09

211 17 9
                                        

messenger

Terrence Vergara
• active now

December 7, 2020 at 12:29

Elina
ang lamig

maulan kasi, kailan
kaya siya titila? alam mo
ba dati no'ng bata ako
akala ko yung ulan ay
luha ng mga anghel sa
langit

Terrence
hindi ka kasi nakikinig sa
science kaya 'yan ang
akala mo

Elina
nakikinig kaya ako! hindi
ba pwedeng malawak
lang 'yong imahinasyon
ko? 😾

Terrence
sus reasons

Elina
hindi kaya ako nagdadahilan

mahilig ka ba sa maulan
na weather? ako oo, kasi
pakiramdam ko peaceful
ang lahat sa tuwing umuulan

pero minsan ayaw ko siya

Terrence
paborito mo pero minsan
ayaw mo? ang gulo mo
talaga, eli

Elina
eh kasi

tuwing umuulan 'yong
mga halaman na hindi
naalagaan ay nadidiligan,
tapos tahimik ang paligid
puro patak ng ulan at
hampas ng hangin 'yong
maririnig

minsan maingay din pero
hindi ganoon masakit sa
tainga kasi mga tawanan
lang naman ng mga batang
nagtatampisaw sa ulan
'yong ingay

tapos lulutuan pa ako ni
mama ng mainit na sopas,
minsan ay champorado
na may inihaw na tuyo sa
ibabaw

Terrence
'yan 'yong mga dahilan
mo bakit mo gusto tuwing
umuulan?

Elina
oo pero hindi lang yan
'no marami pa pero
'yan muna

Terrence
o tapos anong
dahilan bakit mo
ayaw ang tag-ulan?

Elina
kasi tuwing tag-ulan
nababasa 'yong mga
walang masisilungan

saka nahihirapan 'yong
mga taong naghahanap-
buhay sa lansangan kasi
nga maputik saka basa
tuwing naulan

nilalamig pati 'yong mga
taong walang kumot at
walang disenteng tirahan
kaya minsan ayaw ko sa
tag-ulan

Terrence
dami mong alam,
ikaw lang iyong kilala
ko na paborito pero
minsan ayaw

Elina
siyempre, hindi naman sa
lahat ng bagay eh pareho
'yong nararamdaman mo
sa isang bagay saka hindi
naman porque gusto mo ay
hindi mo na aayawan

walang kasiguraduhan,
laging may pagbabagong
'di inaasahan

btw, may tanong ako

Terrence
umpisa ka na naman
ba sa bagay na iyan?

Elina
iba 'to ano! sumagot ka
na lang kasi

Terrence
anong tanong? 😒

Elina
nilalamig ka ba ngayon?

Terrence
hindi gaano

Elina
may pakiramdam ka
naman pala pero bakit
hindi mo maramdaman?

Terrence
inaantok ako, d'yan ka na

Elina
sleepwell! 🌟

Bakit 'Di Maramdaman? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon