaas ako ng kamay.

Nang matapos akong tawagin ay nakita ko si Steph na kinakausap si Nathalie at panay ang sulyap nito sa section nila Zander. Siguro ay tinititigan na naman nito si Nigel.

Taming The Rebel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon