TIL Chapter 6 - Chaos and Concern

41 12 0
                                    

Chapter 6 *Chaos and Concern*

  
Kathryn Chantria's POV

**********

One word para sa mood ko ngayon.

Badtrip.

Yeah, nakakabadtrip si Chandria. Bakit ba naging gano'n 'yung ugali ng babaeng 'yun? Ang dami niyang alam, mabuti na lang talaga at pinagalitan siya ni Mama. Dapat lang sa kanya 'yun.

"HELLO!? Earth to Kath, Kath to earth?"

Asdfghjkl. Nakakagulat naman 'yung nagsalita. Nilingon ko siya. Si Jane pala.

"Huwag ka namang basta-basta nanggugulat, Jane. Kita mong may iniisip 'yung tao eh." Sabi ko sa kanya. Totoo naman, nakakagulat 'tong babaeng 'to.

"Sorry na po, Madam. Pero seryoso na, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Jane. "Mukha ka kang tambay d'yan."

"Tambay? Hinihintay ko kaya si Ms. Tinalata na buksan na 'yung library. May hihiramin kasi akong libro."

Ang tagal naman kasi ni Ms. Tinalata na dumating. Kanina pa ako nandito sa tapat ng library. Buti na lang at may bench na mauupuan dito.

"I see. Pero magta-time na. Hindi ka pa ba papasok?" Tanong ni Jane. "Tara na kaya?"

"Magta-time na?" Tiningnan ko ang relo ko, oo nga. "Hala. Sige, tara na nga. Mamaya ko na lang hihiramin 'yung libro."

Nang makarating kami sa klase, wala pa ang teacher. Pumunta ako sa upuan ko at nadaanan ko si Chandria na inirapan ako. Naku, ang babaeng 'to talaga. Ang malas ko lang dahil magkatabi pa kami. Parehong Padilla kasi. Hay.

Nagbabasa lang ako ng librong P.S. I Still Love You, sequel ng To All The Boys I've Loved Before, na sinulat ni Jenny Han, isa sa mga paborito kong author. Buti na lang at dala ko ang librong 'to kundi badtrip overload na 'ko sa katabi ko dito.

Nagbabasa lang ako hanggang sa dumating ang adviser namin for the first period. Buti na lang at magkaklase na.

Normal classes lang naman. Nagkaroon ng surprise quiz sa English, naka-perfect ako. Samantala 'yung katabi ko, kinalahati. Nag-recitation naman sa Social Studies, nakasagot ako, may stocked knowledge naman ako kahit di ako nakapagreview kahapon. Pero 'yung katabi ko? Nganga. Wala naman yatang nai-stock na knowledge 'yung babaeng 'yun eh. Well, hindi ko naman na problema 'yun.

After that two subjects, recess na. Twenty minutes recess, and another hour vacant dahil walang kaming Science ngayon. Mahaba-habang leisure time.

"Hey Kath. How are you? Good thing nahanap ka na yesterday. Are you okay na ba?" Tanong sa 'kin ni Janella nang lumapit siya sa upuan namin ng katabi ko. Nag-aayos mg gamit ngayon 'tong katabi ko.

"Okay na 'ko, Janella. Thanks sa concern." Sabi ko naman.

"Yeah, no problem. We're best of friends afterall. Mas best ko nga lang si Chandria than you. Sabi niya sabay tawa. Well, si Chandria naman talaga ang mas close niya, mas close ko naman ang Ate niyang si Jane. "Did you know yesterday? Chandria's so worried about you. If you only saw her face, it was like nawalan siya ng pera in the midst of shopping. Priceless 'yung face niya, obvious na obvious ang conce--"

"Enough with that." Putol ni Chandria kay Janella. "Let's go to the canteen na, I'm starving." Sabi niya then she walked out.

"Badtrip, isn't she?" Sabi ni Janella then sinundan niya na si Chandria.

Nang mapansing hindi ako sumusunod, lumingon si Janella and said, "Aren't you coming?" I shook my head, signaling her na samahan na si Chandria.

Ako at si Jane lang ang nandito sa room. Nag-recess kasi lahat, si Jane naman, mukhang may ginagawa. So tinanong ko siya kung ano 'yun.

Twins In Love (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon