PROLOUGE

8.3K 184 19
                                    

"This is wrong. This one too."

Nanatili akong nakatingin sa kanya ng blangko habang iniisa-isa niya ang mga mali ko sa pinasang budget report. I kinda missed the project, so I already expected this type of outcome. But this is the third time he asked for my presence.

"You are one of the topnotchers, rigth?" Hindi ko alam kung tama bang may narinig akong insulto sa tuno niya.

I can't help but judge people who see others achievement as a basis for their work outcomes. I mean, yun naman talaga ang basehan para mahire ka sa trabaho, but they always forget that other things that affect someone's behaviour in a workplace. And you should not expect that just because you hire a topnotcher like me, hindi na ako magkakamali sa trabaho.

Ngayon lang naman ako nagkamali. Ngayong siya na ang bagong nakaupong CEO ng kompanya. Bakit? Bawal na ba akong magkamali?

"Yes, Sir." I admitted my mistakes on this one

Tiningnan ko ang wood carving ng pangalan niya sa malawak niyang lamesa.

GASTON LYNX S. ESQUIVEL

Kailan lang ng pangalan ng tatay niya pa ang nakalagay diyan.

"I did not expect the deadline to be moved earlier sir, that is why." It is my excuse but I know this is not an excuse for him.

"Not enough excuse. You should always finish your work, earlier than the expected deadline."

See? It's not an excuse.

Tumango lamang ako. This is better. Huwag sumabay sa galit ng boss mo. Huwag na ring komontra sa mga sasabihin niya.

"You should do better next time." Pangaral niya sa akin na para bang hindi ko na to narinig ng ilang beses sa tanang buhay ko.

"Yes, Sir." I simply answered.

"You can go back now." He dismissed me. His eyes void of emotion.

"Thank you, Sir."

Just like that, lumabas na ako ng opisina niya. Sumakay ako ng elevator at agad na napasandal sa pader. Hinilot ko ang ulo ko, pumipintig na naman sa sobrang sakit.

Lumabas na ako ng marinig kong nasa tamang floor na ako. Agad akong sinalubong ni Ina.

"Okay ka lang?" She worriedly asked.

"Yup." I coldy answered.

"Pinagalitan ka?" Sunod niyang tanong.

"Not that much." Simpleng saad ko.

Tumango lamang siya sa akin kaya bumalik na ako sa cubicle ko. I need to work harder, ngayon siya na ang bagong CEO namin. I mean, I've been working harder before too, but this is a next level of work. Ayaw ko ng mapagsabihan.

Working in the biggest electrical company in the country has its own perk, pero sobrang hirap rin.

I started working on my mistakes. And slowly, I was able to correct them all. Napatingin ako sa maliit kong orasan sa table ko. Malapit ng mag alas otso, I have to finish this today, I can stay here till nine to polish it more.

Unti-unti ay nagsimula ng magpaalam ang mga kasamahan ko sa trabaho. Hanggang sa ilan nalang kaming natitira. Kaunti nalang at makakauwi na ako. I can feel my bed waving at me, my blanket comforting me. I can't wait to go home already.

I sigh heavely ng matapos ko ang lahat bago mag nine. I closed my eyes for a minute and started packing my things. Bitbit ko na lahat ng gamit ko at palabas na ako ng building namin ng makita ko siyang may hinhintay sa may entrance, dala niya ang kotse niyang mamahalin na nakapuwesto sa gilid lamang.

Seeking Gaston Lynx EsquivelWhere stories live. Discover now