Nakauwi na ako ng condo pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang chance encounter na iyon. Binalikan ko ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari:
- Paglapit ko, siya ang nasa hulihan ng pila. It could have been anyone. Pwedeng ibang lahi, o matandang lalaki. Pero dahil inuna ko ang Travel Tax kaya mas natagalan akong pumila at sya ang naabutan ko.
- Of all people, yung girl na pinagtanungan ko pa ang makakatabi ko sa upuan.
- I got attracted to her. Again, kung ibang tao yun, deadma.
- First-time flier sya kaya naobliga akong mag-alok ng assistance. Dahilan para maging palagay din ang loob niya sa akin.
- She stirred up emotions in me and reminded me a lot about what happened in NAIA exactly 2 years ago. Sa pamamagitan nya, napilitan akong harapin ang mga bagay na akala ko ay sapat nang kalimutan na lang. Tinulungan nya akong makalaya ng tuluyan.
- At ngayon, nakalimutan ko ibigay ang pangalan ko or any way that she can find me sa Facebook. I guess, it's also part of the plan. Bahagi ng sovereignty ng Lord para siguradong hindi na kami magkakaroon ng communication.
Sabi nila, people come into our life for a reason, a season, or a lifetime. Siguro si Katherine ay for a reason. Ginamit siya ng Lord, pati na ang circumstances kung paano kami nagkakilala, to deliver a strong message. Isang mensahe na malinaw kong natanggap. Isang mensahe na maaaring hindi lang para sa akin, kundi para rin sa ibang singles.
Personally, naging very profound ang lesson na iniwan sa akin ng mensahe na iyon:
Like most singles, I tend to (silently) ask God kung nakalimutan nya na ako. Lalo na kung may mga nakikita ako at nababalitaang kaibigan na kinasal, engaged o kahit in a relationship.
Hindi ako ipokrito, honestly minsan nagtatanong ako: Lord, paano ako? Nakalimutan mo na ba ako? Paano naman po ang lovelife ko? Sayang ang genes ko.
And what happened today, was more than the answer I need. He answered in a way that only He can do. It is more than the assurance I yearned to have.
Hindi nya ako nakakalimutan. GOD IS AT WORK. REST.
Umalingawngaw sa isip ko ang paborito kong verse, Psalms 34:8
O taste and see that the Lord is good: blessed is the man that trusts in Him.
Pero makulit ako, naisipan kong hanapin sya sa Facebook.
Natatandaan ko ang pangalan nya pero hindi ko matandaan ang spelling ng last name. Nag-try ako ng iba ibang spelling. Wala talaga. Tsk tsk. Zero result.
Kulit kasi eh.
Bago ako matulog, nakita ko sa side table ang Devotional book ko: Experiencing God by Henry Blackaby.
Binuksan ko sa date ngayon.
Ito ang nabungaran kong message para sa May 10.
Tagumpay na Wala ang Presensya ng Diyos.
"Maaring makaranas ng tagumpay ngunit wala ang presensya ng Diyos. Kung tagumpay ang mahalaga sa iyo, maaring matukso kang piliin ang tagumpay sa gawain sa halip na ang kaugnayan mo sa Diyos.
Nagalok ang Diyos sa mga Israelita na magsusugo Siya ng anghel habang pumapasok sila sa Lupang Pangako para matiyak ang kanilang tagumpay sa bawat pakikipaglaban. Walang hukbo na makakatalo sa kanila. Walang pader ng lunsod na makapipigil sa kanila. Nakalatag na sa kanilang harapan ang kayamanan ng lupain. Tila kukunin na lamang nila ang lahat ng bahay na kanilang pinapangarap - ang kulang na lamang ay ang presensya ng Diyos. Sinabi ng Diyos na matigas ang kanilang ulo, at hindi Niya sila sasamahan kung malayo sa kanya ang kanilang puso.
Inihahayag ng karanasan ng mga Israelita na ang tagumpay ay hindi nangangahulugang tanda ng presensya ng Diyos. Huwag mong akalain na ang iyong magandang kalusugan, ang maunlad mong negosyo, o ang paglago ng iyong ministeryo ay dahil sa presensya ng Diyos. Maaring hindi mo sinadyang piliin ang tagumpay kaysa kaugnayan mo sa Diyos.
Masisiyahan ka ba na magkaroon ng tagumpay, kapangyarihan o kayamanan, ngunit walang kaugnayan sa Diyos? Binibigyang halaga mo ba ang presensya ng Diyos kaysa sa pinakamalaking tagumpay na maari mong maranasan s mundong ito?"
Boom! Nuff said.
Coincidence?
No, It's serendipity. :)

BINABASA MO ANG
Chance Encounter
Romance"Do you believe in coincidence?" "No, I don't believe in coincidence." I looked at her eyes and paused. "But I believe in serendipity." Coincidence is merely a product of random chance. Serendipity follows a pattern. It follows a design. Naniniwala...