Prologue

323 12 54
                                    

Lakad...

Takbo...

Talon...

Kapit...

Tantyado ang bawat galaw habang inaakyat ang pader ng isang mansyon. Blending into the night, moving smooth like a black cat. Trying not to make the slightest sound.

"Shit!" Napamura s'ya ng makitang maraming gwardiya sa paligid.

"Okay lang sana ang mga gwardiya. Pero 'yong mga aso." Sambit n'ya sa sarili.

Yes. She is an assassin. Pero tao lang ang pinapatay n'ya. Masasamang tao lang actually. Hindi s'ya pumapatay ng inosente at lalong hindi s'ya nananakit ng hayop.

"Red, do you hear me?" Tanong ng kasama n'yang nasa loob ng van at minomonitor ang loob at labas ng mansyon sa pamamagitan ng paghack ng cctv's dito.

"Yes! Loud and clear." Sagot n'ya sa microphone ng headset habang dahan-dahang gumagapang sa taas ng pader ng mansyon.

"Retreat. No clear passage."

"No! I can't do that! This is suppose to be my last mission. I need to do this."

"You will, but not today. We'll make another strategy. We should go home for now."

"Fuck!"

"We need to get out of here before someone sees us. Nakatunog yata sila kaya mas dumami ang gwardiya."

Huminga s'ya ng malalim at pilit na naghanap ng makakapitan pababa sa mataas na pader na kung ilang minuto rin n'yang inakyat para makarating sa taas.

"Red, someone's coming. Sa dako mo mismo papunta. Look for a place to hide." Nagpapanic na ang kasama nito sa linya.

"Relax! Mauna ka na. Susunod ako."

"But..."

"Sundin mo nalang ako, Violet. Ako na ang bahala sa sarili ko. Kita nalang tayo bukas. Or maybe i'll call you tonight when I get home."

"Okay. Ingat."

Lumambitin s'ya sa punong-kahoy na kanugnog lang ng pader. Pilit ikinukubli ang sarili habang dahan-dahang bumababa sapagkat malapit sa gate ng mansyon ang mismong puno. Wala lang s'yang choice ngayon since ito ang pinakamadaling way.

Lakad...

Takbo...

Tago...

Lakad...

Takbo...

Talon...

Gapang...

Mabilis n'yang narating ang talahibang pinagtaguan n'ya sa sasakyan.

Kaagad n'yang pinaandar ang sasakyan at pinasibad pabalik sa mainroad.

"Kung bakit ba kasi magtatayo lang ng mansyon sa gitna pa ng kagubatan." Reklamo n'ya habang aalog-alog ang sasakyan dahil sa rough road.

Pew!

Blag!

Bogs!

"Fuck!" Sigaw n'ya ng mula sa kung saan ay umulan na lang bigla ng bala.

Pumailanlang sa tahimik na paligid ang putok ng hindi n'ya malaman kung ilang baril, ang sigurado lang s'ya ay lahat ng bala na pinapakawalan ng mga ito ay papunta sa dako n'ya.

Yuko...

Angat ng ulo ng konti...

Ganti ng putok...

Yuko...

Patuloy lang na nagmamaneho sa madilim na daan si Red habang hinahabol ng dalawang sasakyan na puro armadong lalaki ang laman.

"Damn it!"

Basag na ang lahat ng salamin ng kotse n'ya at wala s'yang magawa kundi bilisan ang pagpapatakbo habang iniilagan ang mga balang tumatama sa sasakyang kinalululanan n'ya.

"No! No!" Sigaw n'ya ng makitang may papasalubong pang sasakyan sa dako n'ya at ang gilid ng daan ay matarik na bangin na.

Paggapang na kinuha n'ya ang dalang bag sa likuran ng kotse at ipinatong ito sa gasolinador ng sasakyan upang patuloy lang sa pag-andar ang kotse.

Hawak ang nag-iisang granadang dala n'ya, binuksan n'ya ang driver's side ng kotse n'ya saka ibinato sa likuran ang granadang tinanggalan n'ya ng safety pin kasabay ng pagtalon n'ya sa bangin.

Malakas na pagsabog ng granada...

Pagsabog at pagtaob ng mga sasakyang sumusunod sa kanya...

Pagsalpok ng sariling kotse sa paparating na sasakyan...

Paggulong-gulong ng katawan n'ya sa matarik na bangin...

Pagtilapon ng katawan ni Red sa batuhan...

Pagkabagok ng ulo n'ya sa isang malaking bato...

Kadiliman.

R E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon