TIL Chapter 2 - Daniel and Danier

106 23 3
                                    

Chapter 2 *Daniel and Danier*


Daniel Jay's POV

**********

Tandaan mo na lang ang sasabihin ko sa 'yo
Ang pag-ibig kong ito'y di magbabago
Kahit malayo ka sa piling ko
Umulan, bumagyo, ayos lang
Kamusta ka, mahal ko, okay ba?
Sana'y di pa rin nagbabago..

"Okay, mga pre. Pahinga muna tayo." Sabi ni Lester pagkatapos kumanta ni JC at Danier, mga kapatid ko. At bumaba ng mini stage kung saan kami nagpa-praktis.

Nagsunuran naman kaming lima sa kanya. Nakakapagod din palang mag-praktis. Para saan? Para sa Battle of the Bands bukas sa eskwela namin. Ewan ko ba sa mga 'to, kung tutuusin hindi na dapat kami mag-praktis, sigurado namang mananalo kami. Aba, sikat kaya kami.

"So ready na ba tayo bukas?" Tanong ni Danier, ang kambal ko, na siyang may pakana ng pagsali namin sa Battle of the Bands na 'yan.

"Alam mo, pre? Handang-handa naman kami. Kahit nga di na siguro tayo magpraktis, sigurado namang mananalo tayo." Mayabang na sagot ni Seth. Totoo naman eh.

"Huwag tayong pakasiguro, baka mamaya biglang tumiklop 'yang si Danier kapag nakitang nanonood 'yung girlfriend niyang si Liza." Sabay tawang sabi ni Kats. Nagtawanan din kami.

May punto si Kats. Pagdating kasi kay Liza, parang nangangatog na 'tong kambal ko. Ang corny nga eh. Samantalang dati, marami siyang chicks. Iba raw kasi si Liza kaya ganu'n. Hay. Umiibig na nga talaga ng totoo 'tong kambal ko.

"Grabe naman kayo kay Kuya. Siguradong gagalingan niya. Syempre ginagawa niya 'to para sa Lizababes niya." Si JC naman ang nagsalita.

"Masyado mo namang pinagtatanggol Kuya mo JC. Oo, alam naman naming under 'yan kay Liza eh. Napasabak tuloy tayo ngayon." Sabi ni Lester.

"Hayaan niyo na nga. Gawin na lang natin 'to para sa kambal ko. Nakapag-praktis na tayo, kaya wala ng atrasan 'to." Ako naman ang nagsalita. Totoo naman, ayaw man naming sumali dito, no choice na dahil nga kay Danier. Syempre bukod sa tropa ko siya, kambal ko rin siya.

"Naks, sweet naman ni Daniel." Asar sa 'kin ni Seth at nagtawanan ang tropa.

Lumapit naman sa 'kin si Danier at dinambahan ako bigla at niyakap. "Bro, sweet mo talaga. Kaya mahal na mahal kita eh." Pagkasabi niya nu'n ay bigla niya akong pinaghahalikan. Yuck, kadiri naman 'tong kambal kong 'to.

"Oo na. Lumayas ka na! Kadiri ka talaga, bro!" Tinigilan niya na ako at umalis sa harap ko.

"Yun oh! Ang sweet ng kambal. Daniel, si Danier lang ba may kiss? Paano naman kami?" Sabi ni Kats na ngumingisi pa.

Hala! Alam ko na susunod na gagawin ng mga 'to. Kaya bago pa nila magawa ay tumakbo na 'ko palabas ng pinagpa-praktisan namin.

"Habulin si Kuya Daniel!" Sigaw ni JC.

"Habulin!" Narinig kong sigaw din ng iba pa.

Kahit anong takbo ko ay naabutan pa rin nila ako. Nasa sala kami nang abutan nila ako at doon nila ako ni-rape. Oo, rape. Dahil panay ang kiss nila sa 'kin at hila sa damit ko kaya panigurado sira na 'to. Yuck, kadiri talaga 'tong mga 'to. Ako na naman ang napagdiskitahan.

"Kadiri kayo! Yari kayo sa 'kin pagkatapos!" Sigaw ko habang sinasamantala pa rin nila ako. Yuck!

"Boys! Anong ginagawa niyo?"

Sabay-sabay kaming napatingin sa nagsalita, si Mama.

"Nilalambing lang namin si Daniel, Ma." Sagot ni Danier at pagkatapos ay humarap sa 'kin. "Di ba, Daniel?"

Twins In Love (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon