TIL Chapter 1 - Kathryn and Chandria

183 24 5
                                    

Chapter 1 *Kathryn and Chandria*


Kathryn Chantria's POV

**********

She been my queen
Since we we're sixteen
We want the same things
We dream the same dreams
Alright, alright

Hay. Ano ba naman si Chandria? Bakit kaya hindi niya sagutin 'yung phone niya pagka-ring pa lang? Pinapatagal pa. Sigurado nag-iinstagram lang naman siya sa laptop. Nakakaasar kaya pakinggan 'yung kanta. Lalo pa't nagbabasa ako ngayon.

I got it all 'coz she is the one
Her mom calls me 'love'
Her dad calls me 'son'
Alright, alright

Wala talaga siyang balak sagutin 'yung tawag? Kahit kailan talaga 'tong kambal ko, panira ng pagbabasa ko.

"Hoy Chandria! Wala ka bang balak sagutin 'yang tumatawag sa cellphone mo? Kung ayaw mo namang sagutin, pwede mo namang i-reject. Nakakaasar pakinggan 'yang ringtone mong 1D. Istorbo sa pagbabasa ko!" Naiinis kong sabi sa kanya.

"Whatever you say!"

Aba! Talagang ginagalit ako ng kambal kong 'to ah.

Tumayo ako at kinuha sa kama niya ang phone niya. Pinatay ko ang tawag, pinatay ko rin ang phone niya. Saka ko kinalas ang battery, sim card, at memory card. Siguradong hindi na 'to tutunog.

"Hey, Kathryn! Anong ginagawa mo sa phone ko? Akin na nga 'yan!" Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa mini sofa namin dito sa kwarto, at kinuha ang phone niya sa 'kin. "What's your trip na naman ba? Ang sungit mo!"

Ako pa ngayon. Hay. Kung pinakinggan niya lang ako, edi sana hindi ko na tinanggal 'yung parts ng phone niya.

"Hindi ako masungit, Chandria. Alam mo 'yan. Ayaw ko lang na naiistorbo ang pagbabasa ko. Nandito na ako eh. Nalaman na ni Lara Jean na may nangyari pala sa ate niya at kay Josh. Tapos tutunog 'yang phone mong 1D 'yung ringtone. Psh."

After kong sabihin 'yun, bumalik ulit ako sa pagbabasa. Narinig ko pang sabi niya, "Whatever! Forever fictionzoned ka lang naman! Hmp!" Psh. Kung hindi ko lang talaga siya kambal, malamang nasapak ko na 'to left and right, up and down eh.

Well, magbabasa na nga lang ulit ako.

You're the light
You're night
You're the color of my blood

"See. You turned off my phone then sa 'yo pala 'yung tutunog!"

Ano ba 'yan? Sino ba 'yung tumatawag sa 'kin? Kinuha ko ang phone ko para makita kung sino.

Jane Oineza calling..

Si Jane pala. Ano naman kaya kailangan ng babaeng 'to?

"Hello, Kath!"

"Hi Jane. Oh, anong kailangan mo?"

"Wait.. Parang inis ka ata. Anyare?"

"Inis nga. Inistorbo mo kasi pagbabasa ko."

"Oh, I see. Nagkakaganyan ka pala kapag naiistorbo pagiging bookworm mo."

Yeah. Tama siya. Hindi naman ako magiging inis kung hindi maiistorbo ang pagbabasa ko.

"So, nandyan ba si Chandria? Pakausap naman."

"Oo. Dapat sa kanya ka na lang tumawag."

"Tumawag ako. Kaya lang ni-reject. Tapos nung tinawagan ko ulit, di ko na ma-contact."

Ayy. Baka siya 'yung tumatawag kay Chandria kanina. Di ko kasi nakita 'yung pangalan kung sino. Bakit naman kaya di sinasagot ni Chandria?

"Sige, wait lang." Sagot ko sa kabilang linya.

Twins In Love (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon