Poste
"What do you want to eat?" He maneuvered the car into a fast food's drive thru. "Gusto ko sana na sa restaurant but I didn't reserved in advance." Kasunod na kami sa order pero hindi ko parin siya masagot.
I was already getting annoyed. Kunot ang noo at iritable akong bumaling sa kaniya. "Wala akong pera pambayad niyan. Bilisan na natin kung titingin ka pa ng mga poste dahil madilim na."
"Ako ang magbabayad. Nevermind, I'll order you some chicken." May sinabi siya sa speaker at dumiretso kami sa susunod na window. Wala akong nagawa when he paid for our order dahil wala din naman akong ibabayad doon.
"Sa susunod hindi na kita papayagan na ihatid ako." Sabay tingin ko sa labas ng bintana. Nakapark kami at inaantay ang aming order.
"Bakit? I just want to be friends with you. Isipin mo na lang na kaya Kita inilibre kasi last time na may sakit ka wala man lang akong maioffer." Hindi na ako kumibo. Dumating ang order namin at ayaw ko man ipahalata na nagugutom na ay tumunog ang sikmura ko nang maamoy ko iyon.
Napapikit ako nang marinig ko na naman ang kaniyang pagtawa.
"Do you want to eat now? But we can also eat on your apartment." Umiling ako at lumunok.
"Sa apartment na lang." Ayokong magkalat sa kotse niya.
Nandon ulit si Vincent sa may hagdanan at nagbabantay.
"Napapadalas ka na ginagabi ha, Chesca." Narinig kong umismid si Philipp sa likod ko at bumubulong ng kung anu ano.
"Bumili lang sa fast food. Pasensya na alam ko ikaw ang napupuyat sa pagsasara ng gate." Lumambot ang mata ni Vincent nang sabihin ko iyon.
"Ang matinong lalaki ay hindi ka hahayaan na gabihin. Hindi rin nag iistay ng matagal sa kwarto ng babae lalo na kung kayong dalawa lang." Tumango tango na lang ako at tumuloy na sa pag akyat.
May katwiran naman si Vincent pero hindi naman iba si Philipp. Kaklase ko siya at nandito siya para mag check ng mga poste at hindi naman para mag stay ng matagal.
Uminit ang pisngi ko nang may naisip na kababalaghan. Wala kaming ibang gagawin. Kakain lang at aalis na rin siya!
Inilabas ko ang mga plato at kubyertos sa maliit na lamesa habang inilalabas niya sa plastic ang mga karton ng fast food.
He ordered chicken for the two of us. May kasama pang family platter ng spaghetti.
Nagsimula na kaming kumain. He would be looking at me from time to time bago bumalik sa pagkain. Ang isang 'to! Nakakapikon.
"Anong problema?"
"Wala naman." Nakakaloko siyang ngumisi at tuloy lang sa pagkain.
"Bilisan natin kumain para kung mag titingin ka pa ng mga poste." Sumubo ako ng chicken at kanin, it's been so long since I last had a meal this good.
Naalala ko kapag nasa probinsya, magluluto ng dinengdeng si Tiya tapos magkasalo kaming kumakain. Hindi ko alam kung masarap ba talaga ang fast food, o dahil ngayon lang ako ulit nagkaroon ng kasabay kumain..
He licked his thumb after taking a bite on his chicken. His lips were thin and and red, a bit glossy because of the oil.
Tumuloy ako sa pagkain at muling nagbukas ng bagong usapan. "Ang tagal ko na mula nang may nakasabay kumain." He stopped midway but then tumuloy din sa pagkutsara at pagsubo ng kanin.
"Siguro sa bahay niyo palagi kayong magkakasabay kumain, no?" Patuloy kong pag iba ng usapan. Medyo nasaktan ako sa mga nasabi, sa pagkakaalam ko malaki ang pamilya nila at wala akong ibang naiimagine kundi ang sabay sabay silang kumakain, nagtatawanan kasama si Governor at ang kaniyang mama.
"Oo, minsan kahit mga kasambahay kasabay namin kumain." Lalong bumagsak ang mood ko. Iniisip kung kamusta na kaya si Tiya, she's old and alone...
"But it wasn't always peaceful, may mga bata akong kapatid minsan maingay at makalat sa hapag." Mahina siyang tumawa pagkatapos niyon.
In my imagination, I even saw Faith Ocampo sitting on their dining table, katabi niya at nakikitawa.
"Hindi na ako titingin ng mga poste. Gabi na." I glanced at my old wall clock.
Tumango ako dahil alas nuwebe na ng gabi. A part of me thinks that maybe, the lamp posts aren't really what he went for, but that's too funny and it sounds like a joke.
"Huwag mo na akong ihatid sa gate. Kaya ko na iyon."
"Nga pala, iyong jacket." He eyed the paper bag on my bed.
"Save it for the next time I come here."
"Eh? Magkikita naman tayo sa school." I was thinking of how I can repay him. Inasikaso niya ako nang magkasakit, he lend me his shirt, and he even bought dinner for us.
"Sasahod na ako sa Friday. Baka gusto mo na dito ka ulit maghapunan." Hindi ko namalayan na nasabi ko na iyon. Nakakahiya pero iyon lang Ang maiooffer ko dahil hindi ko naman kakayanin na pakainin siya sa restaurant na gusto niya.
"Hindi kasing sarap ng sa mga restaurant pero marunong akong magluto." Nakatitig lang siya sa akin. I was already so nervous and I don't know why.
He's making me feel a lot of things. Parang pinupukaw niya ang mga damdamin na hindi ko alam na mayroon ako. Isang buwan ko pa lamang siyang nakikilala, and I didn't know that one person can make me feel both sad, angry, and peaceful all at once.
Tumango siya at binuksan na ang pinto. "I'll phone you when I get home."
Mabilis kong isinara ang pinto nang makitang nakababa na siya ng hagdan. Nanghihina akong umupo sa higaan. I reached out for his shirt. Wala sa sariling kong inamoy iyon.
I felt heat rushing to my stomach down to my in between. Sa sobrang takot at naihagis ko sa sahig ang damit.
Maya maya pa ay pinulot din. Nilagay ko sa batya at pinatuluan ng tubig. Inubos ko ang isang sachet ng powder detergent in hopes that it can remove all of his scent away.
Halos buong gabi akong hindi makatulog. Mag aalas diyes nang nag text siya na nakauwi na.
![](https://img.wattpad.com/cover/335625925-288-k123327.jpg)
YOU ARE READING
Pregnant With Mr. Ignacio's Baby
Roman d'amourFranchesca Ferrer is your typical kolehiyala promdi girl. She has her dreams of her own, hirap sa buhay pero nagsisikap but it all took a turn when she got pregnant with Philip River Ignacio Jr.-the son of their province's governor.