wakas

162 14 5
                                    

hindi naman siguro
magagalit ang tadhana
kung sa imahinasyon ko'y
higit pa sa kaibigan ang
relasyong pinagsaluhan.

narinig ng bawat dahon sa hardin ang mga salitang ibinulong ko sa hangin--- na sana, sa pagdating ng mabait na pagkatataon, nararamdaman ko'y madama mo rin. tahimik na hinihintay ang panahon kung kailan mo susuklian ang pagtanging sayo lamang piniling ilaan habang inihahanda ang papel kung saan ililimbag ang naratibo ng ating suyua't pagmamahalan. handa na ang puso sa'yong pagdating, handa nang tanggapin ang pag-amin mo na ako'y mahal mo rin.

ngunit masyado yata akong umasa--- nagpalinlang sa magagandang tanawin sa isipan at inakalang magiging akin ka. mali pala, walang tayo na magmamahalan hanggang dulo sapagkat ako'y isang kaibigan lamang sa'yo. magkahalo ang nararamdaman, galit sa sarili't pakiramdam na para bang ako'y pinaglaruan--- ng tadhana at imahinasyon, ng isip at pagkakataon.

buong akala ko'y manhid ka, parang tinapay na gawa sa semento at graba pero sa pangalawang pagkakataon, mali pala. nararamdaman ko'y dama mo rin ngunit piniling huwag pansinin 'wag lamang mawala iyong kapayapaan sa pagitan natin. nagbulag-bulagan upang maiwasang magkagulo't mayroong masaktan.

malupit nga talaga ang tadhana. para tayong linyang paralelo, magkalapit ngunit sa anumang punto'y hindi magtatagpo. magkahilera ngunit imposibleng magkaugnay--- hindi kailanman magsasama at palaging magkahiwalay.

bakit 'di maramdaman?
abakithindi: unang yugto
tapos nang isulat

Bakit 'Di Maramdaman? Where stories live. Discover now