Chapter 3: Not coincidence... Serendipity.

115 1 1
                                    

"Seat 6E! Tapos Seat 6F ako. Alam mo ba ang ibig sabihin nun?" Seryoso ang mukha ko at medyo high-pitched ang boses.

"Ano?" May bahid pagaalala sa boses nya.

"Ibig sabihin magkatabi tayo ng upuan." Mabilis kong sagot. Hue hue hue.

"Obvious ba? Akala ko pa naman kung ano na." Halatang nainis at nauna nang lumakad sa akin.

Humabol ako at sinabayan siya ng lakad.

"Wow! This is, this is.. unbelievable! Who would have thought, of all people na pwede kong tanungin kung saan ang pila ng Malaysia Airlines, sinong magaakala, na yung estrangherong kanina ko pa kausap sa loob ng mahigit isang oras dahil sa haba ng pila, eh makakatabi ko pa pala ng upuan." Madrama at exaggerated kong pagsasalita with matching hand movements na tila nagtatalumpati. Sinamahan ko pa ng pagsinghot at pagpapahid kuno ng luha.

Napalingon sya sa akin at tiniyak kung umiiyak talaga ako. (Hindi nya alam na member ako ng teatro nung high school. )

Lumingon din ako sa kanya.

"Tears of joy." Sagot ko na halatang nagpipigil ng tawa.

"Baliw ka talaga!" Napapailing na lang si Katherine sa kakulitan ko. Nagkatawanan kami.

Ilang sandali ay nagpormal na rin ako ulit.

"O itago mo yan. Hahanapin yan sa'yo mamaya." Binalik ko sa kanya ang boarding pass nya.

"Naniniwala ka ba sa coincidence?" pag-uulit nyang tanong habang inaabot ang kapirasong papel. Siguro kagaya ko, naa-amuse din sya sa nangyari. Gusto kong sagutin nang "Ikaw, naniniwala ka ba sa forever?" Pero pinigilan ko ang sarili ko.

Biglang tumunog ang cellphone nya bago pa ako nakapagsalita. Asar, pipick-up line na sana ako eh.

"Sila nanay. Nakauwi na raw sila."

"I see." Tipid na sagot ko. "Tara, immigrations na tayo."


Since first timer si Katherine, I tried my best to accommodate her.

Nung malapit na kami sa Immigrations, binigyan ko sya ng mga guidelines:

Kesyo medyo mahigpit sila lalo na sa mga 1st time lalabas ng bansa so expect mo na maraming tanong. Wag kakabahan pag kausap yun Immigration officer. Ibigay mo na agad yung travel documents mo. Kung anong tanong yun lang ang sagot. Stay calm. Act normal.


"I'll wait for you there." Turo ko sa area sa unahan ng Immigration bago sya lumapit sa isang booth. Dun naman ako sa katabi.


Pero ako ang natagalan. Kinailangan ko na naman magpaliwanag na hindi ako OFW at temporary work assignment lang ako sa KL. Hay, palagi na lang.


Naka-cross arms na at naka-arko ang kilay ng dalaga nung lumapit ako.

"Akala ko ba ako ang matatagalan." Sya naman ngayon ang nangaasar.

"Eh andaming tanong nung Immi Officer." Pangangatwiran ko.

"Did you act normal?" na sinabayan niya pa ng ngiting nakakaloko.

"Sige mang-asar pa." Irap ko na may kasamang pouty lips.

"Haha. Pikon!"

Tawanan ulit.


Nagpatuloy kami ng lakad.

"You know what, you look familiar." Hirit ko na naman maya-maya.

"Sus, like you've known me in your past life?" Sagot nya. Nakikita ko sa facial expression nyang she's expecting a punch line. Nasasakyan nya na ang random flows ko.

"Ah no, not that level. I'm sure we didn't."

"Why?"

"Cactus ako sa past life ko eh. Unless kung cactus ka rin sa past life mo."

"Ha? What's with the cactus?"

"What's wrong with being a cactus? Marangal naman ang buhay nila ah. Kesa naman tapeworm di ba?"

"Yuck. Stop it!"

May naisip ako at natawa ako bigla.

"What now??" Tanong nya.

"I'm thinking about a cactus-like tapeworm. Ang kati siguro nun noh?"

"Ewwwww!" Protesta nya.

Tawanan kami. Halos maluha na kami sa katatawa. (Natatawa pa rin ako ngayon pag naiisip ko yun tapeworm.)


Para na kaming matagal na magkakilala. Posible pala talagang may ma-meet kang tao na in an instant, meron agad kayong chemistry. I'm starting to feel comfortable around her kaya lumalabas ang natural na personality ko. Siguro ganun din siya.


Pagkatapos ng ilang minutong paghahanap, nakarating din kami sa waiting area ng Gate 1. (Para sa kaalaman ng lahat, ang Gate 1 ng Terminal 1 ay nasa ibabang floor. Pagkatapos ng security check, may hagdanan sa left side hindi na aabot sa Duty Free.)


Tahimik kaming naupo pagkapili ng mapupwestuhan. Kulang-kulang isang oras pa bago ang boarding. Busy sya sa pagte-text.

Ako naman, minumuni-muni ang mga naganap sa nakalipas na isa't kalahating oras. Mula sa pagtatagpo naming dalawa sa pilahan hanggang sa discovery na magkasunod ang seat number namin.


Tita nya ang nagbook sa kanya, so posible rin na she knows her seat number all those time na nasa pila kami, but it only mattered to us when we discovered na magkatabi ang upuan namin. Sobrang unbelievable talaga yung coincidence.


But I don't believe in coincidence.


Instead, naniniwala ako na lahat ng bagay na nangyayari sa buhay natin ay "mensahe" mula sa Diyos. Walang coincidence. Kung magiging sensitibo lamang tayo at itu-tune ang ating mga 'espiritwal na antenna' at susubukang "makinig" sa tuwing may mangyayaring kakaiba, magugulat tayo sa lalim at lawak ng mga bagay na gusto Nyang sabihin sa atin.


God speaks in different ways. Even through chance encounters.


I don't believe in coincidence. But I believe in serendipity.


Coincidence could be good or bad. Serendipity is always positive and beneficial.

Coincidence is merely a product of random chance. Serendipity follows a pattern.

It follows a design, it speaks loudly of a glaring and undeniable fact that there is a benevolent and Sovereign God who makes all things work together for good.

In His hands, there's no such thing as accident.

In His hands, everything falls in their proper place.

In His hands, everything is a serendipity.


I believe in the God of serendipity.


Then it dawned on me: this is not coincidence. I am in a Romans 8:28 moment; God is in this very moment and He is sending me a message. Kung ano yun, hindi ko pa alam. But I will find out. And this girl beside me, has no idea that she is a messenger.

Chance EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon