Twins In Love - Prologue

242 26 6
                                    

Twins In Love by Mae

**********

"Sinasagot na kita, Daniel." Sabi ko sa gwapong nilalang na kaharap ko ngayon.

"Talaga? Sinasagot mo na 'ko? Grabe, ang saya ko." Sa kasiyahan siguro kaya niya ako binuhat at pinaikot-ikot pa. Mapapansin ko na parang nag-iba ang hitsura niya. Pero ayos lang, ang mahalaga ay nasagot ko na siya at siya ang magiging first boyfriend ko.

"Naku, Kathlyn, hindi mo alam kung gaano mo 'ko pinasaya ngayon." Sabi pa niya nang ibaba ako mula sa pagkakabuhat. Pero teka... Kathlyn? O nagkamali lang ako ng rinig? Baka nga nagkamali lang, ako kaya si Kathryn.

"Masaya rin ako na naging masaya ka. I love you, Daniel." Matamis na sabi ko sa kanya.

"I love you too, Kathlyn." Niyakap niya ako. Pero.. Malinaw naman ang pagkakarinig ko. Kathlyn? Hindi ako si Kathlyn, kambal ko 'yun. Kaya naisipan kong tanungin siya.

"Daniel?"

"Hmmm?"

"Sinong Kathlyn?"

"Ha? Nagpapatawa ka ba, Kath? Ikaw. Ikaw si Kathlyn. Nakalimutan mo na?"

Ano? Teka.. Naguguluhan na 'ko.

"Kathryn! You're there lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Si Kathlyn. Siya ba ang tinutukoy ni Daniel? "Kath! Oh, magkakilala pala kayo ni Danier?"

"Ha? Danier? Daniel ang pangalan niya."

"Wait.. Bakit magkamukha kayo? Saka kilala niyo ang kambal ko? Ano ba 'to? Nalilito na 'ko." Hala. Parehas na kaming naguguluhan dito.

"Bro! Nandito ka lang pala. Hinahanap na tayo ni Manager." Pumasok naman sa eksena ang lalaking.. Teka. Kamukha siya ni Daniel. Baka siya 'yung Danier na sinasabi ni Kathlyn. 'Yung Danier na kinababaliwan ng kambal ko. "Woah! Nandito ka rin pala, Kathlyn. Siya ba 'yung kinukwento mong kambal?"

"Ikaw pala 'yan, Danier. Siya pala 'yung kambal mo, hi Daniel." Bati naman ni Kathlyn kay Daniel. "Oo, siya 'yung kambal ko." Nakangiting sagot niya kay Danier. Sa pagkakaalam ko ay nagliligawan ang dalawang 'to.

Si Daniel naman, halatang naguguluhan pa rin, katulad ko.

Ano ba kasi 'to?

It's as if somebody was playing a prank on us.

And we just don't know what's really happening and what will happen next.

But one thing is for sure.

We are the..

 

TWINS IN LOVE.

But whom is to whom?

*********

Twins In Love (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon