Baka Buntis
I started at myself in the mirror profusely blushing.. Siguro sa pagod at sa haba ng araw na ito ay nagkaroon ako ng kakaunting sinat. Pakiramdam ko naman kapag ipinahinga ko ay kakayanin ko parin pumasok ng trabaho at eskwela bukas.
Kinuha ko ang suklay at ginamit iyon para ayusin ang gulong buhok.
Kitang kita ang pamumula ng ilang bahagi ng mukha hanggang leeg ko.. My deep set eyes are a bit watery because of my fever. Nasa harap na lang din ako ng salamin ay ginamit ko na ang pagkakataon na iyon para masdan ang sarili. Ang matangos at maliit na ilong ay mamula mula kasama ng mga pisngi, I tried touching some of my freckles na akala mo naman ay mabubura ko pa iyon. My heart shaped lips are plumped and a bit pale dry, binasa ko iyon pero wala halos nagbago.
Umalis ako sa harap ng salamin at uminom ng isang basong tubig. Binalatan ko ang maliit na nilagang itlog, inubos ko na rin at hindi na pinatagal. I turned my lights off and went to sleep early para hindi maramdaman ang gutom.
Kinaumagahan ay hindi ako nakapasok sa trabaho sa sama ng pakiramdam, nagpaalam ako sa manager na kalaunan ay pumayag din naman pero ikakaltas sa sahod ang mga oras na hindi ko pinagtrabahuan. Kaunting kamustahan din kay tiya, sinabihan lamang ako na huwag magpapabaya ng kalusugan at mag ingat dahil mag isa lang rin ako dito.
"Baka may boyfriend ka na diyan ha.. Yung priority mo, nak." paalala niya.
Napapikit ako at marahas na hinilot ang sentido, medyo natatawa pa sa sinabi ni tita. I assured her that I don't because of work and school, busy ako para roon at kung mayroon man ay biniro ko pa na siya ang unang makakaalam.
Inidlip ko ang sakit ng ulo. Pagkagising ay medyo umokay naman na ang pakiramdam kahit may kaunting hilo. Pinilit ko ang sarili na maligo para makapasok sa school. Hindi puwedeng wala na ngang trabaho ay wala pa rin na aral sa araw na ito.
I entered the gate and saw the group of boys that tried to bully me, they are doing community service, lahat sila ay iwas na iwas sa paningin ko at lalong pinagbuti ang ginagawa nang makita akong dumaan.
Binilisan ko na rin ang lakad ko at pansamantala na nagpahinga sa bench, sumandal ako sa malamig na semento na pinagdidikitan ng upuan at pumikit.
"What's wrong?" before I knew Philipp was already there. In his jersey shorts and white shirt. Butil butil ang pawis at may hawak pang bola. "You look so pale. May ginawa ba sila sayo?"
Nagmulat ako at nakitang masama ang tingin niya sa mga lalaking halos magtulakan na sa sobrang tindi ng pagbabrush ng sahig.
"W-Wala.. May lagnat lang.. Sa pagod siguro.." napapikit akong muli nang dumaan ang hilo. I reached for my water but then I struggled to open the cap. Inagaw niya iyon at siya na ang nagbukas.
"A-Ano ba." alma ko nang dumapo ang likod ng palad niya sa noo ko. Pakiramdam ko may nadagdag pa sa init na nadarama ko ngayon.
"You're burning! You should've stayed at home!" hindi ko alam kung guni guni ko lang pero iyong mga mata niya.. parang nagpanic.
"Hindi. Kaya ko 'to, iidlip lang. Matagal pa naman bago mag klase." siguro mga kalahating oras pa.
Umalis siya sa harap ko at pagbalik ay may electrolyte drink na bitbit. Kulay blue iyon at orange ang takip.
"Nabawasan ko na pero malinis naman. You should drink para may lakas ka kung gusto mong pumasok sa mga klase." Hindi ko alam kung bakit tinatiyaga niya akong intayin dito. Wala naman na ang mga bullies, at kaya ko naman na ang sarili ko.
Some of his team mates approached us at mukhang tinatawag na siya, sa sobrang sama ng pakiramdam ko ay wala na rin akong lakas para pilitin siyang bumalik sa practice.
I ended up missing one of my classes that afternoon.
Ang huling klase ay magkaklase kami kaya nakapasok na ako pero malayo ang upuan niya.
"Oy, akala ko ba hindi mo kaano ano? Inaalalayan ka pa papasok dito. Share mo naman samin pano mo naakit." usig ni Shane, iyong naka red lips last time.
"Sus, if I were you lalayuan ko na 'yan. Bibilugin lang niyan ang ulo mo at di ka seseryosohin. Headlines sila kahapon ni Faith sa tv!" asik ni Glaiza sa akin, niyugyog pa ang braso ko.
Naalog tuloy ang pakiramdam ko, at kahit nasa gitna pa ng discussion ay dali dali akong tumakbo sa labas at halos yakapin na ang trash bin para sumuka doon.
"Ms. Ferrer!" tawag ng prof pero hindi ko pinakinggan, tuloy tuloy lang ako doon at sumalampak na sa sobrang sama ng pakiramdam.
"Sige na, tapusin mo na 'yan, at umuwi ka na Ms. Ferrer hindi na lang kita iaabsent." sabi ng professor at pinapasok ang mga nakikiusyoso kong kaklase. "Huwag ka nang magstay sa clinic. Umuwi ka na at magpahinga." dagdag pa nito.
May humawi ng buhok ko at inipon lahat iyon sa likod bago ako inabutan ng tissue. I looked up and saw that it is Philipp. I mouthed thank you, and he helped me get up.
"Buntis siguro 'yan." narinig kong bulong bulungan nila Glaiza. Mabilis din naman na tumigil at yumuko bago pumasok sa loob.
"Uuwi na ako." I told Philipp habang inaakay niya ako palabas, medyo nahimasmasan ako sa hilo pagkatapos kong magsuka, nanghihina lang at may kaunting hapo sa paglalakad.
Tumango naman siya pero hindi parin ibinibigay sa akin ang bag ko. When I tried to reach for it, he refused.
"Ako na. Ihahatid na kita ng sasakyan." mabilis akong kumalas sa hawak niya, at sa gulat parang nakalimutan ko pa na may sakit nga ako.
"Hindi na!" sabay agaw ko ulit nang bag, dumaan saglit ang hilo at halos matumba pa ako sa kalikutan.
Dumaan ang galit sa mga mata niya pero mabilis din naman na nawala. "Tignan mo.. Ayaw mo kasing makinig sa akin. Tsk!" hindi ko alam ang gagawin, kung aangal ba muli o sasama na lang.
Sa huli ay nagpatianod ako at naisakay niya aki sa front seat ng sasakyan. Siya rin ang nagsuot ng seatbelt at tinanong ang address ko.
Binaba niya ang binatana at pinatay ang aircon bago kami umalis ng school sakay ng kaniyang pick up.
YOU ARE READING
Pregnant With Mr. Ignacio's Baby
RomansFranchesca Ferrer is your typical kolehiyala promdi girl. She has her dreams of her own, hirap sa buhay pero nagsisikap but it all took a turn when she got pregnant with Philip River Ignacio Jr.-the son of their province's governor.