Chapter 2: Coincidence?

100 2 1
                                    

Iginala ko ang mga mata ko para suriin ang kabuuan ng NAIA 1; tila isang bihasang arkitekto na metikulosong sinusuri ang isang likhang sining.


Kumpara sa Kuala Lumpur International Airport Terminal 1, maliit lang ang main hall ng NAIA 1. Hindi maitatangging luma na ang terminal natin. Outdated at rundown na nga ang facility. Manilaw-nilaw na pintura, may ilang dead pixels sa LED board na nagdi-display ng mga flights. Mga bakanteng check-in counters. Ni hindi mo maramdaman na air-conditioned ang main hall. O siguro kasi mainit lang talaga ang temperatura sa labas. Sa isang gilid ay may mga lumang analog weighing scales na tila giant version ng mga pangkilo sa palengke - pwede nang ibenta sa antique shops, nababakbak na ang pintura at ang dumi tignan. Sanay pininturahan man lamang kung hindi pa kayang palitan.


Luma na rin naman ang KLIA 1 pero makikita mo ang maintenance efforts. Hay Pilipinas.


Naririnig ko ang mga turista sa likod ko na nagre-reklamo tungkol sa ilang bagay na may kinalaman sa primary International Airport ng bansa: bakit daw hindi binuksan yung ilang counter. Bakit mabagal ang serbisyo. Bakit walang red demarcating tapes para maiayos ang pila.


Bilang isang Pinoy at host citizen, hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkahiya. Hindi ko maitatangging tama naman sila. Hindi ko maitangging somehow, may bahid ng katotohanan na tawagin itong worst airport of the world. Ito yung mga pagkakataon na iyuyuko mo na lang ang ulo mo at amining our country still has a lot of room for improvement.


Tinignan ko uli si Katherine. 20 meters lang ang layo ng counter para sa Travel Tax mula sa kinatatayuan ko, within line of sight nya naman kaya walang reason para mag-alala sya na itatakbo ko ang luggage nya.


Besides, I have 2 big luggages myself bukod pa sa backpack na hand carry. 30kg ang maximum weight limit ng Malaysia Airlines, bawat pasahero ay allowed to check in 2 luggages basta di lalampas ng 30kgs combined.


Nangiti ako nang napansin ko ang size ng luggage nya. 9 days lang ako sa Pilipinas pero max out ko ang 30kg limit. Pero itong new-found friend ko, 3 months daw sa Australia pero parang pang 5-days vacation lang ang dala.


Panaka-naka syang lumilingon sa pwesto ko habang nakapila sya sa counter. Sa tuwing ginagawa nya yun, I smile at her and make a hand gesture: middle and index finger to my eyes and pointing it back to her. I got my eyes on you. Ngingiti rin sya pabalik.


Binabantayan ko sya ng tingin dahil baka masalisihan habang nagbabayad. First-timer, baka mataranta.


Finally natapos din.


Nang papalapit sya sa akin, itinaas ko sa ere ang dalawa kong kamay at pinakita ang walong daliri. Abot hanggang tenga ang ngisi ko. Ngiting tagumpay. Hue hue hue.


"8 minutes." Pang-aasar ko.

"Eh ang tagal nung nasa unahan ko..."

"Still, 8 minutes." Sabay pilyong ngiti na one-side - yung kanang side lang ng labi para labas dimple.

"Hmpf." Umirap kunyari pero nakangiti.


Umusad na ulit ang pila.


"Pang-ilang sakay mo na pala sa eroplano?" Tanong nya.

"Uhmmm. 10 plus? I lost count. Lakwatsero ako eh. Pero first time ko mag Malaysia Airlines. Yung papunta dito MAS din, eto so far buhay pa naman ako."

"Ah. Kung may ibang choice nga ako ayoko ng MAS eh. Kaso si tita ang nag-book."

"Wala naman sa airlines yun. Kung oras mo, oras mo na. Besides, you shouldn't be thinking about that po. Baka maging cause pa ng anxiety mo."

"Hmm, You're right." sang-ayon nya.


"Do you know what's the worst that could happen? Yung dahil sa anxiety, sumpungin ka ng diarrhea in-flight, tapos nag-cause ka ng mahabang pila sa lavatory. Tapos paglabas mo ang sama ng tingin sayo ng mga nakapila. At masama ang iiwan mong amoy."

"Yuck! Nangyari sayo yun noh?"

"Of course not. I Swear."

"Hahaha. Weh? Aminin mo na."

"Nooo!"

"Yeeees!"

"Shut up!"

"Hahahaha."

"Grrr. Nakabawi ka ah."


Mas maganda sya pag nakangiti pero mas nakaka-aliw sya tignan pag tumatawa.


Nung malapit na kami sa unahan ng pila, nakaramdam ako ng lungkot. There's a very slim chance na magkalapit kami ng upuan. Lalo nang imposibleng magkatabi. Nung nagbook kasi ako ng flight, pinili ko na ang seat number ko:


Sabi kasi sa napanood ko sa youtube, in the event of an emergency or crash landing, mas mataas ang chances of survival mo kapag mas malapit ka sa cockpit. Bandang buntot kasi ng eroplano ang unang tatama sa lupa. Kaya naman ang business class ay nasa unahan. So kung pwede mo rin lang piliin ang seat mo, choose the row closest to the pilot.


Row 1-5 ang business class. So i took Seat # 6F. Window side.


Pero si Kath, upon check-in nya pa lang malalaman ang seat number nya. At malamang, sa bandang likuran na sya mauupo. Sayang ang 4 hours flight. At syempre pag lapag sa KL, mabilisan lakad na yun para kunin ang luggages sa conveyor belt.


Di bale, may time pa naman magkwentuhan habang naghihintay sa plane boarding, pakonsuelo ko sa sarili.


Nauna na syang lumapit sa check-in booth. Sana man lang kahit Row 7 siya.


Nang natapos sya, tumayo siya sa gilid at hinintay ako habang ako naman ang nag-check in. Mabagal akong lumapit sa kinatatayuan nya nang matapos ako mag baggage drop.


"Anong seat number mo?" Bungad nya.

"6F. Sabay ko nang pinili yung seat nung nag-book ako."


Nagliwanag ang mukha nya na parang batang binigyan ng laruan. Ngumiti na abot tenga.

"Ikaw anong seat number mo?" Tanong ko.

"Uhmmm..." Ngiti lang ang isinagot. Cute talaga sya ngumiti.

"Patingin nga kasi para mabigyan kita ng instructions." ulit ko.


"Do you believe in coincidence?" tanong nya habang inaabot ang boarding pass sa akin.


Seat 6E.

Chance EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon