Dumating ako sa Terminal 1 ng NAIA 3 hrs before my flight.
Mabuti na to, ayoko nang maulit yung experience ko pauwi ng Pinas galing KL: Final Call.
Isa pa, malamang mahaba pila sa check-in ng Terminal 1.
Di nga ako nagkamali, ang haba na ng mga pila. MGA PILA. Hindi ko na alam kung saan ang pila ko at saan ang dulo. Welcome to the Philippines.
Inuna ko ang Travel Tax bago ako pumunta sa dulo ng queue for Malaysia Airlines.
"Excuse me, is this the check-in queue to Kuala Lumpur?" Tanong ko sa dalagang nasa hulihan. Pumihit ito at ngumiti.
"Uhmm. yeah. Malaysia Airlines ka rin?" Sagot nya.
"Yep. Oh my. Sobrang haba. Mabagal ba?" Protesta ko kunyari habang pasimpleng kinikilatis ang kaharap ko.
She's pretty and petite.
Behind that thick frame of eyeglasses, makikita mong maganda ang mata nya. Almond-shaped eyes na tinernuhan ng makapal na eyelashes.
Nakapusod ang lampas balikat na buhok, habang ang side-parted bangs ay tumatabing sa heart-shaped face na binagayan ng maliit na ilong at labi. Maganda sya ngumiti.
Morena at healthy ang skin. Tantya ko ay nasa 24-26 ang edad.
"Oo eh. Kinakabahan nga ako baka di ako umabot. First flight ko ito." Sagot nya.
"Really? Ah, relax, we're 3 hrs early. I've seen worse. Yung papunta nga ako dito 1 hr before gate closing nasa check-in counter pa ako eh." sagot ko para di sya gaano mag-alala.
"Buti nakaabot ka." Bawi nya.
Tumunog ang iPhone5 nya. May SMS. Baka boyfriend.
"Excuse ha." Pasimple kong sinulyapan ang pangalan sa screen: Tita Malou. Hmm. hindi si boyfie.
Mabagal umusad ang pila. kaya pinalipas namin ang pagkabagot sa pagkukuwentuhan.
Connecting flight lang pala sya sa KL. Australia talaga ang destination nya. First timer kaya magkahalong kaba at excitement. 3 months vacation sya sa Sydney, at kung suswertihin ay baka makahanap ng employer.
Napuputol lang ang usapan namin kapag may nagme-message.
"Si tita ulit?" Usisa ko.
"Oo eh, minomonitor ako, nagbibigay ng instructions."
Sa mahigit sampung pagtunog ng phone nya, alam ko nang wala syang BF. Kasi puro tita nya ang nagme-message.
"Bakit hindi ka hinatid ng BF mo, eh 1st time mo pa naman." Tanong ko. Ninja moves.
"Eh kung meron malamang di mo ako kausap ngayon." biro nya.
Aba, marunong sumagot. Muy bien. Hmmm. Pero tama ako. Single si ate.
"Ah, Katherine, you might want to pay your travel tax first habang nakapila tayo."
"How did you..?"
"Know your name? It's in your bag tag. Unless kung hindi mo bag ito. Tatawag ako ng guard. Guaaaard..." sagot ko na may kasamang pilyong ngiti.
"Haha. Your funny."
"I'm more than that. Pero pay your travel tax first. I don't talk to tax-evaders." Patuloy na pang-aalaska ko.
"Baliw! Eh paano, iiwan ko tong luggage ko dito? Ok lang sayo?" Tanong nya.
"Iiwan mo sa akin ang luggage mo, ok lang ba sayo? Do you trust me?" I answered and looked straight into her eyes without wiping the smirk on my face. Sinamahan ko pa ng pagtaas-baba ng kilay.
2 seconds na eye contact.
"Hindi ka aalis?" Bawing tanong nya.
"Aalis syempre. These folks behind me will kill me if I don't move up the line while waiting for you."
"Hahaha. Fine. Dito ka lang. I'll be quick."
"I doubt it. If 5 minutes na wala ka pa dito, you owe me something from that store." Turo ko sa Duty Free.
"Let's see." Bawi nya bago umalis ng pila pero agad ding pumihit pabalik.
"Wait! What's your name?"
"I'm not gonna tell you unless you pay your taxes first." Pangungulit ko.
"Fine." Tawa sya bago lumakad palapit sa counter.
BINABASA MO ANG
Chance Encounter
Romance"Do you believe in coincidence?" "No, I don't believe in coincidence." I looked at her eyes and paused. "But I believe in serendipity." Coincidence is merely a product of random chance. Serendipity follows a pattern. It follows a design. Naniniwala...