"Huwag kang sisigaw o kumilos ng masama. Ako lang 'to."
Valentina was preparing to sleep but out of nowhere she is pinned down on the bed by an intruder. She can barely move, much she don't have the strength to escape from her captive dahil sa pagkagulat.
Hawak nito ng mahigpit ang dalawa n'yang kamay sa likuran at nakadagan ito sa kanya. She can't do anything but lift her head at subukang aninagin kung sinuman ang intruder na 'to.
"Mag-uusap lang tayo, Red. Wala akong masamang balak sa'yo."
"Red? Sino'ng Red? Get off me! I can barely breath." Sagot n'ya rito habang sinusubukang kumawala sa pagkakahawak nito.
"Bibitawan kita basta ipangako mong hindi ka sisigaw, hindi ka tatakbo, at hindi ka lalaban." Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay n'ya.
"I promise. Basta huwag mo lang akong sasaktan."
Saka palang s'ya nito binitawan saka tumayo sa gilid ng kama.
Pero wala sa isip ni Valentina ang basta nalang hayaan ang intruder.
Bigla s'yang nagpakawala ng isang round house kick saka ito naman ang inipit n'ya ng mga paa ng bumagsak ito sa sahig.
"Who are you? Why are you here? Nandito ka ba para patayin ako?"
"Red! Si Violet 'to. Napag-utusan lang ako ng daddy mong puntahan ka rito. Wala akong balak na masama."
"Daddy? Sinong daddy?"
Halos mabali na ang kamay nito dahil sa pagtwist n'ya. Nakalingkis ang mga paa n'ya sa mga paa nito upang hindi s'ya basta-basta masipa nito. Her other hand is holding her hair as she pinned her head on the floor.
"Red! Regina! Hinay-hinay naman, nasasaktan ako. Nasa kotse s'ya hindi kalayuan mula rito. Hinihintay ka n'ya doon ngayon."
"Paano ako nakakasiguro na hindi kayo masasamang tao?"
"Ha? Bakit? Hindi mo ba kami natatandaan? Pinsan mo ako, Red. Ako si Violet."
"Hindi." Simpleng sagot n'ya saka ito binitawan.
"Ghad! Ang lakas mo talaga sobra! Mukhang nawalan ka ng memorya pero hindi manlang nabawasan ang galing mo sa pakikipaglaban."
"Dalhin mo ako sa sinasabi mong daddy ko."
"Kaya mo na ba? I mean, kailangan pa naming planuhin ang paglabas mo sa mansyong ito. Ang daming bantay."
"Saan ka ba dumaan kanina?"
"Sa pader, tapos inakyat ko 'yong bubong ng mansyon at bumaba sa veranda ng kwartong 'to."
Naghalungkat s'ya ng maisusuot mula sa closet ni Narda. Sweatshirt, jogger pants at cap na puro itim ang kinuha at isinuot n'ya.
"Lumabas ka kung sa papaanong paraan ka pumasok. Ako na ang bahalang dumiskarte kung paano ako lalabas dito. Hintayin mo ako malapit sa gate nitong mansyon."
"Pero..."
"Ako na ang bahala sa sarili ko. Susunod ako sa'yo. Hintayin mo lang ako doon."
Pailing-iling na lumabas na ulit ito sa may veranda saka nawala sa kadiliman ng gabi.
______________
Madilim ang paligid.
May mangilan-ngilang gwardiya na nagkalat sa paligid ng bahay pero may sa pusa na patalon-talon, patakbo-takbo at patago-tago, at mabilis ang mga kilos na tinalunton ni Valentina ang daan palabas ng mansyon.
BINABASA MO ANG
R E D
FanfictionRED is Regina Vanguardia. Businesswoman, philanthropist, motocrosser, racer and model by the day assassin by night. But she is unhappy. RED asked for her freedom. She doesn't want darkness and evil under her sleeves anymore. She wanted to be freed...