TIL Chapter 7 - Hoping and Fixing

39 12 1
                                    

Chapter 7 *Hoping and Fixing*
 

 
Danier John's POV

***********

Nandito ako sa kwarto ngayon. Nakatitig sa cellphone. Hinihintay ang reply ni Liza. Pero wala. Wala..

"Hoy!"

"Ay, puchang kalabaw!"

Asdfghjkl! Walang hiya 'tong kambal ko. Bigla-bigla na lang manggugulat.

"Bro, ang priceless ng mukha mo kung nakita mo lang!" Sabi ng gag*ng 'to habang tumatawa ng malakas.

"G*go ka, Daniel ah! Sa 'yo ko kaya gawin 'yon. Kita mong nananahimik dito 'yong tao pagti-tripan mo." Badtrip 'to.

"Sorry na! Ganyan din naman kayo ng tropa sa 'kin. Kaya quits lang." Sabi niya habang tumatawa pa rin. Tinitigan ko lang siya. Hanggang sa nagsawa na yata o natakot sa titig ko, kaya tumigil na. "Okay, sorry na. Ang tahimik mo kasi, di ako sanay."

"O sya, may kailangan ka ba?"

"Ako wala, si Mama meron."

"Ano 'yon?"

"Ikaw. Pinapatawag ka niya. May pag-uusapan daw kayo. Nasa dining room siya."

"Eh bakit daw?"

"Aba malay ko. Ako ba si Mama?"

Ang tino ng sagot ng kambal kong 'to. Sasapakin ko sana kung hindi lang dumeretso sa banyo eh.

Pero bakit kaya ako pinapatawag ni Mama? Makababa na nga sa dining room.

Pagkapunta ako, umupo agad ako sa tabi ni Mama saka tanong kung bakit niya ako tinawag.

"Nagsabi kasi sa 'kin si Daniel, parang may mabigat na problema ka raw. Ano 'yon? Share mo na sa 'kin 'yan, anak." Concern na sabi ni Mama. Si Daniel talaga, may pagkasumbongero.

"Ganito kasi 'yan, Ma..."

At kinwento ko nga sa kanya 'yung mga pangyayari, mula do'n sa wrong send ko kay Kathlyn hanggang sa pag-aaway namin ni Liza. Pati na rin 'yung nakatext ko 'yung nanay ni Kath. Oo, nakatext ko. Hindi ko naman alam na siya pala 'yung may hawak ng phone ni Kath. Kaya ayun, kung anu-anong pinagsasasabi sa 'kin.

"Problema nga 'yan, 'nak." Sabi ni Mama habang umiiling-iling pa.

"Oo nga, Ma. Ayaw na nga akong pansinin ni Liza dahil nag-text daw ako sa ibang babae, tapos dadagdag pa 'tong nanay ni Kathlyn na ayaw maniwala na na-wrong send lang ako sa anak niya." Bumuntong-hininga ako. "Ano na bang dapat kong gawin, Ma?"

"Siguro basta 'wag ka lang mapagod na ipaliwanag sa kanila kung ano ba talaga 'yung totoo. Lalo na kay Liza, kasi kung talagang mahal ka niya, mararamdaman niya na nagsasabi ka talaga ng totoo. Sabi nga, 'Katotohanan ang mananaig.'"

Wow. Words of wisdom.

"Woah! Grabe, Ma. Ang lalim ng last part na sinabi mo ah. Pero sana nga, maayos na 'to. Wala naman talaga akong ginagawang masama eh."

"Maaayos 'yan 'nak, tiwala lang. Ikaw pa ba?"

"Sabagay. Ako pa ba? Psh."

"O sya sige. Umakyat ka na sa kwarto mo, 'wag kang masyadong problemado." Pinalo-palo niya ang ulo ko sabay pisil ng pisngi ko. "Tingnan mo, pumapangit ka na."

"Ma! Sabihin mo na lahat 'wag lang 'yan. Alam mo namang gwapo ang anak mong 'to eh."

Napatawa na lang si Mama sa sinabi ko. "Oo na lang, anak. Basta ayusin mo 'yan ha? Stay gwapo lang at umakyat ka na sa kwarto mo."

Twins In Love (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon