Tee Shirt
It was PE day. Binaon ko ang lumang sneakers at isang cycling shorts kasama ang isang puting shirt. I particularly hate this subject, I remember getting bullied during activities by both genders.
Bakit ba kasi kailangan nito eh Tourism naman ang kinuha kong kurso.
I sighed and continued changing my clothes inside one of the cubicles.
Nag intay kami sa prof at pansamantala na nagstay sa covered court ng school. Maya maya pa ay dumating na rin ang isa pang batch ng mga estudyante at nakiupo rin sa bleachers. Naningkit ang mga mata ko habang sinusuri ang mga dumadating.
Philipp and Cedric saw some of their friends. Nag fist bump at nagtawanan, patuloy sila sa pag uusap at hindi alintana ang bulungan at halos mamatay sa kilig ang ilang mga babaeng estudyante roon.
"Ang gwapo talaga ni Philipp!"
"Si Cedric din, grabe!"
Napailing na lang ako at tumingin sa mga nagtataekwondo sa tabi. I felt a slight nudge on my side, I turned to see kung sino iyon ay nakangiwi na itinuro sa akin ni Glaiza si Philipp na palapit na.
Umusog ako nang tumabi siya sa akin. I was getting weirded looks from some of my classmates, ang iba wala namang pakielam pero mas marami ang parang nandidiri.
"Kamusta ka?" lumakas pa ang bulungan nang dumampi na naman ang likod ng palad niya sa noo ko at ang palad niya naman nasa noo niya rin.
Lumitaw ang dalawang dimples sa pisngi niya nang natanto na siguro ay parehas na kami ng temperatura at wala na nga akong lagnat.
"A-Ayos lang." tumango siya at mukhang panatag na.
"Kuhanin ko pala ang phone number mo. I talked to my dad and he said he wants to plan something about your barangay, maybe road reconstruction or something. Hindi pa ako sigurado." lito ko siyang tinignan.
Huh? Bakit naman ako ang i-cocontact?
Napakurap kurap sya at parang may narealize na kung ano."G-Gusto niya lang muna may makausap sana para maconfirm ang kalagayan ng mga tao roon, but if you don't want to.. Okay lang."
Huh? Edi kung may proyekto at hindi ako naki-cooperate ay baka hindi maayos?
"Ibibigay ko na." sabi ko, kukuha sana ako ng papel pero inabot niya na ang malapad na cellphone. Nang matapos ako ay kinuha niya rin agad ang phone. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ko.
"Ayos." he said before putting it back.
"Phil, tara na." Si Cedric iyon. Malapad ang ngiti ng isa sa mga kasamahan nila sa akin kaya sinuklian ko rin iyon. May lumipad na panyo sa mukha niya kaya mabilis din na nawala ang ngiti.
"Fuck you, Philipp!" utas nito at hinampas ang panyo pabalik. Nagtawanan na sila paalis.
"Ano yun? Kinuha ang number mo?" usisa ni Glaiza sa akin. Simple akong tumango at hindi na siya pinansin.
"Hindi naman kagandahan, dinadaan sa landi." dagdag ng isang kaklase na hindi ko nakakausap noon. Mukhang nakakuha na ng recruit si Shane at Glaiza sa grupo ng mga galit sa akin.
Tama nga ako dahil nang bumili ako ng tubig bago magsimula ang PE subject namin ay pinagbubulungan na ako ng mga dumadaan. Hindi naman pinapahalata pero pansin na pansin dahil sa mga tinginan. Hinayaan ko lang dahil wala naman silang ginagawa para pisikal akong saktan.
Pagbalik ko ay pinalinya na kami at pinagsimula na ng warm up. Natapos iyon at basang basa ako agad ng pawis. I regret wearing white t shirt, bakat na bakat ang kulay pula kong bra dahil sa namumuong pawis.
Hindi ko na lang ininda dahil magpapalit din naman ng uniform pagkatapos.
We took a break after doing some of the dance routines. Umupo ako at nagpunas ng pawis. Itinali ko ang buhok at muling uminom ng tubig.
Halos masamid ako nang makita ko si Philipp muli, bitbit ang isang paper bag at pagalit na inabot iyon sa akin.
"Ano 'yan?" I said, finishing my water before throwing it away.
"Ipatong mo ito sa damit mo."
"Hindi na magpapalit naman ako mamaya."
"Sige na." It was firm but I can sense that he is trying to keep himself calm. He licked his lips before leaning in to whisper something. "Please wear it. My classmates are watching you from our room." Namilog ang mga mata ko sa gulat.
He look pained while eyeing my chest. Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko sa sinabi niya.
Kinuha ko ang paper bag at pinanood niya akong isuot iyon. He smiled like he just claimed victory when he saw me wearing his shirt.
The smell of his perfume mixed with detergent filled my nose.
Hindi na ako makapag focus sa PE pagkatapos niyon. Wala na akong ibang iniisip kundi ang amoy niya.
Kahit nga iyong pang uusisa nila Shane sa akin ay hindi ko na inalintana. Hanggang sa sumunod na klase ay puro ngiti at dimples niya ang laman ng utak ko.
Nagmamadali akong lumabas ng gate para makauwi nang matanawan ko si Philipp sa harap ng kaniyang pick up. It's like he is waiting for someone.
I don't know. Maybe Cedrick and his teammates?
Yumuko ako at mabilis ang lakad, nahihiya pa rin pero naabutan niya ako matapos tawagin at hindi siya lingunin.
"Ibabalik ko na lang pag nalabhan ko na! Nalagyan ko na ng pawis ko kaya baka sa makalawa ko na lang maisaoli!" Pambungad ko dahil baka paborito niya itong t shirt na ito kaya inaantay niya ako para makuha.
"Silly! I do not want the shirt. Pauwi ka na ba? Hindi safe maglakad sa eskinita niyo. Ihahatid na kita pauwi." Aniya at ginigiya ako papasok ng sasakyan.
Mabilis at sunod sunod ang iling ko. Anong pinagsasabi nito? Higit sa aming dalawa siya ang hindi safe roon dahil baka manakawan pa!
"Ligtas 'yon! Hindi mananakit ang mga andon kung hindi ka mag aamok." Pangangatwiran ko. I equalled his gaze. Kahit pakiramdam ko bibigay na ang tuhod ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso.
"Inutusan lang ako ni papa para tumingin ng mga pagawain pa roon kaya hayaan mo na akong ihatid ka."
"Ano pang makikita mo dun eh gabi na? Sa susunod na lang kapag umaga."
"Pupunta rin ako dun kapag umaga, pero ngayon titignan ko muna ang mga poste at baka kailangan ipagawa." I groaned. Walang sense ang pakikipag argue sa kaniya dahil palaging may sagot at katwiran.
Sa huli, nakita ko na lang ang sariling nakaupo sa passenger seat ng kaniyang sasakyan.
YOU ARE READING
Pregnant With Mr. Ignacio's Baby
RomanceFranchesca Ferrer is your typical kolehiyala promdi girl. She has her dreams of her own, hirap sa buhay pero nagsisikap but it all took a turn when she got pregnant with Philip River Ignacio Jr.-the son of their province's governor.