Kabanata 3

7 0 0
                                    

Boyfriend

"Hanggang dito na lang. Hindi ka na makakapasok sa loob." awang ang labi niya nang patigilin ko siya sa tapat ng kanto ng barangay namin. Doon pa lang kitang kita na ang agwat ng estado ng buhay naming dalawa.

Napayuko ako nang nagtagal ang titig niya sa mga dikit dikit na bahay at maputik na daanan papasok.

"Malayo ka pa ba?" umiling ako, hindi na halos makatingin sa kahihiyan.

"Malapit na lang. Lulusot lang sa eskinita." tumango siya, he pulled something on his car bago binunot ng susi para patayin ang makina at parang naghahanda na lumabas.

"Huwag na. Kaya ko naman na lakarin." sabi ko habang inaayos ang bag at palabas na rin.

"Sasamahan na kita." hindi na ako pumalag. I was too tired to even do that, at isa pa kung naihatid niya na ako hanggang dito malamang ay wala na rin makakapigil pa sa kaniya na dalhin ako sa loob. I was right, he even opened the door for me and took my things para siya na ang magbitbit

Tahimik kaming naglalakad, buti na lang at medyo madilim na kung maaga aga pa siguro ng kaunti ay baka pinagkaguluhan siya. Inaalala ko lang ang kotse niya na nakapark sa labas, pero siguro naman ayos lang iyon doon.

Palapit na ako sa paupahan nang nakita si Vincent na nakaupo sa hagdanan papasok at tila ba may inaantay.

Napatayo siya nang makita ako. He held my arms as he tried to survey me from head to toe.

"Sabi ni mama kanina maputla ka raw. Nakita ka niyang papasok." he said, bago dumapo ang mga mata sa kung sino ang nasa likod ko.

"Ah hindi, may kaunting lagnat pero ayos na." his eyes bore behind me like he's seen a ghost, at nang makabawi ay binitawan ang kamay ko at nag iwas ng tingin.

"Vincent, si Philipp pala kaklase ko." lahad ko, Philipp and Vincent were both quiet, ewan ko pero parang may tension sa kanilang dalawa. Iwinaksi ko ang kaisipan na iyon at inalala na dapat magpaalam na ako ky Philipp para di na siya gabihin sa daan.

"Sige na, aakyat na ako sa loob." paalam ko kasi nakatayo lang siya roon at parang sinisilip pa ang taas ng hagdanan.

"Aakyat na rin ako." sabi niya. Tumango na lang ako at nagpaalam kay Vincent na nakatayo parin doon.

Pagdating namin sa pinto binuksan ko ang bulsa ng bag na hawak niya para iunlock ang doorknob.

"Kung gusto mo.. Pumasok ka na.. Magiinit ako ng pang kape." paanyaya ko. Wala siyang response but it looks like he's been scanning everything so hard. Siguro kung laser ang mga mata niya ay baka lusaw na lusaw na ang lumang kahoy ng puro vandal kong pintuan.

Iginiya ko siya sa monoblock sa isang tabi at lumapit naman ako sa electric kettle at naglabas ng dalawang tasa.

"Is this where you and your family live?" tinitigan niya ang kawayan na papag.

Maliit lang ang kwarto ko, sapat lang para sa akin. May maliit na lamesa para kainan, may banyo para maligo at siyempre tulugan na agad.

His eyes drifted to my room's old ceiling, maitim at may mga bakas ng nastock na tubig na natuyo na lang.

"Hindi, wala na akong pamilya. Ang tiya ko, nasa probinsya.. Nagtatrabaho ako rito para makapag aral." tumango siya at nananatiling tulala. Hindi ko alam kung ano ang iniisip but the whole time that he was like that is so awkward. I feel so small and insecure. He looks so out of place, siya lang ang naiiba at kahit kailangan hindi niya kayang makihalo sa lugar na ito. Once again, I was reminded of how big our gap is, all the more that we shouldn't be friends. Kung hindi, people like Shane and Glaiza will think like I'm some gold digger trying to leech him money by selling my body..

Tinanggap niya ang kape, umupo ako sa dulo ng papag. Lumipat sa akin ang tingin niya. I smiled weakly bago humigop ng kape.

"I didn't know... I'm sorry.. I'll tell my father that there are still places like this." iyon pala ang kanina niya pa iniisip.

"Eto lang ang meron ako ha. Nagtitipid ako kaya wala akong ibang maooffer na hapunan." Kinuha ko ang ilang tinapay sa lata sa ilalim ng kama pero umiling siya.

"I'll order some food for us." Ano? Ibig sabihin may plano pa siyang magtagal dito? Baka gabihin na siya.

"H-Huwag na. Gagabihin ka na! Tsaka hindi ko rin makakain yan kasi baka isuka ko lang ulit. Okay na ako sa kape at tinapay." ngumuso siya at kumunot ang noo. Pakiramdam ko sa dami ng itinanggi ko sa kaniya, siya na ang nahihiya na pilitin ako sa mga inooffer.

"Sino yung lalaki kanina? Boyfriend mo?" parang nahihiya niya pa na tanong, hindi makatingin sa akin at lumilinga linga kung saan. Kalmado pero nahimigan ko ang kaunting inis sa tono.

"Ah! Si Vincent! Naku, hindi. Close lang kami kasi siya ang anak ng may ari. Mabait yon." Awkward akong tumawa at pilit na inuubos na ang kape.

Tumango siya at nang nakabawi ay medyo natawa.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin siya sa akin na aalis na. I offered to take him to his car but he said that it will ruin his purpose of bringing me here kung ihahatid ko lang din siya.

"I hope that we can be friends, Chesca. Wala akong ibang masamang intensyon." nakangiti akong tumango. For a while, parang napatitig pa siya sa mga mata ko bago bumaba ang tingin sa aking labi tapos ay lumunok at nagpaalam na muli.

Pag alis niya ay akmang babalik na ako nang makita si Vincent na nandoon pa rin sa gilid ng hagdan.

"Sino yun, Chesca? Boyfriend mo?" nahihiya niyang tanong. Ipinasok ang mga kamay sa shorts.

"Ah hindi! Kaklase ko lang si Philipp."

"Kilala ko yun, anak yun nung tumatakbong politiko diba? Maraming babae yun, kung kani kanino nalilink." paliwanag niya. Ngumuso ako at tumango.



Maraming babae?

Bukod pa kay Faith Ocampo?

"Sige na, pumasok ka na sa loob. Magpahinga ka na ilalock ko lng itong gate ng apartment." ani niya bago ako tuluyan na umalis at pumanhik.

Pregnant With Mr. Ignacio's BabyWhere stories live. Discover now