19

117 13 3
                                    

messenger

Terrence Vergara
• active now

December 9, 2020 at 20:22

Elina
noong unang araw ng
pasukan, nahirapan akong
hanapin 'yong classroom
natin dahil hindi ko gaanong
saulo iyong pwesto ng mga
building sa school

umaga 'yong klase natin
kaya naman nagmamadali
akong maghanap sa bawat
building kung saan 'yong room
natin

hindi ako gaanong kumportable
sa mga tao kaya hindi ako makapag-
tanong kahit sa mga bantay

ilang minuto na lang bago
'yong klase, natatakot akong
mahuli sa unang araw
ng klase pero hindi ko
talaga mahanap 'yong classroom

naupo ako sa hagdan tapos
naiyak, hindi ko kasi alam
'yong gagawin

dumating ka no'n tapos
tinanong mo kung bakit
ako umiiyak, masungit
'yong tono mo at nakakunot
ang noo na para bang
inis na inis ka no'ng nakita mo
ako

natatawa nga ako no'ng
mas humagulgol ako ng iyak
habang sinasabi kung bakit

sinamaan mo ako ng tingin
tapos nagsalita ka ulit, sabi mo
no'n ang iyakin ko tapos ay
tinanong mo sa akin kung
anong room ba

pagkatapos kong sabihin,
inabot mo sakin ang kamay
mo habang masungit ka pa ring
nakatingin

imbis na tanggapin ko ang
kamay mo, tinanong kita kung
bakit kaya mas lalong sumama
iyong timpla ng mukha mo

sarkastiko ka no'ng sumagot,
sabi mo nakaharang ako sa daan
kaya inaabot mo ang kamay mo
para tulungan ako tumayo at
makadaan ka

napansin mo yata na malungkot
ang mukha ko kaya sinabi mong
biro lamang 'yon

inaabot mo ang kamay mo
kasi sasamahan mo ako
sa classroom ko para hindi
na ako umiyak

late ka na rin noon pero
sinamahan mo pa rin ako
para mahanap ko na 'yong
room ko

pagkatapos mo akong ihatid,
umalis ka na agad kasi late
ka na, hindi ko naitanong ang
pangalan mo pero nakita ko
naman ang id mo kaya alam
ko kung sino ka

hinding hindi ko makakalimutan
ang pangalan mong 'yon

vergara, terrence silvestre s.

hindi na ulit kita nakita
simula noong unang pagkikita
natin, hindi ko naman
magawang hanapin ka sa bawat
classroom dahil nakakahiya
'yon

gusto kong magpasalamat
at gusto rin kitang makita.
hindi ko alam pero simula yata
noong pagkikita natin ay
nagustuhan kita

noong sumunod na taon,
hindi mawala ang kasiyahan
sa akin dahil nalaman kong
kaklase kita

nakailang basa pa ko sa listahan
na kabilang sa section natin
para masiguradong sa'yo
ang pangalan na 'yon

unang araw ng pasukan,
ikaw agad ang hinanap ng
mga mata ko, nilibot ang apat
na sulok ng kwarto

nakita kita, nakaupo sa
malapit sa bintana, tahimik
na pinapanood ang mga
kaklase natin

nang magtama ang tingin
natin, umasa ako na matatandaan
mo pero hindi, saglit na tumama
ang 'yong pagtingin tapos
ay ibinaling mo na ulit sa iba

malungkot na hindi mo ako
naaalala pero nangako ako na
sa pagkakataong 'to magiging
malapit na tayo sa isa't isa at
masasabi ko na sa'yo na gusto
kita

terrence, araw-araw ko
namang pinaparamdam
sa'yo at hindi ako nagkulang
para ipakita pero bakit

bakit hindi mo maramdaman?

Bakit 'Di Maramdaman? Where stories live. Discover now