Chapter 7: Fuck and go

130 7 41
                                    

"Okay ka lang, Regina? Ang tagal mong nawala ah. Nagulat ako ng tumawag ka kaninang madaling araw para magpasundo mula doon sa mansyon ni Custodio. Hindi na kita nakausap kanina kasi nagmamadali kang makarating dito, nagfocus nalang ako sa pagmamaneho."

Pinagbuksan s'ya nito ng pinto saka agad din na pinasibad ang sasakyan pagkaupo n'ya sa rear seat ng kotse.

"I had been ambushed, Ali. Medyo matagal din bago nakarecover ang katawan ko."

"Ha? Kaya pala mga 2 weeks ka ring walang paramdam. Alam ba ni tito Rex na okay ka na?"

"No. Hindi pa. At wala akong balak sabihin sa kanya na okay na ako anytime soon. Ang alam ni Violet at ni daddy ay may amnesia ako, Ali. Ikaw lang ang tanging nakakaalam na okay ako. Sa'yo lang ako may tiwala at alam mo 'yan. Huwag mong subukang sirain 'yon, Ali. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo."

"Hindi mo ako kailangang bantaan, Regina. Simula't sapul nasa sa'yo na ang loyalty ko at wala akong balak sirain 'yon anytime soon. Kahit ipapatay pa ako ng daddy mo."

"That's good, Ali. Thanks." Nginitian n'ya ito.

"Namiss ko ang ngiti mong 'yan, Regina." Komento nito habang nakatitig sa kanya sa rearview mirror.

Tumikhim s'ya at sumeryoso na ulit. "Sulitin mo na. Minsan mo lang makikita 'yan dahil minsan mo lang ako napiplease, Ali."

Napakamot nalang ito sa batok.

"Anyways, pakibalik na ako sa mansyon ni Narda, Ali. And buy me new costumes. Mabuti at may isa pa pala akong set na naiwan dito sa kotse mo kaya may nagamit ako kanina but this one is old. "

"Aye aye, master. Hmmm... Narda? 'Yon nalang ang tawag mo kay Custodio? Akala ko ba s'ya ang target mo para sa huling mission mo?"

"Unfortunately, luck is on her side. As a matter of fact wala pa akong balak na patayin s'ya anytime soon. She is the reason why i'm still alive today, Ali. S'ya ang nagrescue sa akin mula sa pagkakahulog sa bangin. I owe my life to her and because of that, I should spare her life too."

"Pero hindi magugustuhan ng daddy mo 'yan, Regina. Personal request n'ya ang misyon mong 'yan. At hindi ba gusto mo ng kumawala? Paano n'ya ibibigay ang freedom mo kung hindi mo tatapusin ang misyon mo?"

"I'll think of something, Ali."

Which reminds me kung bakit ayoko munang patayin si Narda. Pagkakataon na rin siguro ang nagdala sa akin sa kanya.

Kamuntikan ko ng makalimutan ang babaeng 'yon pero bumalik ulit sa memorya ko ang nangyayaring noon when Narda and I kissed with that scarf on. I can still remember the way she kissed me even if it was years ago and I was drunk that night.

[Flashback]

"Merger? What merger, dad?"

"Merger with Fuentebella Business Empire. You know they own some of the biggest hotels and has chains of restaurants here in the Philippines, anak. So marrying their only heir will do us good. Lalo na't we are in the manufacturing and builders business. But most importantly it is important for as as venture builders."

"Alam mong babae ang gusto ko, dad. Bakit mo ako pipiliting magpakasal para sa merger? And besides, kakagraduate ko lang ng college. Huwag mo naman muna dagdagan ang responsibilities ko. Bata pa ako, you're already training me as an underground fighter, as an assassin and as an heir of your illegal and legal businesses. Let me have a life of my own, for christ's sake! May mga plans din ako para sa sarili ko, dad."

"I'm aware na babae ang gusto mo. Bakit hindi ka makipagkita sa apo ni Fuentebella. Malay mo magkasundo kayo."

"No!" She stubbornly replied.

R E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon